HINDI alam ni Jean kung gaano na siya katagal na nakaupo lamang sa harap ng puntod ng ama habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Tumigil na siya sa pag-iyak. Now she felt numb. Hindi niya alam kung ang dahilan niyon ay ang pagpapaulan niya ng matagal o dahil naubos na ang nararamdaman niya dahil sa pag-iyak. Kung ano man ang dahilan ay hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin.
Nanatili siyang nakaupo lamang doon habang nakasubsob ang mukha sa mga tuhod. She does not want to go home. Not yet. Malay ba niya kung naroon pa ang babaeng iyon sa bahay ni Apollo at sa oras na makarating siya sa bahay ay siya naming pag-alis nito. Makikita pa niya ang babaeng iyon. At ang malala, malamang ay makita pa niya si Apollo na nakaagapay rito. At alam niyang hindi pa siya handing makita ang mga ito sa ganoon ayos. Not when she could still vividly remember the scene she saw at Apollo's room.
Maya-maya pa ay tumigil na ang ulan. O tumigil na nga ba? Naririnig pa rin niya ang tikatik niyon sa pagtama sa lupa ngunit hindi na niya maramdaman na dumadampi iyon sa balat niya. Baka namanhid na nga siya ng tuluyan.
Handa na siyang balewalain na lamang muli iyon nang walang anu-ano'y may humawak sa braso niya. She was suddenly pulled up to her feet. Natagpuan na lamang niya ang sariling nasa ilalim na ng isang payon habang nakaharap sa lalaking hindi niya gustong makita ng mga oras na iyon. Was she hallucinating now?
Bahagyang bumigay ang mga paa niya at nawalan siya ng balance ngunit bago pa man siya tuluyang matumba ay nasalo na siya ng mga bisig ni Apollo. It felt warm. It felt very real.
"Are you okay?" ang nag-aalalang sabi ng aparisyon sa harap niya.
And just like that, she felt like she was pulled out of a dream. Inayos niya ang tayo saka pinalis ang braso nitong nakaalalay sa beywang niya.
"What are you doing here?" she asked coldly.
"I was looking for you." Seryosong sabi nito. "What the hell are you doing under the heavy rain?!" galit na sabi nito.
"Anong pakialam mo?" walang sustansyang sabi niya rito. Tila naman bahagya itong nagulat. Ngunit ilang sandali lamang ay lumambot ang ekspresyon nito. Umangat ang kamay nito at akmang ilalapit sa pisngi niya ngunit umiwas siya rito. "Just leave me alone, please."
"Jean, listen---"
"No, don't." agad na agaw niya sa sinasabi nito. "Just please don't. Alam ko naman ang nangyayari. And believe me, I'm trying to accept it right now so just please leave me alone."
"Jean, hindi mo naiintindihan----"
"Alin ba ang hindi ko naiintindihan?" tinignan niya ito ng diretso sa mukha. Muli niyang naramdaman ang pag-iinit ng mga mata niya. "Na may mahal ka nang iba ngayon? Na hindi na tayo pwede? Na lahat ng pinakita mo kagabi, puro kagandahang-asal? Or maybe it was out of pity? Whatever it is, it's clear to me now. Na ako na lang ang nagmamahal. At kahit ano pa ang gawin ko, hindi na maibabalik pa ang kung anong meron tayo noon. And believe me, I understand. Kasalanan ko naman ang lahat. Ako ang nang-iwan. At alam ko naming wala akong karapatang mag-demand sa'yo na mahalin mo ulit ako. It's just that it hurts. It hurts that I love you and I want to be with you but I can't. Kasi nga hindi mo na ko---!"
Hindi na natapos ni Jean ang sasabihin nang basta na lamang nitong bitawan ang hawak na payong. Muling pumulupot ang braso nito sa beywang niya habang ang isang palad ay lumapat sa pisngi niya. And before she could even react, he was already kissing her.
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkabigla ngunit saglit lamang ay napapikit na rin siya dahil sa sensasyong dala ng halik na iyon. Malalim ang halik na iyon bagaman maingat. At para bang unti-unting napalis sa isipan niya ang mga nangyari. Maging ang mga sasabihin pa sana niya ay parang biglang naglaho. As if all that matters now was the kiss they were sharing at the moment.
Humihingal silang pareho nang sa wakas ay maghiwalay sila. But he did not let her go just yet. Nanatiling nasa baywang niya ang braso nito. Idinikit nito ang noo sa noo niya habang tulala lamang siyang nakatitig dito. She thought it was over, until he finally spoke again.
"Let's start over."