Chapter 18 - 17

NAKAUPO si Jean sa harap ng puntod ng ama niya. Hindi na alintana pa na nakasuot siya ng dress basta sumalampak na lamang siya roon. Doon siya humantong pagkatapos niyang umalis ng subdivision. Kailangan niya ng makakausap ngunit hindi naman niya ma-contact si Myla kaya naman doon na lamang siya pumunta. Maaaring hindi siya masasagot ng ama ngunit umaaasa siyang maririnig siya nito.

"Hi, Dad. Kamusta ka na?" simula niya. "Did you miss me? Pasensya na po kung natagalan akong makadalaw ulit sa'yo. Alam mo naman ang dahilan 'di ba?"

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya. And then a tiny drop of tear rolled down her face.

"Dad, they said I'm healed. I survived. Good news 'yon hindi ba? And I'm acting weird because I'm crying." Pagak na natawa siya. "Dapat ay masaya ako, 'di ba? Pero tignan mo ako. Nasasaktan pa rin. Hindi ko tuloy alam kung nakabuti ba ang paggaling 'ko. Dad, he is the reason I want to keep living. But he is not mine anymore. Nakahanap na siya ng iba. And now I'm hurting like hell. And it hurts more than dying." Nagsimula siyang umiyak.

"Dad, alam niyo namang kahit kalian hindi ko isinisi sa inyo ang kalagayan ko. Na hindi niyo naman kasalanan kung bakit nagkasakit ako. Anak ninyo ako eh at hindi malabong mamana ko ang sakit niyo. Tinanggap ko naman na po iyon." Sabi niya sa pagitan ng paghikbi "Pero, Dad, ngayon gusto kong magtanong. Bakit ako? Bakit kasi tayo pa ang nagkaroon ng ganoong karamdaman. If I was healthy, I would not have to leave him. Kung hindi ako nagkaroon ng ganoong sakin, sana magkasama pa rin kami hanggang ngayon. Sana hindi ko siya nasaktan. And he would not have found someone new."

"Ni hindi ko siya masisi na nakahanap siya ng iba kasi ako naman ang nang-iwan eh. He has to move on with his life. At 'yon naman ang gusto 'ko kaya 'ko siya iniwan noon. Wasn't that the right decision? Bakit bumabalik sa'kin 'yong sakit na binigay 'ko sa kanya. Was it really wrong to come back to him now that I was given the chance to do so?"

"Mali ba talagang hangarin kong makasama siya ulit? Ang kasalanan 'ko lang naman ay ang pagtatago sa kanya ng totoo noon at pag-iwan sa kanya dahil ayokong sukuan niya ang buhay niya oras na mawala ako. Was that so wrong? Bakit kasi ako pa?"

Inakap niya ang mga tuhod at isinubsob ang mukha doon. Her sobs got louder ngunit wala na siyang pakialam pa. Maging nang biglang bumuhos ang malakas na ulan ay hindi na niya pinansin. Inilabas niya sa pamamagitan ng pag-iyak ang sama ng loob na nararamdaman at umaasang kasabay ng pagbuhos ng ulan ay maisasama niyon ang sakit nararamdaman.