Chapter 24 - 23

HINDI sigurado ni Jean kung gaano na siyang katagal na nakatulog ngunit nang muli niyang buksan ang mga mata ay mas magaan na ang pakiramdam niya. Maaaring umepekto na ang gamot na ipinainom ni Apollo.

Napangiti siya. Thinking of him makes her feel a lot better. Lalo pa at dumadamay sa pagdaloy ng alaala ang halik na pinagsaluhan nito kanina lamang.

Nahinto ang pagdaloy ng alaala niya nang maramdaman niya ang bahagyang pagpisil sa kamay niya. Agad na napakunot ang noo niya bago napatingin sa kamau niya.

Ngunit imbes na kamay niya ang kahantungan ng paningin ay ang bulto ng isang lalaki ang nasumpungan niya. Nakayukyok ito sa gilid niya at base sa nararamdaman niya sa kamay niya ay nasisigurado niyang hawak iyon ng lalaki. At kahit pa ang buhok lamang nito at likod ang nakikita niya ay hindi niya mapagkakamali ang lalaki. It was Apollo. Bakit nga ba ni hindi nita kaagad napansin na kasama niya pa rin ito sa kuwarto at hawak pa ang kamay niya?

Maingat na inabot niya ang cellphone na nasa bedside table niya gamit ang isang kamay saka tinignan ang oras. It was still passed 10 AM. Kung ganoon ay bakit mukhang natutulog na ang lalaki sa tabi niya?

Ibinaba niyang muli ang cellphone saka dahan-dahang bumangon si Jean upang hindi magising ang lalaki. Umupo siya sapat upang makita nang maayos ang lalaking nasa tabi. Nakaupo ito sa isang silya habang nakalapat naman ang kanang braso sa ilalim ng mukha nito. Ang kaliwang kamay naman nito ang siyang nakahawak sa kamay niya. At payapa ang itsura nito kahit pa sigurado siyang malabong komportable ito ngayon sa posisyon nito. Napakalaki nitong tao ngunit nakabaluktot ito ngayon doon dahil sa pagkakayukyok sa tabi niya.

Napangiti siya. Nakakataba ng puso ang tanawing iyon. Maaari naman itong lumipat sa bahay nito at maging komportable sa kama nito ngunit heto ito at nagtatyaga sa kaawa-awang pwesto nito sa gilid ng kama niya. Marahil ay para bantayan siya.

Kusang umangat ang kamay niya at lumapat sa makinis na pisngi nito at marahang hinaplos iyon habang nakangiti pa rin. Gaano na nga ba katagal nang huli niyang mapagmasdan ito nang ganoon kalapit. Oo nga at nakakausap niya ito nitong mga nakaraang araw, nakakasama at nakakasagutan ngunit ang mapagmasdan ito habang nahihimbing ito ay matagal na niyang hindi nagagawa.

"Are you hungry?"

Sa gulat ni Jean nang bigla itong magsalita nang hindi pa rin nagsasalita ay agad niyang nabawi ang kamay saka tumikhim.

"H-ha?" ang tanging naisagot niya.

Dahan-dahan naman itong nagmulat ng mga mata at iniangat ang ulo upang pagmasdan siya. Namumungay pa rin ang mga mata nito at bahagyang nagulo ang buhok ngunit hindi man lang nabawasa niyon ang kaguwapuhan nito.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" muling tanong nito.

"Ah.. Medyo okay na. S-salamat sa gamot." nagawa niyanv isagot.

"Good." umaliwalas ang anyo nito saka marahang inilapat ang palad sa noo niya na bahagyang nakapagpapitlag sa kanya. Gayunpaman ay hindi niya pinalis iyon. Inaamin naman niyang nakakapagpagaan ng pakiramdam niya ang pakiramdam nang nahahawakan siya nito. "Bumaba na ang lagnat mo."

"T-talaga?"

Ngumiti lamang ito saka ibinaba ang kamay nito at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng kama niya.

"Gutom ka na ba? Ipagluluto na kita. Pasensya na kung ngayon pa lang ako makakapagluto ng lunch mo. Sinilip kasi kita kanina at nawilI na ako sa pagmamasid sa'yo. Ni hindi ko na namalayang nakatulog na ako." mahabang paliwanag nito.

"You must be tired." ang sabi na lamang niya.

"Medyo. Hindi lang din ako nakatulog ng maayos kagabi."

"Work?"

"Nope. Wala ka lang kasi sa tabi ko kaya hindi ako nakatulog kagabi."

"H-ha?"

Tinignan siya nito saka bumuntong-hininga.

"I lied. Hindi dahil sa susi kaya ako pumunta ng maaga sa bahay mo. I just wanted to see you. Hindi kasi ako mapakali kagabi kahit pa nagkaayos naman tayo. A part of me was still worried that you might be gone by tomorrow. Paranoid, right? Kaya maaga pa ay sumugod na ako sa bahay mo. At ngayong alam kong nasa tabi kita, saka lang ako nakatulog ng matiwasay." mahabang paliwanag nito habang siya naman ay nanatiling nakamasid lamang dito. Pilit na dina-digest ng inaagiw pa niyang isip ang mga sinabI nito. "Hey, say something!" sabi nito nang matagalan ang pagtunganga niya rito.

"Do you promise you'll behave?" tanong niya nang sa wakas ay muling maalala ng utak niya ang magtrabaho.

"Ha?" ang naguguluhan namang tanong nito.

"Basta ipangako mo na lang na magbi-behave ka!" giit niya.

"O-okay." napipilitang sagot na lamang nito.

Muli naman siyang humiga saka umisod at tumagilid paharap rito. Pagkatapos niyon ay tinapik-tapik niya ang bakanteng pwesto sa tabi niya. Tiningnan lamang naman siya nito na parang hindi naintindihan ang ginawa niya.

"Come here." sabi niya.

Naguguluhan man ay sumampa din ito sa kama niya. Agad niyang ipinulupot ang mga braso sa balikat nito at hinila itong palapit sa kanya hanggang sa nakayukyok na ang ulo nito sa bandang leeg niya.

"Jean?"

"hmm?"

"Anong ginagawa mo?" tanong nito.

Hindi niya maitatangging naaapektuhan siya ng pagdampi ng mainit na hininga nito sa leeg niya. Gayunpaman ay kinalma niya ang sarili.

"Putting you to sleep." simpleng sagot niya.

"Sa ganitong paraan?" muling tanong nito. "Not that I'm complaining but---"

"Shhhh!" sita niya rito. "Can't you just enjoy the moment?"

"Hmmm.. That's actually a better idea" sabi nito saka naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa beywang niya. Napangiti na siya saka kusang lumapat ang kanang palad sa buhok nito at marahang hinagod iyon habang ang isang braso naman niya ay nanatili sa balikat nito. "But you know this is dangerous right?" dinig niya ang pagbibiro sa boses nito.

"I know. Pero hindi naman ikaw iyong tipo ng gagawan ng masama ang babaeng may sakit 'di ba?" balik niya rito.

"Good answer." Sabi nito bago bumuntong-hininga. Pagkatapos niyon ay naging seryoso na ang tono nito. "I missed you, Jean. So so much." Narinig niyang bulong nito.

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya at duda siyang naririnig na nito iyon ngunit hindi niya ito inilayo mula sa kanya. Sa halip ay hinalikan niya ang buhok nito upang sagutin ang sinabi nito.

"Ang akala ko masaya ka na kahit wala ako." Ang naibulong niya.

"Ang akala 'ko rin." Ang simpleng sagot nito. "Will you sing for me?" ang bigla ay hirit nito.

"Abuso ka na ahh!" biro niya. "Ang tanda mo na para ipaghele pa."

"Please?"

At sino siya para tanggihan ito. Maya maya pa ay natagpuan na lamang niya ang sariling kinakantahan na ito.

There may come a time

You just can't seem to find your place

For every door you open

It feels like two get slammed in your face

That's when you need someone

Someone that you can call

And when all your faith is gone

It feels like you can't go on

Let it be me

Let it be me

If it's a friend that you need

Let it be me

Let it be me

It was the song they both liked. At masaya siyang nagagawa niyang kantahin iyong muli para sa lalaki.

"Hmmm.. I should probably record this. For future use." bulomg nito sa boses na halatang inaantok na. Lumawak ang pagkakangiti niya.

"Why record? Nandito naman ang original." sagot niya.

"Uhm-hmm" ang tanging naisagot nito.

Ilang sandali pa ay banayad na ang paghinga nito. Maging ang braso nito ay naging magaan na ang pagkakadampi sa kanya. Tuluyan na itong nakatulog.

Nakangiting dinampian niya nang halik ang buhok nito at ipinagpatuloy ang paghaplos doon.

"I won't be going anywhere without you, I promise." bulong niya rito kahit pa alam niyang hindi na nito iyon naririnig.

Ngunit nagsumiksik pa itong lalo sa yakap niya. Napangiti siyang lalo. Hindi yata at narinig pa siya nito.