Chapter 28 - 26

IYON ang huling beses na tumapak siya sa isang entablado para kumanta. Ni hindi nga siya nakakanta dahil sa ginawa ni Apollo noon. And now she was in a brand new stage. Hindi iyon ganoon kalaki ngunit maraming tao sa paligid. Napalunok siya. Ang tagal nang panahon nang huli siyang kumanta sa harap ng maraming tao.

"Hey, you can do this." Sabi ni Apollo mula sa tabi niya bago pinisil ang palad niyang hawak nito.

"Paano kung pumiyok ako?" alanganing tanong niya rito.

"Edi pumiyok. Nandito naman ako para itapon sa bangin ang kung sinumang tatawa kapag nangyari iyon." Sabi nito. "But I highly doubt it. You have a great voice."

"B-but---"

"No buts, okay?" nakangiting sabi nito. "Come on." At hinila na siya nitong paakyat sa stage.

Binitawan nito ang kamay niya at iniaayos ang dalawang upuan para sa kanila. Kinuha nito ang gitara nitong inilapag kanina, then looked at her. Kinuha nito ang mikroponong nasa harap bago nagsalita.

"Hi guys! I'd like you to meet my girlfriend here." Sabi nito na umani nang sari-saring reaksiyon mula sa paligid. Mayroong napangiti, mayroon ding sumimangot. Lalo siyang kinabahan. "And I dragged her up here to brag how talented she is. Please enjoy her performance." Sabi nito.

Muli niya itong nilingon para salubungin lamang ng ngiti nito. At wari bang hindi pa ito nakuntento sa ginawa, kumindat pa ito sa kanya. Hindi niya napigilan at napangiti na rin siya.

Para bang iyon lamang ang iniintay nito, he started strumming. Ni wala silang napag-usapang kanta nito. Ni hindi sila nakapagpractice. Ngunit pamilyar sa kanya ang kantang iyon. He really knows her type of music kahit pa hindi niya pa nasasabi rito kung anong mga kanta na ang gusto niya.

She closed her eyes and let the music drive her. And when it was her cue, her mouth opened and she started singing.

I'd never gone with the wind, just let it flow

Let it take me where it wants to go

'Til you open the door

There's so much more

I'd never seen it before

I was trying to fly but I couldn't find wings

But you came along and you changed everything

Iminulat niya ang mga mata at bumungad sa kanya ang tingin ng mga tao. Hindi na mapanghusga sa halip ay mukhang namamangha na. At ang lahat ay nakikinig sa kanya.

You lift my feet off the ground

You spin me around

You make me crazier, crazier

Feels like I'm fallinf and I am lost in your eyes.

You make me cazier, crazier, crazier

And the crowd's heads were swaying with the music. Ilang sandali pa ay ineenjoy na lamang niya ang pagkanta. Nawala ang anumang kaba sa dibdib niya. She missed singing afterall. Napadako ang tingin niya kay Apollo. He flashed that famous smile of his at her.

Baby you showed me what living is for,

I don't wanna hide anymore..

You lift my feet off the ground

You spin me around

You make me crazier, crazier

Feels like I'm fallinf and I am lost in your eyes.

You make me cazier, crazier, crazier

Sabay sabay na nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang kanta. Nakangiting tumayo naman siya bago saglit na nag-bow. Sa ginawa ay bahagyang nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Pati bas a saglit na pagkanta ay napapagod na siya? Gayunpaman ay hindi niya ipinahalata ang naramdaman. She smiled to the crowd. Nagulat pa siya nang may mga brasong basta na lamang pumulupot sa katawan niya. She looked up at Apollo who was now hugging her. Bumaba ang mukha nito at lumapat ang mga labi sa tungki ng ilong niya.

"That's my girl."