NANGINGINIG na umupo na lamang si Jean sa lapag sa pagitan ng kama niya at ng bedside table. Niyakap ang mga tuhod at isinubsob ang mukha. Sa bawat pagkulog ay napapaigtad siya at bahagyang napapatili. Ni wala siyang kasama sa bahay. Maging ang ilaw ay nawala pa. She felt so helpless.
Nagulat pa siya nang bumukas ang sliding door ng kuwarto niyang siyang daanan papunta ng veranda. Agad niyang iniangat ang tingin at bumungad sa kanya ang isang pigura na natatabingan pa ng hinahanging kurtina. Isang matinis na sigaw ang lumabas mula sa mga labi niya.
"Hey, hey... It's me!" ang sabi ng pigura.
Pamilyar sa kanya ang boses na iyon ngunit hindi siya sigurado kung feeling niya lang ay kilala niya ang boses. Malay ba niya kung nagha-hallucinate na siya dala ng takot at kabang nararamdaman.
Lumapit sa kanya ang kung sino mang pumasok sa kuwarto niya at nag-squat sa harap niya. Muling gumuhit ang kidlat sa kalangitan at sa kakarampot na liwanag na naibigay niyon ay nagawa niyang maaninag ang taong nasa harap.
"A-apollo?" sa nanginginig na boses ay nasabi niya.
Without even saying another word, he grabbed her into his arms. Gentle and warm. Iyon ang naramdaman ni Jean sa yakap na iyon.
"You witch!" sa inis na boses ay narinig niyang sabi nito bagaman hindi naman siya nito binitawan. "Bakit mo pinutol ang tawag? And right after you screamed! Ang sarap mo talagang sakalin ngayon!"
"S-sorry." At hindi niya alam kung ano ang nangyari ngunit para bang bigla na lamang siyang naudyukang umiyak muli. Hindi iyon dahil sa natatakot siya sag alit nito. It was more out of relief. Relief that someone was finally with her, hugging her. And especially because that 'someone' happens to be Apollo.
"Hush now. Everything's fine now. I'm here." Ang sabi nito saka hinagod ang likod niya. Ngunit imbis na mapatahan siya ay lalo pang lumakas ang paghagulgol niya. Pamilyar ang mga salitang iyon. Gayundin ang maiinit na brasong nakapalibot sa katawan niya. Kaya ba siya naiiyak nang ganoon? "And next time, please answer your front door. Jeez! Kinailangan ko pang akyatin ang kwarto mo para lang makarating rito."
Hindi na niya iyon nasagot pa. Basta humagulgol na lamang siya sa mga balikat nito. Ngunit naramdaman niya ang pagdampi ng kung ano sa buhok niya. It felt like... like he just kissed her hair.
"How come you did not change a bit." narinig niyang bulong nito.