Chapter 19 - 18

"MYLA!" agad na nasabi ni Apollo nang sa wakas ay sagutin ng kapatid ni Lenard ang tawag niya. Ito na lamang ang alam niyang mapagtatanungan kung nasaan si Jean. Jean has been missing for hours. Nagdilim na lamang ay hindi pa rin ito umuuwi sa kanila. He knows she was not inside the house because she left her gate and front door open. At hinalughog niya ang bawat parte sa bahay nito ngunit wala siyang nasumpungan ni anino nito.

She could be anywhere for all he knows. At hindi na rin naman ito bata. Ngunit hindi niya magawang matahimik lalo na sa tuwing maaalala niya ang mga yabag na iyon sa hagdan ng bahay niya nang nasa kuwarto sila ni Diane. Imposibleng magnanakaw ang pumasok na iyon sa bahay niya dahil kung ganoon nga, hindi mananatili sa lamesa niya ang mga mamahaling gamit niya.

Hindi niya alam ngunit parang gusto niyang hilinging sana nga ay magnanakaw na lamang ang kung sino mang pumasok sa bahay niya dahil nasisiguro niyang hindi magandang tanawin ang nakita nito kung sumilip man ito sa kuwarto niya.

"Kuya Apollo, kanina ka pa ba tumatawag? I'm sorry I was in a meeting for hours! May kailangan ka ba?" tanong ni Myla mula sa kabilang linya.

"Kasama mo ba si Jean?" agad na tanong niya na hindi manlang pinansin ang mga sinabi nito.

"Si Ate Jean? Hindi ah! Nasa opisina ako." Agad na sagot nito. "Wala ba sa bahay niya?"

"If she was there, then I would not be asking you now, right?" bahagyang naiinis na sabi niya.

"Eh baka naman may pinuntahan lang." suhestiyon naman ni Myla.

"She left her front door open."

"Tapos wala siya sa bahay?" gulat na tanong ni Myla. "Teka, may nangyari ba?" nagdududang tanong na nito.

"Hindi ko sigurado."He sighed. "Maybe."

"Anong maybe?" galit nang sabi ni Myla. "Ano na naman bang ginawa mo Kuya Apollo?!"

"Hey, I didn't do anything. She must have seen something... something that she probably misunderstood." Alanganing paliwanag niya.

"And now she's missing! Geez! Ang sarap mong sakalin Kuya Apollo!" naiinis na sabi ni Myla.

"Next time mo na 'ko sakalin, please? Sa ngayon kailangan ko siyang mahanap at mapaliwanagan." Nagmamadaling sabi niya.

"Mapaliwanagan? Hindi ba galit ka naman sa kanya. You've been hurting her since the day she came back." Sarcastic na sabi ni Myla. "Huwag ka nang mag-abalang hanapin siya. Ako na ang maghahanap sa kanya."

"What?" gulat na sabi niya. "Wait, Myla---!" ngunit busy tone na ang narinig niya.

Napamura siya. Binabaan pa siya nito ng telepono. Mababatukan niya talaga ang babaeng iyon kapag nakita niya iyon kahit pa kapatid iyon ng kaibigan niya. How would she find her now.

"Damn it, Jean! Where are you?"