Chapter 33 - 30

KAGAGALING lamang ni Apollo mula sa opisina ngunit iisa lamang ang tinutumbok ng mga hakbang niya pagbaba pa lamang niya ng sasakyan. Ang bahay nina Jean. She had been acting weird the last night pagkatapos nitong mawala na lang na parang bula sa restobar ni Josh. Ni hindi niya nagawang malaman mula rito kung ano ang nangyari dahil umiyak na lamang ito nang umiyak kaya naman kahit nababaliw na siya sa kakaisip kung anong dahilan ng pagkawala nito ay hindi na niya pinilit pang usisain ito nang nakaraang gabi. She needs rest and he was more than willing to give her that.

Ngayon ay magbabaka-sakali siyang ayos na ito at maaari na niya itong makausap. Hindi rin kasi siya mapakali nang hindi niya nalalaman kung may problema ito. And the way she cried last night, alam niyang hindi lamang mababaw ang pinagmulan niyon.

Nasa tapat na siya ng bahay nito nang mapansin niyang nakabukas nang bahagya ang gate. Napailing siya. Kahit kailan talaga ay hindi ito marunong magsara ng pintuan nito. Pumasok siya sa loob ng bakuran. Ngunit hindi pa man siya nakakapasok nang tuluyan sa bahay ay narinig na niya ang mga boses na nanggaling sa bandang hardin ng kabahayan.

"Hey, no matter what happens, you know I'm always here for you, sweetheart." Wika ng boses ng isang lalaki na hindi niya kilala. Hindi rin niya maintindihan ngunit nang marinig niya ang boses na iyon ay agad na bumundol ang kaba sa dibdib niya. At sa maingat ngunit mabilis na paghakbang ay tinungo niya ang pinagmulan ng tinig.

Ngunit agad din siyang napa-preno nang sa wakas ay maaninag niya ang mga taong nasa hardin. Sa pangalawang pagkakataon sa buhay niya, pakiramdam niya ay sinasaksak siya nang ilang daang beses. The scene he was seeing at the moment was very familiar. It would pass as a déjà vu.

It was Jean being hugged by a very familiar guy. Oo, pangalawang beses pa lamang niyang nakita ang lalaki sa buong buhay niya ngunit tila ba nakaukit na iyon sa memorya niya mula sa unang beses na masilayan niya ito. He was the same guy. The same guy who made him give Jean up before.

Sweetheart? Tila ba nagpaulit-ulit sa isip niya ang endearment na iyon na ginamit ng lalaki kay Jean ilang sandali pa lamang ang nakakalipas. At sa bawat pagkakataong uulit iyon sa isip niya tila ba paulit-ulit ding tinatapakan ang puso niya.

"We just have to go back to US and everything will be alright, trust me." Sabi pa ng lalaki habang hinahagod ang buhok ni Jean. And Jean was even tightly clinging to him like her life depended on the man.

Gusto niyang matawa ng mapait. So they were even planning to leave without him knowing? Kung ganoon bakit pa ito yumakap sa kanya ilang oras pa lamang ang nakakalipas kung plano naman pala nitong sumama sa lalaki nito. He felt hurt and betrayed. Parang guso niyang manakit. Kaya bago pa man niya magawa iyon ay tumalikod na siya. Ngunit dahil wala na siyang pakialam pa sa dinaraanan niya ay isang paso ang natabig niya. Sa lakas nang pagkakatabig niya rito ay tumama ito sa dingding na lumikha nang bahagyang ingay.

"Damn it!" galit na mura niya.