ILANG minutong pinakatitigan ni Jean ang bahay ni Apollo. Nakapatay ang mga ilaw niyon. Natutulog na kaya ito? Madaling araw na rin kasi at hindi na siya magtataka pa kung natutulog na ito. Ni hindi nga niya alam kung hinanap siya nito dahil hindi na siya nakabalik pa sa restobar ng kaibigan nito. Hindi rin niya alam kung tinawagan siya nito dahil hindi na niya alam kung sjaan napunta ang cellphone niya nang mawalan siya ng malay. Everything got so confusing and tiring.
Nais niyang pindutin ang doorbell ng bahay nito. Gusto sana niya itong makita na. Maybe his prescence will make her feel better despite of what she has found out a while ago. Pipindutin na lamang niya ang doorbell ng bahay nang marinig niya ang tunog nang paparating na sasakyan. Nasilaw pa siya sa ilaw niyon ngunit agad ding napalis nang huminto ang sasakyan. At mula sa sasakyan ay bumaba ang nag-iisang taong gusto niyang makita nang araw na iyon.
"Jean Grace dela Rama!" ang galit na boses mula rito. Magkahalong inis at pag-aalala ang nakaguhit sa mukha nito ngunit hindi iyon nakabawas sa angking kaguwapuhan nito.
Look at her. Mabigat na nga ang dinadala niya nang mga oras na iyon ay hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang anyo nito. She must love him so much.
Sa malalaking hakbang ay nakarating ito sa harap niya. Bigla parang lumipad ang anumang alalahanin niya at nag-focus na lamang iyon sa lalaking kaharap.
"Apollo, I'm sorry I disappeared---" hindi na niya natapos pa ang sinasabi dahil basta na lamang siya nitong kinabig. Naramdaman niya ang init ng mga bisig nitong bumalot sa kanya. It was warm and reassuring. Na kahit pa hindi nito alam ang pinagdaraanan niya ay pinapagaan na nito ang kalooban.
"Alam mo bang grabe ang takot ko nang hindi ka na bumalik sa lamesa natin? Hinanap na rin kita sa mga comfort rooms pero ang cellphone mo lang ang nakita ko roon. Kung saan saan na ako nakarating makita ka lang." bakas sa tinig ang pag-aalala na sabi nito. And it was even more comforting hearing him worry about her. "Where the hell have you been?"
"I am... something just came up and I... and I..." hindi niya alam kung anong nangyari ngunit naramdaman niya ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. She was going to leave him again. She was going to leave this guy who has done nothing but to take care of her, worry for her. "I-I'm sorry." Hindi na niya napigilan pa ang pag-alpas ng hikbi mula sa mga labi niya.
"H-hey." Mababa ang boses na sabi nito. Bahagya siya nitong inilayo mula rito at pinakatitigan ang mukha niya. Yumuko naman siya upang iwasan ang titig nito ngunit madaling naingat nito ang mukha niya gamit ang mga daliri nito. "What happened? Tell me?" pag-aalala na lamang ang nababasa niya sa mukha nito. Na para bang napatawad na siya nito sa ginawa niyang pagkawala nang hindi nagsasabi rito kahit pa hindi niya ito nabigyan ng magandang rason sa ginawa.
That was him. Palagi siya nitong napapatawad kahit pa ni hindi niya marasonan ang mga kasalanang nagawa niya rito. At lalo siyang napaiyak sa isiping iyon. Masasaktan na naman ba niya ang taong kaya siyang patawarin sa pananakit niya rito?
Ipinulupot niyang muli ang mga braso sa beywang nito at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
"I'm sorry..." umiiyak na sabi niya. "I'm so sorry."
Hindi na ito sumagot pa sa halip ay naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. And she cried even more.
I'll explain everything to you when I get back. And I will come back for you, I promise.