Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 46 - Ang Aga Naman

Chapter 46 - Ang Aga Naman

"IKAW?!"

"Buwisit ka at ang Nanay mo!"

Sigaw ni Louie na ikinagulat ng lahat.

Bigla nyang nilusob si Eunice dahil gusto nya itong saktan.

Buti na lang nakaiwas si Eunice bago sya tuluyang nakalapit.

At dumiretso si Louie pasubsob sa sahig.

"WAAAAH!"

Umatungal ito sa sakit ng pagkakasubosob.

Napatingin ang lahat kay Eunice, nagtatanong ang mga tingin.

'Paano nya naiwasan yun?'

Nangiti naman si Eunice dahil maging sya ay hindi rin inakala na makaiwas sya sa biglang atake ni Louie.

Nag side step lang naman sya.

'Mukhang effective ang training ko!'

'Matutuwa si Daddy!'

"Teka lang Louie, ano bang problema mo kay Sissy ko? Inaano ka ba nya?!"

"Aaaaahhh!"

Nanggigil si Louie sa inis na parang nauulol kaya lumayo ang lahat sa kanya. Pero nasaktan talaga sya sa pagkakabagsak nya kaya lang wala ni isang gustong lumapit at tulungan sya.

"Anong nangyayari dito?!"

Napalingon silang lahat sa pinagmulan ng tinig.

Si Teacher Orly ang math teacher nila.

Tahimik ang lahat maliban kay Louie na lalong pumalahaw sa pagiyak ng makita ang teacher nila.

Nilapitan sya agad ni Teacher Orly ng makitang nasaktan ito at nasa sahig at hindi makatayo.

"Sinong gumawa nito sa'yo?"

Sabay tingin sa lahat ng nasa paligid.

Tinuro ni Louie si Eunice.

"Eunice, come with me to the principal's office!"

Sabi nito habang inalalayan nyang tumayo si Louie.

"Pero Sir, wala naman pong kasalanan si Eunice, umilag lang sya sa atake ni Louie!"

"Tumahimik ka Mel, kung hindi pati ikaw isasama ko!"

"Pero yun ang totoo Sir, masama bang magsabi ng totoo?"

"Oonga po Sir, kitang kita po namin ng biglang nagalit si Louie at atakihin si Eunice!"

"Oonga!"

"Oonga!"

"Saka wala naman ginagawa si Eunice,

Bakit ba ayaw nyong maniwala?"

"MAGSITIGIL KAYO!!!"

Magsasalita pa sana si Mel pero pinigilan na sya ni Eunice.

"Eunice, let's go to the principal!"

Galit na sabi ng teacher.

Kanina pa ito naiirita dahil hindi nya nagustuhan ang ginawa ni Nicole nung flag ceremony. At mas lalo itong nainis ng malamang nanay pala ni Eunice ang bagong acting principal.

Tapos pag pasok nya ng classroom ang makikita nya ay si Louie na nasa sahig at namimilipit ng sakit at ang dahilan ay si Eunice!

Sinong hindi maiinis? Naging principal lang ang nanay yumabang na!

"Doon tayo sa principal's office para malaman ng nanay mo kung anong klaseng bata ang anak nya!"

Sabi nito kay Eunice habang naglalakad sila papuntang principal's office.

'Ang mga magulang na katulad ng nanay nito ay walang karapatan maging principal!'

Ngiting ngiti naman si Louie sa sinabi ng teacher.

'Tingnan ko lang kung anong gagawin sa'yo ng Mommy mo!'

Tahimik lang si Eunice pero makikita na sa mata nito ang pagkadismaya.

Hindi nya akalain na ganitong klaseng teacher si Teacher Orly. Isa pa naman ito sa hinahangaan nya.

"Ehem!"

Nagtaas ang ulo ni Secretary Kim at nagtataka sya kung bakit andito ang teacher na ito at bit bit pa si Eunice.

"Yes, Teacher Orly?"

Napataas ang kilay ni Teacher Orly.

'Anong bang klaseng secretary 'to? Hindi ba nya nakikita na andito ako dahil may problema?'

"Gusto kong makausap ang principal?"

Tiningnan ni Secretary Kim si Eunice tapos ay si Louie tapos ang teacher.

"Sandali lang!"

May pinindot sya sa phone.

"Madam..."

"Huwag mo akong tawaging Madam!"

Nangiti si Secretary Kim.

"Mam! Narito po si Teacher Orly sa labas gusto daw po kayong makausap!"

"Sino si Teacher Orly?"

Nadidinig ng lahat ang boses ni Nicole dahil hindi tinaas ni Secretary Kim ang receiver.

Sumibangot si Teacher Orly.

"Mam si Teacher Orly po ang teacher sa math!"

"Ahhh! Sya pala!"

"Anong ginawa nya dito wala ba syang klase?"

Pikon na si Teacher Orly.

Si Eunice at si Secretary Kim nagkatinginan at parehong pinipigilan ang ngumiti.

"Gusto daw po kayong makausap!"

"Sige na nga papasukin mo na!"

Umusok ang ilong ni Teacher Orly nanggigil dahil pakiramdam nya napipilitan lang ang principal na kausapin sya.

Tumayo si Secretary Kim at kumatok sa pinto. Nang madinig si Nicole saka lang nito binuksan ang pinto.

Atat na si Teacher Orly na makapasok kaya hinawakan na ang dalawang bata papasok sa silid ng principal.

Ngunit bago pumasok si Eunice, may sekretong inabot ito kay Secretary Kim.

Expected na ni Nicole na may cha challenge sa authority nya pero hindi nya inaasahan na agad agad.

Nagulat sya ng makitang kasama ni Teacher Orly si Eunice.

'Ang aga naman!'

'Wala pa akong isang oras na nakaupo dito!'