Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 29 - So Adorable

Chapter 29 - So Adorable

"Ohhh, She's so adorable!"

Nangingiting sabi ni Kate ng makitang biglang namula ang face ni Eunice . Tapos ay nagtakip ng mukha at saka tumakbo.

Ilang beses kumurap kurap ang mata ni Mel.

'Ano daw? Adorable?'

'Adorable ba yun, mangiyak ngiyak na sa hiya ang pinsan nya?!'

'Me sayad ata itong batang 'to!'

Kahit si Jeremy ay nangiti din ng makita namula si Eunice at nagmamadaling tumakbo palayo habang nakatakip ang mukha.

"Mabuti pa sundan ko sya!"

Nagaalalang tanong ni Jeremy pagkatapos.

"Hahaha! Bahala ka!"

Pag alis ni Jeremy, napansin nyang naka kunot ang noo ni Mel sa kanya.

"Why is your face like that?"

Hindi makapaniwala si Mel sa tanong ni Kate.

'Nagtanong pa talaga sya!'

'Dis is anbelibabol!'

"Sister Kate, you see ... Eunice, your cousin is ..... you know..!"

"Know what?"

"I don't understand what you're trying to say!"

'Jusmiyo nag English na!'

"You see ... Sister Kate, I'm nose bleed here! So, pwede bang mag tagalog ka na lang please!"

"Hahaha! Sorry!"

"Ganito kasi yun Sister Kate...."

Hindi na nya natuloy ang sinasabi nya dahil bigla syang may naalala.

"You wait, okey!"

Kinuha nito ang cellphone nya at hinanap ang video ni Eunice.

"Here Sister Kate, you ... panoorin mo!"

Matapos mapanood ni Kate ang extra ordinary performance ni Eunice, humagalpak ito ng tawa.

"HAHAHA! HAHAHA!"

Maluha luha na sya sa katatawa pero hindi pa rin nya mapigilan.

'Haaay, josme! Nakakapraning sya!'

'Mag pinsan ba talaga sila ni Sissy ko?!'

Nang mapagod na ito sa katatawa, muli nyang hinarap si Mel.

"Thank you my friendly Mel!"

"Bawal kasi kaming mag socmed during the competition kaya hindi ko alam ang nangyayaring ganap dito sa pinas!"

"Ay oonga pala, galing ka nga palang Australia!"

"Pero knows ko naman na may gusto ang pinsan ko kay Jeremy! Nuon pa!"

"So you know na why I am worried for Sister Eunice! Because you make Jeremy follow her!"

"Don't worry! Everytime Eunice cry, she goes straight to her room!"

".... and if she goes to her room, Jhay can not go after her!

That is why I let him chase her!"

"What do you mean?"

"You'll see!"

Sa loob ng bahay.

Nagtaka sila Edmund at Nicole ng makita nilang tumatakbo si Eunice na nakatakip ang mukha.

"Anong nangyari dun!"

Tanong ni Nicole.

"Susundan ba natin?"

Tanong naman ni Edmund.

Pero bago sila makapag decide kung susundan nila si Eunice o hindi, nakita na nilang tumatakbo rin si Jeremy papunta sa direksyon ni Eunice.

"Ops, ops, ops!"

"Bata, saan ka sa akala mo pupunta?"

Tanong ni Edmund sa kanya.

"E, Sir.... gusto ko lang po sanang makausap si Eunice!"

"Bakit, may nangyari ba? Ba't nagtatakbo si Eunice paakyat ng hagdanan?"

Tanong ni Nicole.

Napatigil si Jeremy ng malamang sa taas pala nagpunta si Eunice.

"E, Tita, wala po! Nagbibiruan lang po kami!"

"Wala pala bakit kailangan mong sundan?"

Tanong ni Edmund sa kanya.

"Gusto ko lang pong ma sure Sir, kung okey po sya!"

"Pero alam mo ang rules sa bahay na ito, Bata!"

"Bawal ang ibang lalaki sa taas ng bahay maliban sa akin at kay Earl plus ang biyenan ko!"

"Naintindihan ko po Sir!"

Kaya walang nagawa si Jeremy kung hindi ang bumalik kila Kate at Mel.

"May rules ba tayong ganun? Bakit hindi ko alam?"

Tanong ni Nicole sa asawa.

"Oo naman magtagal na!"

"Bakit may pinapasok ka bang lalaki dyan sa taas maliban sa amin ng anak mo?"

Nakasibangot na tanong ni Edmund sa asawa at naka pamewang pa.

"Oo! .... si Mel!"

Edmund: "...."

*****

Sa school.

Kinakabahan na si Principal Dennis, ang secretary nito at ang assistant nya sa presensya ni Ames.

'Bakit ba kasi dumating agad ng maaga ang malditang ito! Konti na lang kontrolado ko na ang school!'

Pagbalik ng head ng HR na si Castro sinabayan sya ng pasok ng secretary ng principal na alam na ngayon kung sino si Ames.

Lumuhod ito at nagmakaawa kay Ames.

"Madam Ames, Sorry po! Sorry po! Hindi ko po kayo nakilala!"

"Patawarin nyo na po ako Ms. Ames! Nangangako po akong hinding hindi ko na uulitin ito!"

Nilapitan sya ni Principal Dennis at sinuway.

"Tumayo ka nga dyan! Tumayo ka!"

Pero hindi ito tumayo at nagpatuloy sa ginagawa nyang paghingi ng tawad.

Tininingnan ni Ames si Castro.

"Ano pang inaantay mo dyan? Pasko? Ano na ang nangyari sa mga iniutos ko sayo?!"

At natatarantang inilapag ni Castro ang mga dala nitong folder.

Biglang may dumating na dalawang security.

"Mam Ames!"

"Pwede bang alisin mo yang maingay na yan sa harapan ko!"