Chapter 36 - 33

HINDI maiwasan ni Jean na luminga-linga sa paligid habang nakaupo sa waiting area ng airport na kinaroroonan. Araw nang pagbabalik nila ni Hector sa US nang araw na iyon at katabi niya itong naghihintay sa flight nila.

Alam naman niyang malabo pa sa tubig ng ilog pasig ang tsansang makikita niya si Apollo sa lugar na iyin ngunit gusto niya sanang makita ito bago siya tuluyang umalis ng bansa. Kahit pa siguro galit ang makita niya sa mga mata niti ay ayos lang sa kanya basta makita lamang niya ito.

Nang sa wakas ay tawagin na ang pasahero para sa flight na kinabibilangan nila ng pinsan niya ay tumayo na sila. Nilingon niya si Hector na siya nang nagbitbit ng mga gamit niya. He gave her a reassuring smile. Kulang naman sa buhay ang ngiting naibigay niya rito gayunpaman ay hindi na ito nagreklamo pa. Nauna na ito sa boarding area habang siya naman ay nakuha pang lumingon sa daang palabas ng airport na iyon.

Wala naman siyang balak na urungan pa ang pag-alis. She just wanted look at the place she would leave behind, and maybe for good. Huminga siya ng malalim bago sumunod sa pinsan niya.

Ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng eroplano. Pinili niya ang window seat habang si Hector naman ang umupo sa kanan niya.

"'You okay?" tanong nito sa kanya. Inihanda niya ang isang ngiti bago ito binalingan saka tumango.

At nang tuluyang umalis ang eroplano ay parang gusto niyang umiyak. It felt like it was finally over. Her one greatest love was over. At magawa man niyang maka-survive sa sakit, wala na siyang babalikan pa sa lugar na iyon.

Nang maging stable na ang lipad ng eroplano ay tumayo siya sa upuan niya at nagpaalam kay Hector na pupunta sa airplane lavatory. Pilit niyang itinago sa harapan nito ang nararamdaman ngunit nang makapasok sa lavatory ay kusa nang bumuhos ang mga luha niya. Hindi na niya iyon nagawang pigilan. Ni hindi siya nakapagpaalam ng matino kay Apollo. At hindi maganda ang naging huling pag-uusap nila nito. Bakit kasi kung kailan akala niya ayos na ang lahat, saka pa dumarating ang mga bagay na makakapaghiwalay sa kanya sa taong mahal niya. Maybe they were just not meant to stay with each other.

Pilit niyang kinalma ang sarili. Ayaw niyang pag-alalahanin pa ang pinsang siya na lang umaalalay sa kanya kung makikita pa siya nitong nahihirapan.

Nang sa pakiramdam niya ay kaya na niyang pakiharapan ng maayos si Hector ay binuksan.na niya ang pinto ng lavatory at akmang lalabas na nang may kung sinong nagtulak muli sa kanyang papasok kasunod ay ang pagsasara muli ng pinto. At sa liit ng space sa loob ay halos nakadikit na ang mukha niya sa dibdib ng kung sino mang nasa harap niya. She almost panicked when she suddenly recognized that scent.

Awtomatikong umangat ang tingin niya sa mukha ng lalaking nasa harap. Napasinghap siya.

"Apollo?" naisatinig niya habang nanlalaki ang mga mata.

"Miss me?" ang nakangising sabi nito.

Ilang beses siyang pumikit-pikit upang siguraduhing hindi siya namamalikmata lang. But no matter how many times she closes her eyes and opens them again, palaging ito ang bumubungad sa kanya.

Bahagyang nangangalumata ito at nangingitim ang isang bahagi ng panga nito. Gayunpaman ay hindi nakabawas iyon sa angking kaguwapuhan nito. He still looked perfect in her eyes.

"W-what are doing here?" nagawa niyang itanong nang sa wakas ay paniwalaan niyang totoong nasa harap niya ang lalaki.

"To be with you of course." simpleng sabi nito saka umangat ang palad sa pisngi niya. It felt so warm and real. "Namamaga ang mga mata. You've cried a lot." mababa ang boses na sabi nito.

"Apollo, a-anong nangyayari?" nagawa niyang itanong dahil gulong gulo na talaga siya.

The last time they met, he was very angry that it looks impossible that he would be forgiving her. Ano na nga iyong huling sinabi nito? He wanted her out of his life for good? At masakit man ay tinanggap niya iyon. Kaya naman hindi siya handa sa mga nangyayari nang oras na iyon.

"I told you, I came here for you. To be with you, for good." muling bumalik ang ngiti sa mga labi nito ngunit hindi pa din inaalis ang palad nitong marahang humahaplos sa pisngi niya.

"B-but you hated me. You don't even want to see me anymore---"

Nanlaki ang mga mata niya nang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. She was stunned for a minute but the gentleness and warmth of his kiss made her close her eyes and answer his kisses.

Nang humiwalay ito sa kanya ay hindi naman ito tuluyang lumayo sa halip ay inilapat nito ang noo sa noo niya. At imbis na ngiti ang masilayan niya sa mga labi nito, matinding damdamin ang nakita niya sa mga mata nito.

"I love you, Jean. And I'm sorry for hurting you. I have been so selfish. And because I was busy moping about how hurt I was, I disregarded how you must have felt all along. How much you must have suffered habang abala akong kinamumuhian ka. I'm so sorry."

"Did you---"

Inilayo nito ang mukha sa kanya saka tumango.

"Sinugod ako ng pinsan mo sa restobar ni Josh habang nagmumukmok dahil sa katangahang nagawa ko. He gave me a piece of his mind, plus a punch in the face."

"Siya ang may gawa niyan?" sabi niyang umangat din ang kamay sa pasa nito sa mukha. "I'm sorry."

"No, I deserved it for hurting you. Gusto ko pa ngang magpasalamat sa kanya dahil kung hindi niya ako pinuntahan at pinatikim ng kamao niya, I would have lost you forever." malamlam ang mga matang sabi nito. "And that would be the biggest mistake that I would have committed in my entire life."

"Did he tell you about my... my condition?" sa pagkaalala doon ay muling sumama ang pakiramdam niya. She was with him now but she was not sure if she will be in the future.

"He did. Alam mo bang nakakatampo na malamang iniwan mo ako noon dahil sa sakit mo. I could have been there for you all the way. And we could have saved ourselves from the heartache that we endured." kastigo nito sa kanya bagaman sa mababang tinig naman.

"I couldn't help it. Alam kong masasaktan at mahihirapan ka kung nagkataong nawala ako dahil sa sakit 'ko. You would have cherished our memories so much that you would probably stop living your life properly. At ayokong mangyari 'yon. Gusto kong maging maayos ang buhay mo kahit pa magalit ka sa'kin ng husto."

"Haven't you heard from my friends? I have not been living properly when you left. I had a few dates with other girls but I never gave my heart to anyone else. Kahit nasaktan kasi ako nang iwan mo ako at akala ko ay galit na lamang ang nararamdaman ko para sa'yo, ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko. Kaya nga nagawa kong patawarin ka kahit ilang beses mo pa lang akong kinukulit. Kahit kasi anong gawin kong pagbabakod sa puso ko para hindi ka makalapit, you were still able to make my heart waver."

"Gusto ko talagang balikan ka nang akala ko magaling na ako. Isang bagong pagkakataon para makasama ka. Pero ngayon hindi na ako sigurado." napabuntong-hininga siya. "Kailangan kong magpagamot ulit." sa kabila ng saya ay naramdaman niya ang pagdaloy ng mga luha niya. Hindi mawala sa isip na maaaring iwan niya itong muli dahil doon.

Pinahid naman nito ang mgauha niya saka iniangat ang mukha niya upang matignan siya nito ng maayos.

"Hey, it's alright. Everything will be alright. And I'm gonna be with you through all of these." sabi nito habang nakangiti na sa kanya. She saw sincerity in his eyes.

"You mean...?"

"I boarded this plane because this time I wanted to be with you. Sa tingin mo ba sumakay lang ako rito para makita ka? We'll fight that illness of yours together and you'll get better. I promise you that." sabi nito.

"Paano ang kompanya mo?" tanong niya.

"It's been taken cared of so don't worry." sabi nito saka pinisil ang pisngi niya. And then he was suddenly hugging her. "I'm sorry kung ilang beses kitang hindi pinakinggan. I'm sorry kung napagsalitaan kita ng masama. I'm so sorry that I've hurt you countless of times already. And I'm so sorry I am not with you when you were suffering."

"You know you don't have to say sorry for those things. Kasalanan ko dahil inilihim ko sa'yo ang lahat." ipinulupot niya rin ang mga braso sa beywang nito. "At hindi naman ako nagalit o nainis man lang sa lahat ng nasabi mo. Sa totoo lang, hindi ko alam possible man lang bang magalit ako sa'yo."

Naramdaman niya ang paghigpit pang lalo ng pagkakayakap nito sa kanya. Bahagya din nitong isinubsob ang mukha sa buhok niya.

"I will never hurt you again, I promise." bulong nito. "I love you, Jean. Please don't disappear on me again. Mababaliw na ako ng tuluyan kung mawawala ka pa ulit sa'kin."

Ramdam niya sa tono nito ang sinseridad sa sinasabi nito maging ang damdaming nakapaloob doon. At bilang sagot ay bahagya niyang inilayo ang sarili rito bagaman hindi tinanggal ang mga braso sa beywang nito. Tumingkayad siya at inilapat ang mga labi sa labi nito.

"I won't leave you, I promise. And not even my illness could make me break that." nakangiting sabi niya. "And I love you too."

Lumawak ang pagkakangiti nito saka siya hinalikan sa noo at muli siyang ipinaloob sa mga bisig nito.

"Thank you for coming back to me." narinig niyang bulong nito.

"You're very much welcome." sabi niya nang may biglang maalala. "But, aren't we going out of here? Medyo masikip dito. And it's the lavatory." Alanganing sabi niya.

"No, I like it here. Dito lang kita pwedeng masolo. And I like being this close to you." sabi nito saka hinigpitan pang lalo ang pagkakayakap sa kanya. "Let's stay here for a bit longer."

"Okay." nakangiting pagsang-ayon na rin niya saka isinubsob pang lalo ang mukha sa dibdib nito. She liked being this close with him also. It made her feel happy and safe. Na kahit ang sakit niya ay hindi siya kayang igupo dahil kasama na niya itong lalaban ngayon.

Maybe he was right. Maaring hindi na sila nasaktan pa kung sa halip na iwan ito noon ay sinabi na lang niya ang totoo. They could have been together through all the hardships. Ngunit ayaw na niyang isipin pa 'yon. Ang mahalaga ay magkasama na silang muli nito.

"Teka, paano ka nga bang nakapasok rito? Hindi ba may bantay sa labas?" bigla ay tanong niya. Not that she was complaining, she was just curious.

"I'm Apollo Luis Hernandez, well-known businessman." Mayabang na sabi nito.

"You paid them?" gulat na tanong niya rito.

"Well..." kibit-balikat na sabi nito. "Mayaman ako eh." Dugtong nito na ikinatawa niya.

"Huwag ka na ngang magsasasama kay Menriz. You're starting to sound like him."

Tumawa ito. She had always loved his laugh. And she could listen to his laugh all day and never get tired of it. She pretty much wants to share a lot more with him than laughing. And she was hoping against hope that they would be given enough time and chance to do so.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag