Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 39 - No Training, No Breakfast

Chapter 39 - No Training, No Breakfast

Masayang masayang gumising si Edmund. Alas kwatro pa lang gising na sya.

Pagkatapos nyang mag ready, saka sya nagtungo sa room ni Eunice para ilagay ang alarm clock sa tabi ng anak.

Bumaba sya at lumabas ng bahay para mag jogging. Quarter to five nag ring ang alarm ni Eunice na ikinagulat nya.

Naalimpungatan sya sa lakas ng alarm. Hinanap nya ito at inoff saka bumalik sa pagtulog.

After 5 minutes nagulat sya dahil nag alarm na naman ito!

"Sino bang naglagay ng alarm na 'to?"

Kinuha nya ang alarm at hindi nya lang ito inoff inilagay pa nya ito sa isang kahon at isinilid sa closet.

Saka bumalik sa kama at nahiga ulit para matulog pero....

Wala pa syang 1 minutong naka pikit tumunog ang isa pang alarm.

"Waaaaah!"

Naiiyak na si Eunice sa inis.

"Naman eh, gusto ko pang matulog!"

Wala syang nagawa kundi ang bumangon at hanapin kung nasaan ang alarm.

Nang makita, kinuha ito at binuksan ang bintana sa itnapon sa labas.

At muli syang nahiga sa kama para mahiga at matulog muli.

Pero, sadyang malupit ang tadhana. Hindi pa sya nakakapikit may biglang nagbukas ng pinto ng silid nya. Ang Daddy nya.

"Eunie, baby, gising na!"

"Hmmm.... "

Pero imbis na bumangon, nagtalukbong ito ng kumot.

"Eunice, it's time to wake up! Bangon na!"

Tinanggal nito ang kumot na nakatalukbong sa anak.

"Ahhh.... Daddy gabi po! Look!"

"No princess, it's five! And you promise me yesterday, remember?"

"Waaah! Dad pwede bang tomorrow na lang tayo mag start? Dipa po ako ready! Promise I wake up early tomorrow!"

"Nope!"

At binuksan nito ang dala nyang maliit na megaphone.

"Sige na bangon na!"

"Eunice, Isa..."

"Waaah!"

At tumayo na ito at tumakbo sa banyo sabay sara ng pinto.

Sa loob ng banyo, nagkaroon ng idea si Eunice na umidlip kahit sandali lang. Naupo sya sa bathtub at humilig.

'Kahit 5 minutes ...'

TUG TUG TUG!

Sunod sunod na katok ni Edmund ng malakas gamit ang kamao.

"Huwag kang matulog dyan! Pag hindi ka pa lumabas within 5 minutes sisirain ko itong pinto ng banyo mo!"

" Ahhha... Daddy naman e!"

"Bilisan mo na dyan, aantayin kita sa gym!"

"Tandaan mo No training, No breakfast!"

Iniwan na sya ni Edmund at bumaba patungong gym. May sarili silang gym sa loob ng residence nila kaya hindi na nila kailangan lumabas.

Sinadya ito ni Edmund para hindi na need lumabas ni Nicole pag gusto nyang mag exercise.

"Bakit ang aga mong bumangon?"

Tanong ni Nicole sa kanya habang pinupunasan ang pawis ng asawa.

Gusto ni Edmund pag ganitong inaalagaan sya ni Nicole.

"May usapan kami ng anak mong si Eunice na mag start syang magtraining today, kaya maaga akong nagising para magwarm up!"

"Seryoso na ba yan, baka naman pag nilambing ka ng anak mo bumigay ka agad dyan!"

"Kailangan na e! Lumalaki na si Eunice at kailangan na nya ng proteksyon para sa sarili nya! Mahirap na!"

Marami kasing nangyari noon na muntik ng malagay ang buhay nila sa panganib at ayaw nilang madamay ang mga bata.

Gusto nilang mabuhay ng maayos ang pamilya nya malayo sa mata ng mga masasamang nilalang.

Kaya bibihira lang ang nakakaalam kung sino talaga sila.

"Para sa kanya ito! Para hindi na sya nabubully sa school! Gusto kong matuto syang ipagtanggol ang sarili nya!"

"Sabi nga pala ni Ames may meeting daw ang board!"

"Bakit pa, e na solve na naman nya ang problem sa school!"

*****

Sa bahay nila Jeremy.

Kinausap ng masinsinan ni Ames ang pamangkin nyang si Jeremy.

"Okey ka lang ba, Jeremy?"

"Okey lang po Tita Ames!"

"Masama ba ang loob mo sa akin dahil pinipilit kitang mag aral sa US at kunin ang kursong gusto ko?"

Tumahimik si Jeremy. Hindi nya alam kung bakit naitanong ng Tita nya ito sa kanya.

"Tita, alam ko na man pong kapakanan ko lang ang iniisip nyo!"

Hindi ito ang gustong sagot ni Ames. Gusto nyang sabihin ni Jeremy kung ano talaga ang nasa puso nya.

"Pwede ba Jeremy, for once be a man! Sabihin mo ang gusto mo hindi yung gusto kong madinig! Nakakapikon e!"

"I'm sorry Tita!"

"Bakit ka nag so sorry dyan?"

Hindi na nagsalita si Jeremy, tumungo na lang. Ayaw nitong magalit ang Tita nya sa kanya.

"Napanood ko na ang tungkol sa performance ni Eunice at may posibilidad na yun ang dahilan kaya kaliwat kanan ang nambubully sa kanya!"

"Ngayon tapatin mo ako, may gusto ka ba kay Eunice?"