Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 34 - Do You Know Why You're Here?

Chapter 34 - Do You Know Why You're Here?

Pumasok sa loob ng silid ang guidance councilor ng school kung saan naroon ang Grade 8 students na nambully.

"Hello girls, do you know why you're here?"

Bungad agad nito.

Hindi nya eksaktong alam ang nangyari dahil halo halo na ang kwentong nadidinig nya.

Walang sumasagot sa mga bata Nagpapalitan lang ng tingin tapos ay nagkibit balikat.

"So hindi ninyo alam kung bakit kayo nandito?"

Umiiling lang sila. Pero nahahalata na sa mata ng iba ang guilty looks. Hindi na sila nagpapalitan ng tingin, nakatungo na lang.

"Okey, kung hindi ninyo alam kung bakit kayo nandito, pwede nyo bang ikuwento ang ginawa nyo kahapon?"

Walang pa ring nagsasalita. Walang gustong magsimula.

Matagal na naghintay ang guidance tinitingnan lang sila isa isa.

Tuk.tuk.tuk.tuk.

Tunog lang ng daliri ng guidance councilor ang madidinig.

Hanggang sa may isa na parang naiiyak.

'Mukhang may magsasalita na!'

Ang bilin sa kanya ni Ames ay alamin kung may naguutos ba sa kanilang gawin iyon.

At ng madinig ng iba na humikbi ito dahil pinipigilan nyang umiyak, may isa na sumunod din. at isa pa at isa pa! Maliban kay Alicia.

'Hmmm... anim sila lahat pero mukhang napilitan lang ang lima!'

Maya maya ay biglang tumayo si Alicia at galit itong nagsalita.

"Mam ano po bang dahilan at dinala nyo kami dito? Kundi nyo sasabihin aalis na lang kami!"

At tiningnan nya ang mga kasama nya na tila winawarningan nya.

At tumahimik ang mga ito.

"Okey sige, pwede kang umalis pero maiwan sila!"

Nangiti ang kalooban ni Alicia pero hindi ang mga kasama nya. Nataranta ang mga ito.

Dahil sa gusto na ni Alicia ang umalis sa lugar na ito, dali dali itong tumayo at humakbang sa pinto.

Nang makitang aalis nga si Alicia at tila walang pakialam na iiwan sila nag react sila

"Mam bakit po maiiwan kami? Hindi naman po kami ang may hawak ng lubid si Alicia!"

"Saka sya din ang nagplano ng lahat ng ito!"

Napahinto si Alicia at pinanlakihan ng mata ang mga kasama nya.

"O, bakit Alicia? Totoo naman ah! Ikaw ang nagplano ng lahat ng ito! Ang sabi mo ay kailangan natin tulungan si Jeremy dahil nanghihingi sya ng tulong dahil pinilit sya ni Eunice!

Pero nung kausapin tayo ng principal hindi ka naman pinapansin ni Jeremy!"

"At mismong sinabi ni Jeremy na wala syang pakialam sa atin!"

"Maniwala kayo Mam, hindi po namin talaga alam kung bakit kailangan naming gawin ang prank na yun kay Eunice!"

At sabay sabay silang nagsasalita.

Nataranta si Alicia kaya sinubukan nitong buksan ang pinto pero hindi nya ito mabuksan.

"WAAAAH!!!"

"MAGSITIGIL KAYO!!!"

"Ikaw ang tumigil! Ikaw ang dahilan kaya tayo narito kaya ikaw ang tumigil!"

"Oonga!"

Gigil na gigil na sa galit si Alicia at lulusubin na nito sana ang mga kasama nya pero napigil sya ni Ms. Maricel, ang guidance councilor.

Nagpapadyak ito at nagwawala gustong kumawala sa bisig ng guidance councilor na nakaakap sa kanya.

"Tama na Alicia! Tama na!"

Pero patuloy pa rin itong nagpupumiglas na naging dahilan ng pag angat ng damit nya.

At nagulat Ms. Maricel ng makita ang parang isan latay sa bandang likod ni Alicia.

Inangat pa nito ang damit ng bata para masigurong totoo ang nakita nya, pero naramdaman ito ni Alicia at agad na tinulak ng malakas si Ms. Maricel at lumayo dito ng malayong malayo saka inayos ang damit at jacket na suot nito.

'Kaya pala sya laging may suot na jacket kahit na hindi malamig!'

"Ms. Maricel, please, gusto ko na pong bumalik sa room namin!"

"Pero hindi kayo pwedeng bumalik sa room nyo! Walang tao sa room ninyo! May mga pulis kasi duon na nagiimbistiga!"

Nagulat silang lahat

"Mam bakit po may pulis?"

"Dahil sa nangyari kay Jeremy, muntik na itong namatay kung hindi nailusob sa hospital!"

"Dinala kayo dito para hindi kayo makita ng mga pulis!"

"Pati ibang classmates nyo nasa ibang room din ng school inaantay ang parents nila!"

Pinagmasdan nya ang reaction ni Alicia sa sinabi nya. Pinipilit nitong ipakita na wala syang pakialam pero halatang kinakabahan.

'Bwisit ka Eunice! Ikaw ang dahilan ng lahat ng kamalasan kong ito!'

'Bakit ba napaka swerte mo!'

Nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang dalawang babae at ang isa doon ay si Teacher Erica.

Patakbong inakap ng lima si Teacher Erica maliban kay Alicia na nakakita ng pagkakataon na tumakas.

Agad itong tumakbo dirediretso sa pasarang pinto, saka binuksan at lumabas.

Nakahinga sya ng makalabas sya ng silid pero hindi nya akalin na may mga nagbabantay na mga pulis sa iisang daan pababa.

'Anong gagawin ko?'