Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 32 - Prank?

Chapter 32 - Prank?

"WHAT???!!!"

Namulta ang lahat lalong lalo na ang principal.

"Pe.. pero.... Ms. Ames, di ba father mo naman sya at pamangkin mo si Jeremy, so bakit kina kailangan nilang magdemanda?"

"So anong ibig mong sabihin, na porket kamaganak ko sila dapat na lang nila itong palagpasin! Ganun ba?!" They are talking about attempted murder!"

Natataranta na sa takot ang principal.

"Teka po Ms. Ames, it's just a prank, a joke na ginagawa ng mga kabataan kaya bakit naging attempted murder yun?"

"Prank? Joke?"

"Dahil sa ginawa nila lumabas ang allergy ni Jeremy at nilusob sya sa ospital!"

"Buti na lang may nagmagandang loob na dalhin sya doon agad kaya naagapan! Pero sabi ng duktor kung hindi agad iyon nailusob sa ospital, malamang natuluyan na itong namatay!"

"Ngayon mo sabihin its just a prank!"

"Pero Ms. Ames, paano po ito magiging attempted murder e una mga bata pa po sila at pangalawa hindi naman po talaga si Jeremy ang totoong target nila!"

"Paano ka nakakasiguro na hindi si Jeremy ang target nila at paano ka ring nakakasiguro na walang allergy ang tinutukoy mong target nila!"

Napalunok na lang ang principal. Hindi nya akalain aabot sa ganito ang lahat.

Ano ang gagawin nya ngayon?

Paano pag nalaman ito ng mga magulang ng mga bata? Nakapagbigay na sila ng pera sa principal para pagtakpan ang nangyari.

"Ms. Ames, ano po ang plano nyo sa mga bata?"

Tanong ni Teacher Erica.

"Sa ngayon tawagan mo muna ang mga magulang ng mga bata. Kailangan nilang mainform tungkol sa mga anak nila!" "Mamaya na lang tayo magusap sa opisina ko para sa susunod kong mga utos. Unahin mo muna ang pag ayos ng pinto!"

Nataranta ang principal ng marinig ang iniuutos ni Ames na tawagan ang mga magulang ng bata.

Kailangan makaisip sya ng paraan para hindi nito makontak ang mga magulang ng bata.

"Ms. Ames, pwede bang ako na lang ang tumawag sa mga parents ng bata?"

"Bakit?"

"Dahil... "

"Dahil..... gusto kong tumulong!"

"Bakit?"

"Ka..si..."

"Kasi ... exam week na next week at maraming kailangan asikasuhin si Teacher Erica!"

Tiningnan sya ng matagal ni Ames. Parang sinusukat ang sinasabi nya.

May katwiran naman talaga si Principal Dennis. Next week ay exam week na, pagkatapos ng exam, prom night na at pagkatapos ng prom night aasikasuhin na ang finals ng mga seniors.

Pagkatapos ng halos fifteen minutes na nakatitig si Ames kay Principal Dennis, nagsalita na ito.

"Okey, ikaw na ang tumawag pero siguraduhin mong dumating mismo ang mga magulang nila!"

"Oscar, pumasok ka! Pakikuha lahat yan at pakidala lahat sa opisina ko!"

*****

Samantala.

Nagtataka ang mga Grade 8 students kung bakit sila pinatawag at dinala sa taas.

"Anong ginagawa natin dito? Bakit tayo dinala dito?"

"May nakakaalam ba sa inyo?"

"Dapat ba tayong kabahan?"

"Wala naman tayong ginagawa bakit tayo kakabahan!"

Pero kahit anong deny nila, totoong kinakabahan sila.

Pare pareho nilang inilabas ang kani kanilang cellphone at nagbasa ng mga messages para mabawasan ang kaba nila.

"Guys may post na naman si Mel!"

Tiningnan nila ang pic na pinost ni Mel. Picture ito nilang tatlo kahapon habang kumakain ng lunch.

"Mukhang magkakasama sila kahapon na mag lunch!"

"Aba teka, loko tong unggoy na ito ah, ang yabang! Porket naka lunch lang si Jeremy akala mo kung sino na!"

"Teka nga masagot!"

"Huy huwag mo ng sagutin! Mapapahamak lang tayo nyan eh!"

"Bakit natatakot ka? Ako hindi!"

"Oo natatakot ako! Natatakot ako sa Daddy ko!"

"Oonga girls! Ayoko na rin, hindi worth it!"

Nainis si Alicia, sya ang parang leader ng grupo nila.

"Ano bang sinasabi nyo? Bakit na kayo nag gi give up?! Alalahanin nyo si Jeremy! Gusto nyo bang mapunta sya sa tabachoy na yun?!"

"E ano naman kung mapunta sya kay Eunice! Mabait naman si Eunice at friendly!"

"Oonga! Wala naman tayong problema sa kanya before, nagkaroon lang simula nung napasama tayo sa isang Chatroom na kasama ang mga Grade 9!"

Nanggigil sa inis si Alicia. Hindi nya akalaing tatraydurin sya ng mga kasama dahil kay Eunice.

'Walanghiya kang Eunice ka! Nang dahil sayo ayaw ng maniwala ng mga kaibigan ko!'

"Kung ayaw nyo na sa grupo, bahala kayo! Wala na rin akong pakialam sa inyo!"

"Pero huwag na huwag nyo na akong papakialaman mula ngayon!"

"Mga DUWAG!!!"