"DAMN IT!" ang narinig ni Jean pagkatapos niyang marinig ang ingay na gawa ng pagkakatabig marahil ng paso. Pamilyar ang boses na iyon kaya naman awtomatikong kumalas siya mula sa pagkakayap sa pinsang si Hector at agad na lumipad ang tingin sa direksiyong pinanggalingan ng tinig. And true enough, standing a few meters away from them was Apollo. Madilim ang anyo nito habang nakatingin sa kanya.
"I'm sorry for interrupting you." Ang malamig na sabi nito saka naglakad nang palayo.
Sa tingin pa lamang na ipinukol nito sa kanila ay alam na niyang iba na ang ipinakahulugan nito sa nakita kaya naman agad niya itong sinundan. Nakalabas na sila ng gate ng bahay niya nang magawa niyang maabutan ito.
"Apollo, It's not what you think it is!" agad na sabi niya. She felt a bit of relief when he stopped but decided against it when he looked at her. She almost flinched when she saw the anger on his eyes.
"And what is it exactly, Jean? Ano pa ba ang kailangan kong makita o marinig para maging malinaw sa akin ang lahat?" galit na sabi nito. "Bakit k aba bumalik? Para paikutin na naman ako? Para may mapagtawanan kayo ulit ng boyfriend mo dahil sa pangalawang pagkakataon, napaglaruan mo ako?"
"Hector is not my boyfriend! Makinig ka naman please---" tinangka niyang hawakan ang braso nito ngunit agad nitong pinalis iyon.
"Bullshit, Jean! Siya ang dahilan kung bakit mo ako iniwan noon at siya rin ang rason kung bakit aalis ka ulit ngayon tapos gusto mong paniwalaan kong wala kayong relasyon?"
"H-he was not the reason I left before---"
"Ah hindi ba? Kaya ba nakita ko rin kayong magkayakap noong nasa America ka na? It's quite nostalgic you know? It was the same scene I saw a few years back!"
"Y-you were there?" gulat na tanong niya.
"Yes, Jean. I went there! Sinundan kita sa America para lang makita ang sweetness ninyo nang bago mong boyfriend!" pasigaw na sabi nito. "Alam mo ba kung gaano akong nasaktan nang makita kitang yakap ng ibang lalaki? Jean I was shattered when you left me. I felt like dying. And I can't live without you kaya sumunod ako sa'yo. Hinanap kita para lamang mas masaktan pa dahil sa dahilan ng paglayo mo. And now this?"
"I didn't know..." naguguluhang sabi niya.
"When you left me, I felt like dying but when I saw you with another man, it felt like I've been thrown to hell. Pero pinatawad kita. Damn it, I even thought of starting over with you! Ang sabi ko sa sarili ko wala na akong pakialam pa kahit iniwan mo ako noon dahil sa ibang lalaki dahil bumalik ka naman. Dahil ang mahalaga kasama kita. But to experience this type of pain again is too much!" huminga ito ng malalim na wari bang tinitimpi ang galit sa loob nito at nang muling magsalita ay mababa na ang boses nito. Gayunpaman ay hindi nawala ang galit sa mga mata nito. "Now I know how stupid I am to love you this much." Naglakad itong papalapit sa sasakyan nito at binuksan ang pinto niyon.
"Apollo..." habol niya rito ngunit ni lingunin siya ay hindi na nito ginawa bagaman huminto nito. Nais niyang mabuhayan ng pag-asa ngunit agad din nitong pinalis ang kakarampot na pag-asang iyon dahil sa mga sumunod na sinabi nito.
"I want you out of my life for good." sabi nito saka sumakay sa sasakyan nito bago nito pinaharurot ang sasakyang palayo.
Tila naman naubos ang lahat ng lakas niya. Her knees gave out and was about to fall when she was caught by two reassuring arms. Nang iangat niya ang tingin ay sinalubong siya nang nag-aalalang tingin ni Hector.
Nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata niya. Tahimik na lamang siyang napaiyak habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng pinsan niya.
"I can talk to him and explain everything." ang narinig niyang sabi nito habang hinahagod pa din ang likod niya.
Mabilis na umiling siya.
"M-maybe it is better this way. " she said in between sobs. "He was better off w-without me"
At maaaring tama si Apollo. Siguro nga mawawala na siya nang tuluyan sa buhay nito kahit hindi man niya gustuhin iyon.