Chapter 26 - 25

NAPABUNTONG-HININGA si Jean habang umaakyat ng stage. It was their acquaintance party at isa ang bandang Ablaze sa napiling magperform sa event. Ilang araw din silang nag-practice para doon at ang akala niya ay makakasama niyang mag-perform si Apollo ngunit magsisimula na lamang ang set nila ay wala pa rin ito. Sumuko na rin siya at ang mga kabanda nito sa kakahintay kaya itutuloy na lamang nila ang performance nang wala ito.

Gayunpaman ay hindi mawala-wala ang tamlay niya. Sumasabay pa ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya. Hindi niya pa nasusubukang kumanta sa harap ng maraming tao nang wala si Apollo. Hindi niya alam kung bakit ngunit pakiramdam niya ay dito lamang siya humuhugot ng lakas ng loob. He was supposed to sing with her ngunit wala nga ito. Maaga kasing nagpaalam ang bokalista ng bandang si Ethan na wala ito sa acquaintance party kaya naman ang naisalang nito sa mikropono ay ang bassist na si Apollo. Halos lahat kasi ng miyembro ng bandang Ablaze ay may kakayahang kumanta at sa tuwing wala ang magaling na bokalista ng banda ay may isa sa mga itong tumatayo sa bakanteng posisyon. Sa pagkakataong iyon ay si Apollo ang nakatokang mag-substitute sa vocalist na si Ethan. Ang masama ay dinamay pa siya nito. And she just can't say no to him kaya naman heto siya at nakatungtong sa stage. Ang problema naman ay kung sino pa ang nandamay sa kanya ay siya pang wala sa event na iyon.

Panandalian kinalma niya ang sarili. Nandoon na siya eh. Kailangan na niyang tapusin iyon. Nang pakiramdam niya ay kaya na niyang kumanta ay nilingon niya ang drummer ng banda saka tumango. Nakangiting tumango rin naman itong pabalik sa kanya. And then he started hitting the drums. Kasunod niyon ay ang pagtugtog rin ng gitara at keyboard.

This is it. I have to do this.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa mikropono dala ng kabang nararamdaman. She opened her mouth to start singing ngunit hindi pa man lumalabas ang boses niya ay isang baritonong boses na ang pumailanlang. Isang pamilyar na gwapong boses.

When I see your smile

Tears run down my face

I can't replace

And now that I'm stronger I've figured out

How this world turns cold

And breaks through my soul

And I know, I'll find deep inside me

I can be the one

Unti-unting nahawi ang mga tao sa gitna ng dance floor. Ang kabang kanina pa niyang nararamdaman ay lumala pang lalo. At malakas na napasinghap siya nang makita ang nasa gitna na ngayon ng floor. Apollo was standing regally in the middle, holding a bouquet of flowers on his left, the mic on his right, while singing the song they practiced together.

Ngunit imbes na sabayan niya ito sa pagkanta kagaya nang kung paano nila iyon ni-rehearse kahapon lamang ay napatunganga na lamang siya rito habang nakatakip pa rin ang kamay sa mga labi. Were those flowers even for her? Bakit pakiramdam niya gusto na niyang maiyak doon?

I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to Heaven

Ilang sandali pa ay nakaakyat na ito sa stage. Sa bawat hakbang na gawin nitong palapit sa kanya ay lalong lumalakas ng tibok ng puso niya. Maybe the flowers were really for her. Pero bakit?

Nang tumigil ito sa harap niya ay nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. He stopped singing. Iniabot nito ang mikropono kay Menriz na tumigil na rin sa pagtugtog sa gitara. Tumigil na rin sa pagtugtog ang iba pa maliban kay Lenard na nagpatuloy sa pagtugtog sa keyboard nito. And it served as the background music for them.

Ngunit hindi na niya malinaw na marinig iyon. Ang tanging naririnig na lamang yata niya ay ang pagwawala ng puso niyang nais na yatang tumalon palabas. Kahit naguguluhan ang utak niya ay para bang alam na ng puso niya ang nangyayari.

"I love you, Jean Grace dela Rama. Please let me be your guardian angel?" bigla ay tanong nito. And she felt the first tear roll down her face. "Please be my girl?"

Hiyawan mula sa mga nasa paligid.

"A-are you being serious?" nagawa niyang itanong.

"I've never been this serious in my entire life until today." Seryosong sabi nito. "Please say, yes? O kailangan 'ko pang lumuhod? Wait—"

"No..no---" awat niya rito.

"No?" bumahid ang sakit sa mukha nito. "You mean you don't want to be my girlfriend?"

"No! I mean yes! I mean--- ugh!" natatarantang sabi niya. "I mean of course I like to be your girlfriend and I love you too! 'Wag ka na nga lang kasi lumuhod---!"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang lumapat ang labi nito sa mga labi niya. The crowd cheered ngunit wala na silang pakialam pa. It was their first day as a couple after all.