Chapter 16 - 15

PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Jean. Napakagaan ng pakiramdam niya na para bang napakasarap ng naging tulog niya. Marahang siyang nag-iinat nang may maalala. Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa telepono sa bedside table. Sigurado siyang nabitawan at naibagsak niya iyon nang mawalan ng ilaw nng nakaraang gabi. Ngunit maayos naman iyong nakapatong sa bedside table niya.

Kung ganoon panaginip lamang ba niya ang lahat? Ang pag-ulan kasabay ng kulog at kidlat? Ang pagtawag ni Apollo sa kanya maging ang pagpasok nito sa kuwarto niya mula sa veranda? Panaginip lamang ba ang lahat ng iyon. Inakap pa siya nito sa panaginip niya. At kung tama ang pagkakaalala niya ay hinalikan pa nito ang buhok niya. Pagkatapos ay malalaman niyang panaginip lamang iyon? Bumaba nang mabilis ang enerhiya niya.

Matamlay na bumaba siya ng kuwarto at dumiretso sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom. Muntik na niyang hindi mapansin ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Natatakpan iyon ng mesh food cover kaya kita pa rin niya ang mga pagkaing naroon. Sa food cover ay nakadikit ang isang papel.

Alam kong wala ang yaya mo kaya ako na ang nagluto ng almusal mo. Eat up! PS: This is not for free. Treat me to lunch later today. – Apollo

Iyon ang nakasulat sa papel. Hindi niya napigilan ang mapangiti nang mabasa iyon. So she was not dreaming after all. He did came for her last night. At ipinagluto pa siya nito ng almusal. Ano ba ang mga nangyari nang nakaraang gabi? Niyakap siya nito at pilit pinakalma. Hanggang doon lamang ang naaalala niya. Did something happen that made him change all of a sudden? Did they...?

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala siyang nararamdamang kakaiba sa sarili. Hindi ba ang sabi nila kapag first time, masakit? If it did really happened then she would have been feeling a bit uncomfortable.

Natatawang napailing-iling siya. Ano ba iyong iniisip niya? Apollo has always been a gentleman. Pero kung ganoon ay anong nangyari at bigla itong nagbago? Ipinagluto siya nito. And even the letter was kind of sweet. Idagdag pang sa sulat na iyon ay parang sinabi na rin nitong sabay silang manananghalian ng araw na iyon?

Pinakatitigan niya ang pagkain. Wala kayang lason ang mga iyon?

Agad niyang pinalis ang isiping iyon. Maaaring matindi ang galit ni Apollo sa kanya but there was no way he would resort to that.

But he said he was ready to kill Greg last night.

"That's another story. Greg was a complete jerk last night." Sagot niya sa isang bahagi ng isip niya.

And you are not a complete angel on his eyes either. Tila nang-aasar pa ring hirit ng isang bahagi ng isip niya.

"Ah ewan! Bahala nang bumula ang bibig!" nasabi na lamang niya saka tinanggal ang food cover. Bumungad sa kanya ang mainit-init pang sinangag, hotdog at itlog. Nag-eskandalo ang tiyan niya. Mukhang nagugutom na nga siya. Hindi rin kasi niya nagawang kumain sa party dahil hindi pa man siya gaanong nagtatagal doon ay nagkaroon na ng gulo. Maging sa pag-uwi niya sa bahay nang gabing iyon ay wala din naman siyang nadatnang pagkain dahil nga wala naman ang yaya niya sa bahay.

Hindi na siya nag-atubili pang lantakan ang pagkaing naroon. Bahala nang sumakit ang tiyan niya kung mayroon mang kung anong nilagay si Apollo doon. Isa pa, luto iyon ni Apollo. Kahit pa siguro masama ang lasa niyon ay kakainin niya iyon.