Kinabukasan. Linggo.
"Ate, nagpapasexy ka ba kaya ka nagtetraining kasama ni Daddy?"
Tanong ni Earl sa Ate Eunice nya habang kumakain ng almusal.
Pinandilatan sya ng mata ni Eunice na ibig sabihin at "tumahimik sya".
Masakit pa kasi ang mga katawan nya at feeling nya kulang sya sa tulog. Saka wala naman sya talagang planong magpasexy, super makulit lang talaga si Daddy nya.
'Si Daddy kasi, naisahan na naman ako sa mga alarm clock nya!'
Kitang kita ang pagod sa buong katawan ni Eunice. Feeling nga nya kahit daliri nya hindi nya maigalaw sa sakit.
"O eto anak, kumain ka ng mabuti para makabawi ka ng lakas!"
Sabi ni Nicole na awang awa sa itsura ng anak.
Tiningnan nya ng matalim ang asawa pero hindi sya nito pinansin.
"Mommy, I can't feel my fingers anymore and I'm hungry!"
"Okey sige anak, subuan na lang kita!"
Plano nyang sabihin ang good news sa mga anak nya na mag start na syang mag work sa school, pero nawala sa isip nya ng makita ang si Eunice.
Nagkatinginan na lang si Daddy Edmund at si Earl sa ginagawang ng Mommy nya kay Eunice.
"Ate Eunice, para kay Kuya Jeremy ba ang pagpapa sexy mo?"
"Ma.... Si Earl iniinis po ako!"
"Kumain ka na lang para makabawi ka ng lakas at huwag mong iintindihin yang kapatid mo!"
"Ano ba kasing nagustuhan mo sa mokong na Jeremy na yun? Ang bano naman!"
"Mommy what's mokong and what's bano?"
Tanong ni Earl na tila nagpapansin sa ina dahil lahat ng atensyon nito nasa ate nya.
"Uhmm... yun ang tawag ng Lolo mo sa Papa mo!"
cough cough cough
Napaubo si Edmund sa sinabi ng asawa.
Saka sya tiningnan ng nangiinis ni Nicole.
'Buti nga sayo!'
"Bano means weak or simply means no backbone!"
Sagot ni Kate habang pumapasok sa dining room.
"Kate, anong ginagawa mo dito?"
Gulat na tanong ni Nicole sa pamangkin.
Mano po Ninang Ninong! Makikikain po!"
"Bakit wala ba dyan ang Mommy mo?"
Hindi pa nakakasagot si Kate lumapit na ang kasambahay kay Nicole at ibinigay ang phone.
Tumayo si Nicole at umalis para sagutin ang tawag. Ayaw nito ng gumagamit ng gadget at phone sa oras ng pagkain.
"Ate Kate, what is mokong?"
"I am not sure but Grandpa says it means stupid or idiot!"
"Ohhh!"
"I didn't know that Kuya Jeremy is mokong and bano!"
"Hahaha! Who says that?"
"Dad!"
"Hahaha!"
Naiinis na si Eunice sa kanila.
'Loko tong mga to pinagtatawanan si Jeremy ko!'
"Pero bakit po si Lolo ang tawag sa inyo mokong din?"
Tanong nya sa Daddy nya
"I don't think your idiot, and your definitely not stupid!"
Nangiti si Edmund sa sinabi ng anak nya. Proud Daddy!
"Ganun lang talaga maglambing ang Lolo mo anak!"
"You mean, naglalambing ka din kay Kuya Jeremy kaya mo sya tinatawag na mokong?"
"Hindi noh! Bwisit na yon, lakas ng loob manligaw sa ate mo bano naman!"
Earl: "...."
'Hindi ba alam ni Daddy na si Ate Eunice ang nanliligaw?'
Eunice: "..."
'Daddy naman, hindi pa po nanliligaw si Jeremy!'
Kate: "....."
'Wala akong malay sa pinaguusapan nyo!'
"What about your Dad, Ate Kate? what is Lolo's nickname to him?"
"Ulupong!"
"Huh? What is that word?"
"It means snake!"
Sagot ng Daddy nya.
"Ang weird naman pong mag bigay ng nickname ni Lolo!"
"Hahaha!"
"Oh, anong pinaguusapan nyo at madaya kayo?"
"Sino yung tumawag? Bat ang tagal mo?"
Tanong ni Edmund sa asawa.
"Si Ate Nadine, hinahanap si Kate!"
Sabay tingin sa pamangkin.
"Ikaw, maguusap tayo mamaya pagkatapos mong kumain!"
Napalunok na lang si Kate, mukhang galit ang Ninang nya.
*****
"Ninang?"
"Bakit mo nilayasan ang Mommy mo? Excited syang gumising ng maaga para lutuin nya ang mga paborito mo, tapos lalayasan mo?"
"Eh, kasi po si Mommy ang kulit kulit ang daming tanong!"
"Syempre na miss ka nun! Ilang linggo kaya ikaw nawala!"
"Kung na mi miss nya po ako bakit hindi na lang nya ako hinug? Pero iba po yung kinukulit nya sa akin, gusto nyang makipag friends ako sa mga classmates ko para daw meron akong close friends! Nakita nya kasi ang closeness ni Eunie at Mel!"
"Bakit hindi mo na lang gawin para manahimik na ang Mommy mo?"
"E, kasi po Ninang, mas matatanda po kasi sa akin ang mga classmates ko!"
May katwiran sya.
"Bat hindi kayo magusap na dalawa.
Mag heart to heart talk kayo!"
"Kate, mahal ka ng Mommy ng sobra! Gusto nyang mag reach out sayo kaya please huwag mo syang iwasan!"
"Ang gusto ko lang naman po andyan sya, yung hug nya!"
"Ayoko po yung pinipilit nya ko na makipag friends para daw may magsasama sa akin sa mga party, sa lakwatsa at sa kalokohan! Nakakainis e! Bat di nya maintindihan na hindi ko gusto yung mga yun?"
Saka kung magkakaroon man po ako ng friends mas gusto ko naman yung true friend kesa yung mga ganung friends na gusto nya!"
Sa totoo lang, hindi rin maintindihan ni Nicole si Nadine kung ano ang kinakaba nito.
Nagaalala kasi si Nadine na baka daw hindi maging isang normal na teenager ang anak nya.
Minsan napapaisip si Nicole.
'May normal bang teenager?'
"Ngayon umuwi ka na at mag sorry sa kanya! Pumapalahaw na sa pagiyak ang Mommy po!"