Chapter 13 - 12

"I'M home now." Sagot ni Apollo sa kaibigang si Ethan. Tinawagan siya nito dahil ni hindi man lang daw siya nag-text kung nakauwi sila ng maayos ni Jean.

"I'm not asking about you. Baka kung saan mo binitbit si Jean, mahirap na." sagot ni Ethan mula sa kabilang linya.

"What are you now, her father?" tanong niya.

"Nope, but apparently, bestfriend na ni Eunice si Jean. I can't let my soon-to-wife be upset if anything happens to Jean. Madudurog ang puso 'ko kapag nangyari iyon." Madamdaming sabi pa nito.

"Yuck, dude. Kilabutan ka nga sa mga kadramahan mo." Nailing na sabi niya. "Nakauwi na sa bahay nila si Jean, happy?"

"Good. Akala ko itatapon mo na siya sa kung saang bangin na madaanan mo kanina. You look murderous pare."

"Kamusta pala ang party ninyo? Pasensya na ulit sa nangyari." Sabi niya sa kaibigan.

Kahit papaano naman ay nagi-guilty siya dahil isa siya sa naging dahilan ng kaguluhan sa pagtitipong iyon. Ngunit hindi niya iyon napigilan. Kung hindi niya kasama si Jean, malamang na mata lamang ni Greg ang walang latay. At malamang din na sa kulungan siya matutulog nang gabing iyon.

"I told you it's fine pare. Naayos naman ang lahat nang mapalayas na namin ang lokong 'yon. Hindi na talaga siya nagbago. How's Jean, by the way?"

"I think she's okay." Sagot niya.

"You think? Dude, she was probably shocked on what happened. Ni hindi mo man lang sinigurado ang nararamdaman niya? Kaibigan ba talaga kita?" he incredulously said.

"She's fine. Ni hindi nga siya umiyak. At isa pa, malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya."

Narinig niya ang pagbuntong-hinginga ng kausap.

"You know what, that tough act of yours isn't funny anymore." Maya maya ay sabi ng kaibigan. "We all know what happened and believe me, we hated her as well when she left you. Pero pare, we know you too well not to realize that she's still the one you need."

"What are you---?"

"No, listen. May kasalanan siya sa'yo noon, alam namin 'yon. Pero bumalik siya para sa'yo. At kahit anong gawin mong pagtatago, alam mo sa sarili mong hindi nagbago ang nararamdaman mo para sa kanya. Ikaw lang din ang masasaktan kung ipagpapatuloy mong iignorahin si Jean at ang nararamdaman mo para sa kanya." Narinig niya ang pagpalatak nito. "And look I ended up preaching you now! This is weird!"

"It is. " ang tanging naisagot niya.

"Ah basta pag-isipan mo ang sinabi ko. Payong kaibigan lang," Pagpapatuloy nito. "I'm sure you still remember how shattered you were after she left. Sana alam mo ang mangyayari sa'yo kung sakaling umalis siyang muli, at sa pagkakataong ito, nang dahil sa'yo." Sabi nito saka namatay na ang tawag.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit nakaramdam siya nang kirot sa dibdib. It was as if Ethan's words struck him somewhere deep. Tahimik na ibinaba niya ang cellphone sa bedside table habang tulala pa rin. He was more confused than ever.

Naputol ang pag-iisip ni Apollo at napalingon sa bintana nang marinig niya ang malakas na kulog mula sa labas. Bigla ay parang hindi siya mapakali.

Bahagya niyang hinawi ang kurtina ng kuwarto niya at sumilip sa bintana. Katapat ang kuwarto niya sa kuwarto sa kabilang bahay kaya naman agad niyang nasilayan ang nakabukas na ilaw sa kuwarto sa kabilang bahay.

Tinignan niya ang wall clock. It was passed 12 AM. Bakit nakabukas pa ang ilaw sa kuwarto sa kabilang bahay gayong madaling araw na?

Did she forget to switch off her lights before sleeping?

O natutulog na nga ba ito? O kagaya niya ay hindi rin siya dalawin ng antok?

Napailing-iling siya. Anong pakialam niya kung magpakapuyat ito. It was her life anyway.

Dumiretso siya sa kama niya at saka nahiga. Gayunpaman ay hindi siya kaagad na nakatulog. At sa bawat pagguhit ng kidlat sa kalangitan at sa pagdagundong ng kulog ay lumalala naman ang pagkabahalang nararamdaman. Hanggang sa hindi niya siya nakatiis pa, bumangon siya at dinampot ang telepono na nakapatong sa bedside table. At bago pa niya mapigilan ang sarili ay nai-dial na niya ang numerong hanggang ngayon ay kabisado pa niya.

"H-hello?" ang nangangatal na tinig mula sa kabilang linya nang pagkatapos nang ilang ring ay masagot ang tawag niya.

"Jean, it's me." Ang tanging nasabi niya. Bakit bas a pagkakarinig pa lamang niya sa tila takot na tinig nito ay hindi na siya mapakali.

"A-apollo..." she sniffed. She was crying. For Pete's sake, she was crying and he got more bothered. "I'm scared."

Muling kumidlat at kasunod niyon ang pagkamatay ng mga ilaw. Pumailanlang mula sa kabilang linya ang isang tili. And the the line was cut.

"Damn it!" he cursed just before he run out of his room into the pouring rain outside.