Chapter 9 - 8

"KUNG ice cream lang si Jean, malamang na natunaw na 'yan." komento ni Josh mula sa tabi ni Apollo.

"Shut up!" mahinang sabi niya rito.

"Kanina ka pa nga nakatanaw sa kanya. Kung lapitan mo na lang kaya, pare?" singit naman ni Menriz.

"Bakit ko siya lalapitan? Close ba kami?" sagot niya rito pagkatapos ay sumimsim ng alak mula sa basong hawak niya.

"Oo dati." sagot ni Menriz.

"Leave me alone, guys." madiing sabi niya sa mga ito na ikinatawa lang din naman ng mga ito. Minsan talaga ang sarap kutusan ng mga kaibigan niya.

"Pasensya na pare, mukhang kapatid 'ko ang may kagagawan kung bakit nandito ang ex mo. Pagagalitan ko na lang mamaya." wika ni Lenard.

"Pasensya na rin pare. Mukhang damay pati si Eunice ko. Alam mo naming hindi ko siya mahindian." segunda naman ni Ethan.

"Mukhang kasabwat din si Anikka. Sorry, man." sabi ni Menriz saka tinapik pa ang balikat niya. "But look at the bright side, Imbis na ma-bore ka, mabu-bwisit ka na lang" dugtong nito saka ngumiti nang nakakaloko.

"Shut up, guys. Bakit ba ako ang pinagti-trip-an ninyo ngayon? I'm not the one who's getting engaged tonight." kunot ang noong tanong niya sa mga ito.

"Kasi masaya na ako sa buhay ko. Mauumay lang 'yang mga 'yan sa akin" sagot ni Ethan

"At nandito kasi ang ex mo." simpleng sagot ni Darwin.

"What makes you think I'm still affected?" kunot ang noong tanong niya sa mga ito.

"For one, hindi ka makausap nang matino ngayon." sagot ni Lenard.

"'Yon ay dahil hindi rin kayo matinong kausap."

"Ah talaga?" tatangu-tangong sabi ni Josh. "Pero nandito pa rin talaga ang ex mo ngayon."

"Not a big deal." mahinahong sabi niya bago napadako ang tingin sa isang lalaking nasa hindi kalayuang mesa. Kumunot ang noo niya. "Who the hell invited that guy?" tanong niya.

Sinundan naman ng tingin ng mga kaibigan niya ang tinitingnan niya.

"Who, Greg? My Mom must have invited him. Kasosyo kasi namin ang kompanya nila sa negosyo. Bakit?" tanong ni Ethan.

"He's annoying to look at." simpleng sagot niya.

"Wow, sensitive." natatawang komento ni Darwin. "Come on, man. It's been eons ago since he courted Jean. Hanggang ngayon ba nagseselos ka pa rin sa kanya?"

"Mas guwapo pa ang paa ko sa taong 'yan. Bakit ako magseselos nang dahil sa kanya?"

"Oooohhh" ang sabay-sabay na narinig niya mula sa mga kaibigan. Napasimangot siya.

"What?" inis na baling niya sa mga ito.

"Nothing." nakangising sagot ni Menriz. "'Wag kang mag-alala, pare. Mukha namang naka-move on na si Greg sa pagsintang hilaw niya kay Jean."

"I'm not asking for your opinion." balewalang sabi niya kay Menriz saka inisang lagok ang alak sa basong kanina pa niya hawak. "Nor care about the people you're talking about."

"Pero ako Menriz, may pake sa opinyon mo. I beg to disagree though. Tignan mo oh! Palapit na si Greg kay Jean." pumalatak pa si Darwin pagsabi niyon.

Mabilis pa sa alas-kuwatrong dumako ang tingin niya kay Greg na ngayon ay palapit na nga kay Jean na abala namang nakikipag-usap kina Myla.

"Can someone please kick that guy out of this place?" iritadong tanong niya. "Or I might do that myself."

"Ahh... kasi wala ka nang paki sa kanila 'no?" Josh asked while smiling wickedly.

"Shut up!"