Chapter 35 - 32

"PARE, tama na 'yan." pumalatak pa si Josh nang makitang muling sinaid ni Apollo ang alak mula sa baso nito.

Hindi naman ito pinansin ni Apollo at muling nilagyan ang baso niya mula sa bote ng alak na nasa harap din naman niya.

Pagkagaling niya sa subdivision ay sa restobar na siya ni Josh dumiretso. Ni hindi na siya nag-abala pang umorder sa bartender at siya na mismo ang kumuha ng bote ng alak sa bar. Hindi naman siya nagawang pigilan ni Josh. Marahil naramdaman nitong hindi maganda ang lagay niya.

Naubos na lamang ang customer ng restobar ay nananatili pa rin siya roon habang kaulayaw ang alak na nakuha niya. Aminado siyang tinamaan na siya ng alak dahil nagdadalawa na ang paningin niya ngunit wala pa siyang tumigil. Hindi siya titigil hanggang hindi namamanhid ang buong katawan niya.

"Ano ba kasing problema?" muling tanong nI Josh. "Nag-away ba kayo ni Jean."

Pagak na natawa siya. Nag-away? Sana nga ganoon lamang kasimple iyon. Ang isang simpleng ayaw ay alam niyang maaayos pa ngunit alam niyang kung anuman ang mayroon sila ni Jean ay tapos na ngayon. And he hates that he was hurting this much because of it.

"You know you can talk this through if---" naputol ang kung anumang sinasabi ni Josh nang bumukas ang main door ng restobar. "Sorry, sir, but we're already closed." narinig niyang sabi ni Josh.

Inaasahan niya ang muling pagbubukas ng pinto tanda nang pag-alis ng kausap ni Josh ngunit nagulat siya nang bigla na lang may humawak sa braso niya at basta na lamang siyang iniikot. Hindi na siya nakahuma pa nang isang kamao ang tumama sa panga niya. At dahil na rin sa kalasingan ay hindi niya nagawang balansehin ang sarili. Bagsak siya sa sahig ng lugar habang namamanghang nakatingin sa kung sino mang gumawa niyon sa kanya.

Pilit niyang inaninag ang lalaking nasa harap kahit pa pigil na ito ni Josh na akmang susugurin pa rin siya. Ilang sandali din niya itong pinakatitigan bago niya ito nakilala. It was Hector. Mapait na natawa siya. Pagkatapos niyon ay pinilit niyang tumayo at sa abot ng makakaya ay pinalipad ang kamao sa mukha ng lalaki. Ngunit dahil nahihilo na siya ay dumaplis lamang iyon rito. Wala na ring nagawa pa si Josh nang muli siyang suntukin ng lalaki. Sumadsad siya sa bar counter

"Awat na pare!" narinig niyang sabi ni Josh. "Ano bang atraso ng kaibigan ko sa'yo?"

"Sa akin wala pero sa pinsan ko meron!" mariing sabi ni Hector. Sa narinig ay bigla niyang ibinaling ang tingin sa lalaki. "Oo, pare, pinsan ko si Jean at isa kang malaking gago dahil ni hindi mo pinakinggan ang paliwanag niya!" baling nito sa kanya.

Tila namanhid ang buong katawan niya. Maging ang galit niya sa lalaki ay parang biglang nakalimutan. Pinsan nito si Jean?

"Ang problema sa'yo pare masyado kang nagpapadala sa kamiserablehan mo sa buhay, ni hindi mo na inalala ang maaaring dahilan ni Jean sa mga bagay na nagawa niya!" pagpapatuloy nito nang hindi siya makapagsalita. "Jean was diagnosed with dilated cardiomyopathy a few years back at nataningan na ang buhay niya. It was the same disease that killed her father. Hindi niya gustong sumuko pero ilang taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin nakakahanap ng donor na ka-match niya so she decided to leave you!"

"W-what?"

"Ang sabi niya mas madali mo siyang makakalimutan kung iisipin mong iniwan ka niya dahil hindi ka na niya mahal. She said it will be easier for you to move on that way. Ayaw niyang habang-buhay mong ipagluksa ang pagkawala niya. Mamamatay na lang siya pero ikaw pa rin ang iniisip niya, alam mo ba 'yon?"

"How---"

"Ni hindi mo alam na habang kinamumuhian mo siya sa bawat araw na lumipas pagkatapos ka niyang iwan, higit ang paghihirap na nararanasan niya nang mga araw na iyon. She has been hurt physically and emotionally pero kinaya niya iyon until she was given the chance to live. She received a heart transplant a few months before she came back. At ikaw ang una niyang naisip na balikan nang mabigyan siya ng pag-asa. You were her motivation to live. At kahit alam niyang sa pagbabalik niya ay sasalubungin niya ang galit mo, hindi siya nag-alinlangang balikan ka!"

"She should have told me---"

"No, you didn't give her the chance to explain herself! Kahit ngayon. Do you even know that she's suffering again? Na kailangan niyang bumalik sa America para ipagamot muli ang sarili niya?" nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula rito. "Yes, she's sick again. Her body's rejecting her new heart. And all you ever did for her was make her feel unwanted!"

Bumalik sa alaala niya ang ilang beses na tinangka ni Jean na magpaliwanag. Nang unang beses na magkita sila nitong muli. Nang magawa niya itong patawarin kahit hindi niya alam ang dahilan ng paglayo nito. At ang pagtatangka nitong magpaliwanag nang araw ding iyon ngunit masasakit na salita lamang ang nagawa niyang ibigay rito.

Gusto niyang suntukin ang sarili. He has been a selfish jerk towards her. Tama si Hector. Masyado niyang inisip ang sarili niyang damdamin at ni hindi niya binigyan ng pagkakataon ang babaeng ipaliwanag ang sarili nito. Masyado siyang siguradong siya lamang ang nasasaktan kaya naman hindi man lamang sumagi sa isip niya na maaaring nasasaktan din ito. Nang higit pa sa sakit na nararamdaman niya.

"Can't you be a better man for her for once?" bahagyang mababa na ang boses na sabi ni Hector. "She has been doing everything she can to be with you. It's high time you give back what was given selflessly to you." sabi nito saka kumalas sa pagkakahawak rito ni Josh.

Mukhang maging si Josh ay nagulat sa mga narinig nito dahil hinayaan lamang nitong makakawala ang lalaki.

"Our flight is tomorrow at 4pm. At sa oras na makaalis ang eroplanong iyon, hinding hindi ka na makakalapit pa sa pinsan ko." seryosong sabi nito saka naglakad nang palayo.

"Hector!" nagawa niyang tawagin ito bago pa ito tuluyang makalabas ng pinto. "Thank you"

"Don't thank me because I'm not doing this for you. I'll gladly kill you any day for hurting her," sagot nito bagaman hindi na siya niti tiningnan pa. "But you're her reason to live and I can't do anything about that."