MATINDING sakit ng ulo ang naramdaman ni Jean nang magising siya kinabukasan. Mabigat din ang pakiramdam niya at parang wala siyang lakas upang bumangon. Gayunpaman ay masaya siya. Paggising pa lamang kasi niya ay parang nag-flashback na sa isipan niya ang nangyari ng nagdaang gabi. And when her thought finally reached that kiss, lihim na napangiti siya. Wala rin sa loob na nailapat niya ang mga daliri sa mga labi niya.
At ngayong naiisip niya iyon ay parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. Sigurado siyang hindi siya nananaginip lang. Totoong nangyari ang mga iyon. At bilang patunay, ngayon nga ay masama ang pakiramdam niya gawa nang pagkakababad niya sa ulan nang nakaraang araw. Ngunit sa lahat na ng masama ang pakiramdam, siya lang yata ang hindi nababahala. Ano na lang ba ang magkaroon ng konting lagnat at sipon kung kasabay naman niyon ay ang pagkakaayos niya ng lalaking tinatangi.
Pero siyempre hindi niya maaaring hayaan na lamang na magkasakit siya. Hindi niya makikita ito kung magkukulong siya sa kuwarto niya ng matagal. Noon din ay napagpasyahan niyang bumangon sa kama at tunguhin ang kusina. Kailangan niyang kumain at pagkatapos ay uminom ng gamot. Kailangan niyang gumaling kaagad upang makita siya ni Apollo sa matinong estado.
Hindi pa man siya nakakarating sa kusina ay narinig na niya ang bahagyang ingay mula roon. Na para bang may kung sino nang abalang nagluluto doon. Ang aga naman yatang bumalik ng Yaya Ising niya. Ang paalam nito ay sa lunes na babalik dahil gusto nitong makasama ang pamilya nito sa buong weekend.
"Yaya, bakit nandito na ka---" napatigil siya sa pagpasok sa kusina nang sa halip na isang may edad na babae ang mabungaran niya ay isang lalaking maganda ang likod ang makita niyang nakatayo sa harap ng lutuan. At kung nakakatulala na ang likod nito, literal namang napanganga siya nang humarap ito. It was Apollo wearing a pink floral apron.
How could it be so unfair? Paanong ang lalaking may pang-model na katawang gaya nito at lalaking lalaking mukha ay binagayan ng apron niyang naghuhumiyaw pang pink ang kulay?
"Good Morning." Sabi nito bago siya biniyayaan nito ng magandang ngiti. Naramdaman niya ang bahagyang paggaan ng pakiramdam niya. His smile appears to be a lot more effective than branded medicine.
"G-good morning." Ang tanging nasabi niya. Abala pa kasi ang sistema niyang i-figure out kung totoo nga ba ang nakikita niya o nagha-hallucinate lamang siyang nasa harap niya ito dahil sa masama ang pakiramdam niya.
"I'm sorry I barged in here without permission. Nakalimutan ko kasing ibigay sa'yo ang susi ng bahay mo last night. Nakuha ko iyon kahapon nang pumasok ako rito at wala ka. Nag-alala akong mapasok ng magnanakaw ang bahay mo kaya kinuha ko na ang mga susi mo baka ko isinara ang bahay mo kahapon." Paliwanag nito bago hinarap muli ang kung anumang niluluto nito. "I did rang the doorbell and called your name but you did not answer. And I'm getting a bit paranoid when you're involved these days so I just let myself in. I checked you room and saw you sleeping. Kaya dito na lang ako napadpad. And I wanted to make amends so I decided to cook breakfast for you again. I hope you---"
"Hey!" tawag niya sa atensiyon nito. Agad naman siya nitong nilingon.
"Yes?" tanong nito.
"Ang daldal mo." Pabirong sabi niya rito.
Saglit na kumunot ang noo nito ngunit mabilis din namang napalis iyon. Ngumiti ito at napakamot sa likod ng ulo nito.
"I'm sorry, okay? It's just that I don't want you to misunderstand, again. Alam mo ba kung gaano akong natakot noong hindi na kita mahanap? You'll be the death of me, you know that?" nakangiting kastigo nito sa kanya.
"Sorry." Sagot na lamang niya.
"Just don't that again, okay?" nakangiti pa ring sabi nito. She nodded.
Muli nitong hinarap ang niluluto. Maya-maya pa ay inihahain na nito iyon sa lamesa. Bacon, eggs and fried rice. Simple pero nang maamoy niya iyon ay agad na kumalam ang sikmura niya.
"You know I can get used to this." Nasabi niya habang natatakam sa pagkaing nasa harapan.
"It's alright. Willing naman akong maging dakilang kusinero mo." Sabi nito saka ipinag-urong pa siya ng silya upang makadulog siya sa hapag. "Dig in."
Hindi na siya tumanggi pa at nilantakan na rin ang mga niluto nito. Dumulog din naman ito at sinabayan siya sa pagkain kaya naman ilang minuto lang ay ubos na ang niluto nito.
"Thank you for the food. Ang sarap mong magluto." Papuri niya rito nang matapos sila.
"Ano bang sinasabi mo. Panay prito lang naman ang ginawa ko." Sagot naman nito sa kanya.
"Anong panay prito? Tumatalsik kaya ang mantika kapag nagpiprito kaya mahirap din 'yon." Pagpipilit niya.
"Sa pananaw mo lang 'yon." Ang natatawang tugon nito.
"Hindi kay----" naputol ang sasabihin niya nang bigla na lamang siyang bumahing. "Sorry" hinging paumanhin niya pagkatapos.
Biglang nawala ang ngiti nito sa mga labi at sumeryoso ang anyo. Nagalit ba ito dahil sa basta na lang na pagbahing niya sa harap nito?
Handa na siyang manikluhod rito upang patawarin nito nang bigla na lamang umangat ang palad nito at lumapat sa noo niya kasabay ng pagkunot naman ng noo nito.
"May lagnat ka." Seryosong sabi nito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?"
"H-hindi ko alam. Basta masama lang ang pakiramdam 'ko nang bumangon ako kanina." Sagot niya rito.
Pumalatak ito saka napailing.
"You go back to bed and rest." Sabi nito at tumayo na.
"Okay lang naman ako eh. Kailangan 'ko lang uminom ng gamot." Agad na sabi niya. Dahil ba sa sakit niya ay aalis na ito? But she was enjoying his company! Pakiramdam pa nga niya ay hindi na niya kailangang maggamot dahil sapat na ito para mapagaan ang pakiramdam niya. "Okay lang ako, promise. Nakakain pa nga ako ng maayos hindi ba?"
"Malakas ka naman talagang kumain kahit pa may sakit ka." Sagot naman nito sa kanya. "Maghintay ka rito." Sabi nito saka iniwan siya sa kusina. Narinig niya ang pagbukas ng pinto niya pati na rin ang gate.
Napabuntong-hininga siya. Wrong timing naman talaga ang pagkakasakit niya. Minsan na nga lang sila magka-moment ni Apollo, mukhang mapupurnada pa dahil doon.
Nagulat pa siya nang muli niyang marinig ang pagbubukas ng gate ng bahay niya kasunod ay ang mismong pinto na. Pagkatapos ay bigla na lamang sumulpot si Apollo sa kusina, hawak sa kamay ang isang banig ng mga tableta. Kumuha ito ng isang baso at nilagyan iyon ng tubig bago inilapag sa harap niya. At imbes na iabot sa kanya ang banig ng gamot ay ito na mismo ang nagtanggal ng isang tableta mula roon.
"Drink this." Pagkuwa'y sabi nito at inilapat sa kamay niya ang gamot. Tahimik namang ininom niya ang gamot. "Now, you go back to bed." Agad na utos nito.
"Ha?" gulat na sabi niya. Ngunit ayaw pa niyang mawala ito sa paningin niya! "Tutulungan na muna kitang ayusin ang pinag---ay!" tili niya nang bigla na lamang umangat ang katawan niya mula sa kinauupuan. Awtimatiko ring pumulupot ang mga braso niya sa batok nito sa takot na basta na lamang bumagsak. "W-what are you doing?" she demanded.
"Taking care of my stubborn girlfriend." Sagot nito at saka naglakad nang paakyat sa kwarto niya.
Girlfriend? Para bang na-omit na ng utak niya ang iba pang salitang sinabi nito at ang natira na lamang ay ang salitang iyon. Tila musika sa pandinig niya ang salitang iyon kaya naman hindi na niya namalayan pa nang makapasok sila sa kuwarto niya. Maingat siya nitong inilapag sa kama niya. Hindi pa ito nakuntento at isinaklob nito ang kumot hanggang sa ilalim ng baba niya.
"Apollo---"
"You sleep while I fix everything at the kitchen." Utos nito.
"Tutulungan na nga kita!" pamimilit niya.
"Kaya ko na iyon. Matulog ka na nga lang." sagot pa rin nito na para bang nakukulitan na sa kanya.
"Eh hindi naman ako inaantok!" parang batang sabi niya.
"Kahit na. Magpahinga ka na muna! Ikaw na talaga ang pinakamatigas ang ulong may sakit na nakilala ko."
"Ah basta, ayoko!" sabi niya saka bumangon sa pagkakahiga.
Muli namang kumunot ang noo nito at pinaningkitan siya ng mga mata. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nabwisit na kaya ito sa kanya?
Nagulat siya nang basta na lang nitong hawakan ang magkabilang baikat niya. Itinulak siya nitong pahiga muli ngunit sa halip na lumayo pagkatapos ng ginawa ay lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya. Napalunok siya nang gahibla na lamang ang layo ng bibig nito mula sa kanya. Was he going to kiss her?