Chapter 15 - 14

MARAHANG ibinaba ni Apollo ang nahihimbing nang si Jean sa kama pagkatapos ay maingat na inilapat ang kumot sa katawan nito. Umiyak siya ng umiyak sa balikat nito na para bang wala nang bukas. And to think na ang dahilan lamang niyon ay ang kulog at kidlat mula sa labas pati na rin ang pagkawala ng ilaw. Kahit nang bumalik ang ilaw ay hindi rin ito agad na tumigil sa pag-iyak. Para itong maliit na bata. Pero ganito naman na ito dati. Hindi siya makapaniwalang hindi ito nagbago.

Umupo siya sa gilid ng kama nito at pinagmasdan ang mukha nito. Namumula pa ang mukha nito dahil marahil sa matagal na pag-iyak. And she was sleeping like a baby now. Mukhang napagod ito sa pag-iyak kaya naman nakatulog na lamang itong basta.

Wala sa loob na nailapat niya ang palad sa namumula pang pisngi nito. At parang nang-aasar namang bumalik sa isipan niya ang napag-usapan nila ni Ethan sa telepono.

"I'm sure you still remember how shattered you are after she left. Sana alam mo ang mangyayari sa'yo kung sakaling umalis siyang muli at sa pagkakataong ito, nang dahil sa'yo."

Naaalala pa niya ang sakit nang iwan siya ni Jean noon. Ilang taon na ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanya ang naramdaman niya noon. He was hurt like hell when she left her and when he found out the possible reason.

Akala niya sa paglipas ng panahon ay makakalimutan din niya iyon. At umaasa rin siyang sa pagdaan ng mga araw ay tuluyan ding mawawala ang nararamdaman niya para kay Jean. Akala niya nga sa nakalipas na taon ay nagawa na niyang kalimutan ang babae. He had been dating random girls. Ang akala niya ay masaya na siya roon. Iyon ay hanggang sa bumalik si Jean at makita niya itong muli.

Kung ito ay hindi na nagbago, napatunayan niyang maging siya ay hindi nagbago. Mahal pa rin niya ito. Inaamin na niya iyon. At patunay doon ay ang naramdaman niyang galit nang muntik na itong kaladkarin ni Greg nang araw na iyon. Magkahalong inis para sa lalaki at pag-aalala para kay Jean ang naramdaman niya. That was why he felt like killing the bastard at that very moment kung hindi lang naroon ito. Alam niyang nabigla din ito at natakot. At sinasabi ng puso niya na si Jean ang unang asikasuhin niya kaya inilayo niya ito sa lugar na iyon.

Hanggang kanina ay itinatanggi pa niya iyon sa sarili niya. Ngunit ngayon ay inaamin na niya. Nang kumulog at kumidlat ay si Jean ang iniisip niya. Hindi niya kailanman nakalimutan na takot ito doon. At nag-alala siya para rito. Alam niyang nagpa-panic ito sa tuwing kumukulog at kumikidlat. He tried to ignore tha anxiety that he felt thinking about her but when he called her and she screamed over the phone, he felt like his heart stopped. Alam niyang maging siya ay nag-overreact na ngunit anong magagawa niya. Ayaw niyang nakakaramdam ito ng takot. He always wanted her to be at ease. Ganoon na siya noon pa lang na nakilala niya ito. At napatunayan niyang ganoon pa rin siya kahit pa iniwan siya nito sa masakit na dahilan.

That's right. Hindi niya makakalimutan ang dahilan nito nang lauan siya. She did not directly tell him the reason but he found it the hard way. And he was even more shattered after. Akala niya ay hindi na niya ito mapapatawad dahil doon. Na mula nang araw na iyon ay sisiguruhin niyang wala na siyang pakialam pa sa babae. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa tuwing makikita niya itong nasasaktan, nahihirapan o natatakot, nawawala sa normal na takbo ang sistema niya. He could not ignore her when she was about to be hit by that car the other day. He could not ignore it when other men go near her like that bastard did at the party. And now he can't even let her alone at her own house, scared, kahit pa alam naman niyang walang anumang maaaring mangyari rito sa sarili nitong bahay.

"We know you too well not to realize that she's still the one you need."

Oo, sinaktan siya nito, ngunit inaamin na niya sa sarili niyang kahit nasaktan siya ay hindi niya gustong malayo ito sa kanya. Totoo nga siguro ang sinasabi ng iba. If you love someone, no matter how much she has hurt you, crushed you, you will always find yourself forgiving her in the end. Mahal mo eh. Mas gugustuhin mo nang patawarin siya at kalimutan ang lahat ng nangyari makasama mo lang siya. As corny as it is, he was feeling exactly like that at the moment.

Napangiti siya habang marahang hinahaplos ang mamula-mulang pisngi nito. Ngayong inaamin na niya sa sarili niya ang totoo ay saka niya naramdaman kung gaano niya na-miss ang babae. And before he even had the decency to stop himself, he planted a kiss on her soft lips. Gently so as not to wake her.

"Ethan is right. I really do need you." Nakangiting bulong niya.