Chapter 8 - 7

"ATE Jean, you're here!" Patakbong lumapit sa kanya si Myla pagkababa pa lamang niya sa tapat ng bahay ng mga Monteverde. O bahay nga ba iyon? It was more like a mansion. "You took a cab?" sunod nito nang mapansin ang sasakyang binabaan niya.

"Yeah. I can't risk driving yet." sagot niya rito.

"Tinawagan mo sana ako! Nasundo sana kita." sabi nito. "Or better yet, kinatok mo na lang sana si Kuya Apollo. Tutal dito din naman ang punta niya. Nagkasilbi man lang siya."

"Baka imbis na isabay ako, sagasaan pa ako n'on.Mahirap na." pabirong sabi niya.

Ngunit inaamin naman niyang pumasok na din sa isip niyang magbaka-sakaling makisabay dito, kung hindi lamang nakita niya itong sumakay ng kotse kasama ng babaeng kaakbayan nito nang nakaraang araw. Umurong na lamang ang kakatiting na lakas ng loob na naipon niya.

"May point." tatangu-tangong sabi ni Myla. "By the way, you look really pretty tonight, Ate" nakangiting puri nito sa kanya.

Napangiti rin siya. She was wearing a black halter dress with clear rhinestones just around the neckline. Humapit din sa katawan niya ang damit kaya naman kitang kita ang magandang hubog ng katawan niya. The hemline of the dress reached a few inches above her knees. Not too short but not too long as well. She knows she looked sexy without exposing to much skin.

"Thanks, My. You too." balik niya rito.

"Pumasok na tayo. Baka nagsisimula na ang party." at hinila na siya nitong papasok.

"Do you think this is a good idea?" hindi pa man nakakapasok sa kabahayan kung saan gaganapin ang party ay tanong na niya.

"Why?" kunot ang noong tanong niya.

"I'm sure nasa loob ang lahat ng kaibigan ni Apollo." alanganing sabi niya.

"Oo naman. At saka si Kuya Apollo din. Kaya nga kita kinaray dito eh."

"Exactly. Hindi kaya palayasin nila ako agad agad?"

"'Wag kang mag-alala, Ate. Nakausap ko na si Ate Eunice at Ate Anikka." kumindat pa ito sa kanya saka siya hinilang papasok.

Sa pool area ng kabahayan sila nito dumiretso kung saan talagang idaraos ang engagement party. Pagdating nila doon ay bumungad sa kanila ang may kalakasang musika. Madami na ring tao na umookupa sa mga nakaayos na lamesa.

"Hoy, bata! Anong ginagawa mo rito?"

Sabay ang pagbaling nila ni Myla nang marinig nila ang tinig na iyon. Parang gusto niyang tumalikod na lamang nang makilala ang papalapit na lalaki.

"Anong pake mo, tanda?" taas ang kilay na sabi naman ni Myla rito. "Get lost, will you? Sagabal ka sa daan."

"Wait lang. Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa maganda mong kasama?" ngunit hindi na nito hinintay pang sumagot si Myla dahil basta na lamang itong pumuwesto sa harap niya at inilahad ang kamay. "Hey I'm Darwin, and you are?"

Huminga siya ng malalim bago iniangat ang tingin rito. Nagawa rin niyang ngitian ang lalaki.

"Hi Darwin. Long time no see." kalmadong sabi niya.

Halata naman ang gulat sa mukha nito.

"Jean?" gulat na sabi nito. "ikaw si Jean 'di ba?"

"Ahm..."

"Oo siya 'yon. Kaya simulan mo nang tumakbo at ipagkalat na nakita mo si Ate Jean." singit ni Myla mula sa tabi niya.

"Anong tingin mo sa'kin? Chismoso?" balik nito kay Myla."Alam ba ng kuya mo na isasama mo siya?"

"Malay 'ko at anong pake 'ko? Nagpaalam naman ako sa kinauukulan eh." confident na sabi ni Myla.

"Kay Ethan?" kunot ang noong tanong ni Darwin.

"Sa akin." wika mula sa likod nila. "Hi My!" sabi ng magandang babaeng basta ba lamang lumitaw sa likod nila. Humalik ito sa pisngi ni Myla bago siya binalingan. "And you must be, Jean. Nice to meet you, I'm Eunice." sabi nito at sa gulat niya ay hindi nito inabot ang kamay nito sa halip ay hinalikan din nito ang pisngi niya na para bang malapit na sila nito sa isa't isa.

Ngunit hindi naman siya naoffend o kahit man lang nailang. She looks too sweet and nice kaya malabong mailang siya rito.

"Nice to meet you too, Eunice." nakangiting sabi niya rito.

"By the way, Darwin. May problema ka ba sa kaibigan ko?" baling ni Eunice kay Darwin habang bahagyang naiiling. Gayunpaman ay sumilay na rin ang ngiti sa mga labi nito.

"Wala, Eunice. Looking at the bright side, this will be exciting." nakangising sabi ni Darwin bago bumaling sa kanya. "Believe it or not, It was nice seeing you again, Jean. Now I know why he's been acting human again, lately."

"Ha?" naguguluhang tanong niya rito.

"Nevermind..." sagot ni Darwin bagaman nakangiti pa rin.

"That's right, Ate. Nevermind him. Masisiraan ka lang ng bait pag nakipag-usap ka sa mga naliligaw na bakulaw sa paligid." singit ni Myla.

"At mapapraning ka naman kapag sumama ka nang sumama sa mga nuno sa punso." hirit naman ni Darwin na agad nakapanlisik sa mga mata ni Myla.

"Hindi ako nuno sa punso ha!" inis na sabi ni Myla.

"Wala akong sinabing ikaw." kibit-balikat na sabi ni Darwin bago nagsimulang maglakad palayo.

"Hoy bumalik ka rito!" pahabol na sigaw ni Myla ngunit hindi na lumingon pa si Darwin sa halip ay itinaas lamang ang kamay at kumaway kahit na di sila nililingon. "Kahit kailan talaga bwisit ang bakulaw na 'yon sa buhay 'ko."

Sa pagkakataong 'yon ay natawa na siya maging si Eunice.

"What?" nakasimangot na tanong ni Myla.

"You've been like that ever since you've met him back at college. Hindi na kayo nagbagong dalawa." naiiling na sabi niya.

"Oh they've been like that ever since? Nice." sabi ni Eunice.

"Anong nice doon, Ate Eunice? Isa pa siya naman ang nauuna."

"See that. Para kayong mga bata." sagot ni Eunice. "Mga cute na bata. And you totally look good together." tatangu-tangong sabi ni Eunice.

"Don't say bad words, Ate Eunice. Baka bangungutin tayo." nakasimangot pa ring sabi ni Myla.

"Believe me, sa ganyan nagsisimula ang lahat. Tignan mo ako at si Menriz." singit ng isa pang magandang babaeng kararating lamang. "Hi Jean, I'm Anikka." nakangiting bati nito sa kanya at kagaya ni Eunice ay humalik din sa pisngi niya. Ganoon din ang ginawa nito kay Myla at Eunice.

"Iba naman 'yong sa inyo, Ate Anikka. Ikaw lang ang nang-aaway kay Kuya Menriz. Eh kami, balak na naming kalbuhin ang isa't isa." sagot pa rin ni Myla.

"I guess we'll find that out soon." sabi naman ni Anikka pagkatapos ay basta na lamang kinalawit nito ang braso sa braso niya. "For now, we have a sister in need. Let's talk about your problem." baling nito sa kanya.