"WE have to go back to US and get you checked up by your doctor." Mahinahon ngunit seryosong sabi ni Hector.
Sa isang ospital sila nito humantong nang mawalan umano siya nang malay sa mga bisig nito ilang oras pa lamang ang nakakalipas. Pagmulat pa lamang ng mga mata niya ay pinaulanan na siya nito ng sermon. Kesyo bakit daw pinabayaan lamang niya ang nararamdaman niya. Na bakit hindi niya agad sinabi rito na ilang araw na siyang nakakaramdam ng mga sintomas ng sakit niya. Kulang na nga lang ay sakalin siya nito.
"Do we really have to? Can't you just give me the proper prescriptions? I mean it's not so serious----"
"Why the hell is it not serious?!" nanlalaki ang mga matang sabi nito. "Darn it, Jean, alam mo ba ang sinasabi mo? Masasakal na talaga kita promise!"
"Pero ang sabi mo madadaan naman ito sa gamot. Na kaya nga ako nagti-take ng gamot para doon hindi ba?" pagpipilit niya. Hector is one of her doctors maliban pa sa pinsan niya ito. Ito ang nagsisilbing personal physician niya habang nagpapagaling siya kaya nga dapat ay kasabay niya itong pumunta ng Pilipinas kung hindi lang niya ito inunahan.
"Iyon nga! Hindi na sapat ang gamot na iniinom mo. At kung magpapatuloy ito, you could die from this!"
Doon siya natigilan. At ganoon lamang ay mabilis na bumalik sa alaala niya ang mga pangyayari bago at nang umalis siya ng Pilipinas. Iyong panahong umiyak siya nang husto nang malaman niya ang sakit niya. That time when she decided to leave Apollo so he could go on with his life without her. The time she had hurt him and got hurt a hundred times more. All of it came pouring back in her mind.
"I-I could die?" naisatinig niya.
"Now you know how serious this is! Kaya kailangan nating makausap ang doctor mo sa lalong madaling panahon. There would be tests to be done also." Pagpapatuloy nito. "We have to leave as soon as possible."
"P-pero---" pero hindi niya kayang iwan na naman si Apollo. Kailan lamang sila muling nagkaayos nito. Hindi na niya alam kung paano pa niya maipapaliwanag rito ang dahilan nang muli niyang pag-alis. Ni hindi pa nga nito nalalaman ang dahilan noon. "W-wala ka bang ibang magagawa? I mean, doctor ka naman at---"
"Jean, kung magagawan ko lang ng paraan alam mong ginawa ko na. But it's not really my expertise. Isa pa hindi ako ang doctor na gumawa ng surgery mo." Napu-frustrate nang sabi nito.
"Kung gan'on, a-anong mangyayari sa'kin?" nanghihinang tanong niya. If it was that serious, kung aalis siya mababalikan pa ba niya ang maiiwan niya sa lugar na iyon?
Mukha namang nabasa nito ang iniisip niya. Umupo ito sa gilid ng hospital bed niya at inilapat ang mga kamay sa mga balikat niya.
"Look, we can treat this. Kailangan lang nating gawin ang lahat ng dapat gawin sa lalong madaling panahon. If you want to come back here, we have to do this." Determinadong sabi nito sa kanya.
"And if it does not go w-well?" kulang sa lakas na tanong na niya. Will it be just like a few years ago? O sa pagkakataong iyon ba ay hindi na siya makakabalik pa? Gulong gulo na naman ang isip niya.
"'Wag ka ngang mag-isip nang ganyan! Gagaling ka. Para sa sarili mo at para na rin sa taong mahal mo." Sagot ng pinsan niya. Nang hindi siya umimik ay kinabig siya nito at niyakap habang hinahaplos ang likod niya. "You will be alright."
"C-can I..." napalunok siya. Hindi siya dapat umiyak. If she was to leave, she should at least see the person she would be going back to. "Can I leave the hospital for a while?"