Chapter 10 - 9

"JEAN, right?"

Agad na napalingon si Jean sa tinig na nagmula sa likod niya at bumungad sa kanya ang isang may katangkarang lalaki. He was quite a looker ngunit wala iyong dating sa kanya. Apollo was way hotter than this guy.

Great Jean! Lahat na lang ng lalaki, i-compare mo kay Apollo. Bulong ng isang bahagi ng isip niya. Pero bakit hindi? Eh sa perpekto sa paningin niya si Apollo kahit pa sakit sa ulo na lamang siguro ang tingin nito ngayon sa kanya.

"Yeah, that's me. And you are?" naging kaklase ba niya ito noon? She just can't seem to remember him.

"Greg. College batchmate mo." nakangiti pa ring sabi ng lalaki.

Pilit niyang hinalukay sa isipan kung sino si Greg na batchmate niya raw. And after a few minutes, she was able to recall a guy named Greg from college. Isang lalaking mayabang at bastos nga lamang ang naaalala niya.

She carefully scanned the guy again from head to toe. Mukha naman itong kagalang-galang sa suot na amerikana taliwas sa manliligaw niya noong mukhang wala na ngang pangarap sa buhay ay nuknukan pa ng bastos sa mga babae. People do change.

"Hi, Greg!" agad na bati niya. "By the way, remember, Myla?" agad na pakilala niya sa kaibigan.

"Hi." bati ni Myla na hindi man lang ngumiti sa lalaki. Mukhang nakilala din ito ng babae kaya naman hindi ito komportableng kausap ang lalaki.

"Hi." balik ni Greg na agad din namang bumaling sa kanya. "By the way, would you like something to drink?" tanong nito.

"Ahm.. no, thanks. I don't drink alcohol." agad na sagot niya. Maging siya ay hindi na komportableng kausap ito. Ni hindi nga siya nagging malapit rito. Kung may naaalala man siya tungkol dito, iyon ang pag-iwas niya sa lalaki.

"So how are you? Ang huling balita ko, nasa ibang bansa ka na." pagpapatuloy nito.

"Ah yeah." maikling sagot niya. "Excuse us. Kakausapin lang namin sina Eunice." magalang na paalam niya at akmang aalis na nang maramdaman niyang pigilan nito ang kamay niya. Kinilabutan siya sa pagdaiti ng balat nito sa kanya.

"Hindi ba pwedeng dito ka na muna? Wala kasi akong ibang makausap maliban sa'yo." seryosong sabi nito.

Napatingin siya sa mga mata nito. And through them, she saw the old Greg. Ang Greg na kinatatakutan niya noon kung hindi lang laging nasa tabi niya noon palagi si Apollo.

"S-sorry. Kailangan ko lang kasi talagang makipag-usap sa kaibigan ko." mahinahon pa ring sabi niya at akmang babawiin ang kamay mula rito nang higpitan nito ang pagkakahawak doon saka siya marahas na hinilang palapit rito.

"Hanggang ngayon ba, mailap ka pa rin?" muling sabi nito.Sa paglalapit nilang iyon ay nalanghap niya ang hininga nito. Napangiwi siya. Nakainom na ito.

"G-Greg, ano ba?" reklamo niya at akmang lalayo ngunit parang bakal ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Let go of me!" bahagyang napalakas na sabi niya.

"You jerk, let go of her!" galit na ring sabi ni Myla mula sa tabi niya. Hinawakan ni Myla ang kamay niya at tumulong sa paghila niyon. Nagulat pa sila nang hawakan ni Greg sa braso ang kaibigan at isalya itong palayo.

"Myla!" nag-aalalang sabi niya nang dire-diretsong matumba ang kaibigan dahil sa ginawa ng lalaki.

"Huwag kang makialam dito." sabi pa ni Greg sa kaibigan bago bumaling sa kanya. "Sumama ka sa akin!" sabi nito saka marahas siyang hinila.

"Greg---!"

Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay may biglang humawak sa kamay niyang hawak ni Greg. At bago pa man siya makapag-react, lumipad na ang kamao ng kung sino sa mukha ni Greg. Mabilis na lumuwang ang pagkakahawak nito sa kamay niya at dire-diretso itong bumagsak sa sahig, his nose bleeding.

"Son of a---" umangat ang tingin no Greg kay Apollo na siya na ngayong may hawak sa braso niya. "Apollo. It's you. What is this? Akala ko ba matagal na kayong hiwalay? Bakit hanggang ngayon nakikialam ka pa rin?"

"Simple. I just don't want you anywhere near her. Learn your lesson." seryosong sabi ni Apollo bago siya binalingan. His face was serious but she cannot fathom what he was thinking at the moment. "Let's go." Baling nito sa kanya at hinila na siya nito.

"Hey! Come back here---!" napalingon siyang muli nang marinig niya ang boses ni Greg. But he was at the floor again. At nakatayo sa harap nito si Darwin. Kuyom ang kamao nito habang masama ang tingin sa lalaki. "What the hell?"

"Lay a finger on Myla again and you're dead, you understand me?" sabi ni Darwin sa nasa sahig pa ring si Greg.

Agad na nagsilapit ang mga kaibigan ni Apollo kay Darwin at inilayo ito sa lalaki.

"Let's go." mariing sabi sa kanya ni Apollo at hinila na siyang palayo. Nakasalubong nila ang mag-boyfriend na sina Eunice at Ethan nang palabas na sila.

"Pare, pasensya na sa gulo." hinging paumanhin ni Apollo.

"Don't mention it. If it were my Eunice, I would have killed him right there and then." sagot ni Ethan.

"I'm sorry, Eunice." sabi ni Apollo sa babae.

"It's fine." lumapit si Eunice sa kanya saka hinawakan ang kamay niya. "Okay ka lang ba?" nag-aalang tanong nito. Na para bang matagal na talaga sila nitong magkaibigan. She managed to smile.

"Yeah, I'm fine." sabi niya rito. "Thank you and sorry, Eunice."

"Just rest, okay? Call me when you're home." Nakangiting sagot na ni Eunice.

"I will. Thank you." sabi niya at ginantihan ang ngiti nito.

Tumangong muli si Apollo sa dalawa saka siya muling hinila tuluy-tuloy palabas ng bahay. Nasa labas na sila ng kabahayan nang magkaroon siya ng pagkakataong kausapin ito.

"A-apollo..." simula niya.

"Let's not talk, please." seryosong sabi nito.

Nakaramdam siya ng sakit sa sinabi nito. Oo nga at ito ang naglayo sa kanya kay Greg pero masakit pa rin sa kanya ang mga sinasabi nito.

"I-I would just take a cab home." nasabi niya. Sa palagay kasi niya ay hindi niya kayang makarinig pa ng masakit na salita mula rito kung makakasama niya pa ito.

"No. Get in the car." utos nito.

"P-pero---"

"Look, I just can't let you out of my sight right now or I would go insane so just please get in the damn car right now!" seryosong sabi nito.

"W-what?" naguguluhang tanong niya.

Bumuga ito ng hangin bago siya muling binalingan.

"Just get in the car and let's go."

"Pero kaya ko naming umuwi mag-isa. Magta-taxi na lang ako dahil alam kong hindi ka komportableng ihatid ako pauwi." naguguluhan man ay paliwanag niya.

"If I don't take you home right now I'm afraid I would do something that I would regret in the end." napu-frustrate ding sabi nito. "If you're not with me I would just go back inside and beat the lights out of that guy so please just get in before I make myself a murderer."