"AHHH! Jean Grace dela Rama, utang na loob matulog ka na!" utos niya sa sarili saka marahas na napakamot sa ulo.
Oo nga at pagod siya dahil sa mga kaganapan nang gabing iyon ngunit mailap sa kanya ang antok. She has already counted a thousand sheeps but she still did not feel sleepy. Alam niyang kailangan niya ng pahinga ngunit ayaw naman makisama ng katawan niya.
Kung nasa bahay lamang siguro ang yaya niya ay binulabog na niya ito sa silid nito pero nagpaalam ito nang hapong iyon na uuwi sa pamilya nito dahil sabado naman kinabukasan. Pumayag na rin siya.
At ngayon nga ay naiwan siya sa isang malaking bahay at ni hindi niya magawang makatulog. Nangangalay na lang ang likod niya sa kakahiga ay hindi pa rin siya dalawin ng antok.
"I just can't let you out of my sight right now or I would go insane..."
Iyon ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ni Jean. Alam naman niya ang ibig sabihin ng sinabing iyon ni Apollo ngunit hindi niya mapigilang matuwa. Na gusto lamang nitong ma-distract para hindi ito makagawa ng bagay na pagsisisihan nito. Ngunit hindi niya rin maiwasang isipin na kaya ito lubos na nagalit kay Greg ay dahil na rin sa ginawa ng lalaking iyon sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay nag-aalala pa rin ito sa kanya kahit paano.
At nang sabihin nito sa kanya na hindi siya pwedeng mawala sa paningin nito ay pakiramdam niya ay kailangan siya nito. He somehow depended on her. Na kahit papaano ay may epekto pa rin siya rito. Na kinailangan siya nito upang kahit papaano ay pakalmahin ang sistema nito.
Oo naman at gusto niya ang isiping iyon. Magaan pa nga ang pakiramdam niya habang nasa sasakyan sila nito kahit pa ni hindi siya nito kinausap sa buong byahe nilang papunta sa block nila. Kahit nang ibaba siya nito nang tuluyan sa harap ng bahay niya ay wala itong imik. Tila ba hindi siya kasama nito.
Naputol ang pag-iisip niya nang makita niya mula sa bintana na natatabingan ng hindi kakapalang kurtina ang pagguhit ng kidlat sa labas. And as if it was her instincts telling her what comes after the lightning, she placed her palms over her ears and shut her eyes. Halos kasabay niyon ay ang pagdagundong ng kulog mula sa kalangitan.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka muling tumanaw sa labas. Bakit hindi siya aware na may parating na bagyo nang gabing iyon?
Ngunit bago pa niya makalkal sa isip niya ang sagot sa tanong ay muling gumuhit ang kidlat. At kasabay ng muling pagdagundong ng kulog ay ang impit na pagtili niya.