Chapter 12 - 11

KASABAY ng pagkulog ay ang pagtakip ng tainga ni Jean at ang pagtili niya. Wala naman kasi sanang problema sa pag-ulan. Ngunit kapag kumikidlat at kumukulog na, ibang usapan na 'yon.

She felt like crying. She always hated thunder. Hindi niya alam ngunit sa tuwing kumukulog ay parang gusto niyang sumiksik kung saan hindi niya iyon maririnig. Ganoon na siya noon pa mang bata pa siya. Nasa university na siya at lahat ngunit hindi pa rin nawala ang takot niya roon.

Gaya nang araw na iyon. Biglaang nasuspinde ang klase dahil sa bagyo. At ngayong dapat ay pauwi na ang mga estudyante ay pahirapan namang sumakay dahil nag-aagawan na ng masasakyan. Idagdag pang bumabaha na ang ilang daanan kaya iilan na lamang ang bumabyaheng sasakyan.

Sinubukan niyang tumawag sa telepono sa bahay nila ngunit walang sumasagot. Ni hindi niya alam kung may kuryente pa ba sa kanila o wala na kaya hindi na siya maka-contact sa kanila. Masyadong malakas ang ulan, idagdag pang salitan ang kulog at kidlat sa kalangitan.

Maging ang waiting shed sa di kalayuan ay punong puno na ng tao kaya naman nagkasya na lamang siyang sumilong sa harap ng isang saradong tindahan kung saan nag-iisa siya.

Nang muling kumulog ay muli rin siyang napatili kasabay ng pagdagundong din ng dibdib niya. Kasunod din niyon ay ang tuluyang paglandas ng luha sa pisngi niya. She knows she looks pathetic but she just can't help it.

She was so scared that she did not even notice a car parking right infront of where she was standing. Maging ang paglabas ng nagmamay-ari niyon.

Napaigtad pa siya nang maramdaman ang paghawak ng kung sino sa braso niya.

"Jean!"

"A-apollo..." nasabi niya nang makilala ang kaharap.

"Ano pang ginagawa mo rito? Basang basa ka na!" bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Hindi pa man siya nakakasagot ay muli na namang kumulog. She unconciously grabbed his shirt. Isinubsob din niya ang mukha sa dibdib nito.

"I.." hindi niya napigilan ang pag-alpas ng hikbi sa bibig niya."I'm scared." at nagsimula nang umalog ang mga balikat niya. Hindi niya alam ngunit para bang naging dahilan pa ang presensiya nito para mailabas niya ang nararamdaman.

Naramdaman niya ang unti-unting pagpalibot ng mga braso nito sa katawan niya. Lalong lumakas ang paghikbi niya.

"Hush now. Everything's fine now. I'm here." sabi nito habang hinahagod ang likod niya.

Ngunit hindi niya mapigil ang pag-iyak. At sa bawat pagkulog ay napapaigtad siya. Kailan ba matatapos ang bagyong iyon?

"This won't do." maya maya ay sabi nito. At ayaw man niya ay bahagya siya nitong inilayo mula sa katawan nito.

Hilam ng luha na iniangat niya ang tingin sa mukha nito. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumaba ang mukha nito sa kanya. At hindi na siya nakahuma pa nang lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya.

Bigla parang tumigil ang oras. Nawala ang ingay sa paligid. Nakalimutan ang takot na nararamdaman. All was left was the sensation he was making her feel at the moment. Na para bang wala nang iba pang importante kundi silang dalawa lamang at ang halik na pinagsasaluham nila ng mga oras na iyon. And then she realized, it was the best distraction she had ever experienced in her entire life.