NAPAHAWAK si Jean sa kanto ng lababo ng comfort room ng restobar. Now she was feeling short of breath. Kasabay pa iyon nang hindi maipaliwanag na papapalpitate ng dibdib niya. It got a lot worse than usual kaya naman nag-excuse na siya sa mga kasama at dumiretso sa banyo. She just can't let them see she was uncomfortable.
Maya maya pa ay nag-ingay ang kanyang cellphone. Sa abot nang makakaya ay kinuha niya iyon mula sa bag at nagawang sagutin iyon. Bumungad sa kanya ang boses ng pinsang si Hector.
"Hey, cuz what's up? I'm in manila. Didn't you say you're at that restobar now? I'm almost there---"
"H-Hector, pwede bang pakibilisan mo ang pagpunta rito?" nahihirapang sabi niya.
"Hey, what's the problem?" agad na bumakas ang pag-aalala sa tinig ng lalaki.
"It's just that I-I think I'm a bit u-uncomfortable."
"Where? What?" natataranta nang tanong nito.
"J-just get here as fast as y-you can. Please?" sabi niya at inilahad dito ang lugar kung saan siya naroroon.
Nang maibaba ang tawag ay pumasok siya sa isang cubicle roon. Isinara niya ang takip ng bowl at saka naupo habang pinipilit pahupain ang nararamdaman. She was thinking of taking her medicines regardless of the time allotted for it to be taken ngunit hindi niya sigurado kung makakabuti iyon. Pero normal ba ang nararamdaman niya. She has been taking the medicines religiously and according to what was prescribed.
Hindi pa man siya nagtatagal na nasa loob ng cubicle ay narinig na niya ang pagkatok mula roon. Kasunod naman niyon ay narinig niya ang boses ng pinsan niyang si Hector. She felt relief flooding in. Mabilis siyang lumabas ng cubicle na kinaroroonan at diretsong binuksan ang pinto ng banyo. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Hector.
"Anong nangyari? Uminom ka ba? Kaya ba masama ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong nito.
"T-that was fast." Nagawa niya pang ikomento bagaman hindi na magawang makangiti dahil sa dinaramdam.
"Stop joking! Namumutla ka!" sabi nito saka lumapat ang palad sa noo niya. "And you have a mild fever."
"Nabinat s-siguro ako kasi---"
"And you've been sick before now?" gulat na tanong nito.
"Just a fever and a bit of vomiting but---"
"Shit! Why didn't you tell me?" nanlalaki ang mga matang sabi nito. "Let's get you to a hospital."
"B-but I'm fine. Just a bit---" hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil nang subukan niyang humakbang ay umikot na ang paligid niya. And everything went black.