"Principal, naalala ko na kaya ako nandito! Para ireport ang ginawang pananakit ng anak mong si Eunice sa kawawang batang yan na si Louie!"
Nanggigil na sabi ni Teacher Orly.
"Anak mo yan! Kaya gusto ko disiplinahin mong anak mo!"
'Hmp! Tingnan ko lang kung makangiti ka pa dyan!'
Inis na inis ito sa mga ngiti ni Nicole.
"Louie, halika dito, lumapit ka!"
Nagulat si Louie ng bigla syang tawagin ni Teacher Orly.
Nanahimik na nga syang kasama si Eunice tapos iistorbohin pa sya ni Sir.
"Halika sabi dito at ikwento mo ang nangyari!"
Singhal ni Teacher Orly ng hindi nya mapalapit si Louie.
Napakamot na lang sa ulo ang bata na lumapit sa kanya.
"Louie sige na, ikwento mo ang nangyari kanina. Sabihin mo sa principal kung paano ka sinaktan ni Eunice!"
"Ikwento mo rin kung anong mga pambubully ang ginawa nya sa'yo at sa buong klase para sa ganun maparusahan sya!"
Sabihin mo rin sa principal na yumabang sya masyados dahil lumaki ang ulo simula ng maging principal ang nanay nya!"
Louie: "...."
Nicole: "...."
Eunice: "....."
"Sige na Louis, huwag kang matakot! Nandito ako sa tabi mo!"
Mayabang na sabi ni Teacher Orly. Gusto nyang inisin si Nicole.
"A....E..... Mam Principal....."
Nahihiya ito at di makatingin kay Nicole.
"Ano po, kasi..."
".....kasi po... wala po talagang kasalanan si Eunice!"
Napatigil si Teacher Orly.
'Tama ba yung narinig kong sinabi ng batang ito?'
"Ulitin mo ngang sinabi mo at hindi ko narinig?"
Pinandilatan nito si Louie na parang pinagbabantaan.
"Ang sabi ko po Sir, wala pong kasalanan si Eunice!"
Hindi makapaniwala si Teacher Orly sa bata.
'Anong ginagawa ng bwisit na batang ito? Hindi ba dapat magkakampi kami laban sa mag inang ito?'
'Hindi ba alam ng batang ito na dahil sa nanay ni Eunice na ito kaya nawala sa posisyon ang uncle nya?'
"Hindi yan ang sinabi mo sa akin kanina! Bakit ka nagsisinungaling? Natatakot ka ba?"
"Hindi po ako nagsisinungaling Sir! Totoo po lahat ang sinabi ko!"
"Pero hindi yan ang sinabi mo sa akin kanina ng tanungin kita! Ang sabi mo si Eunice ang may kasalanan dahil tinulak ka nya!Diba? Diba? Diba?"
"Sir, tinuro ko lang naman po si Eunice, hindi ko naman po sinabi na sya ang may kasalanan!"
Naiirita na sya talaga sa batang ito. 'Tinuturuan ko na nga ng sasabihin hindi pa rin ma gets!'
Pero syempre, hindi naman papayag basta basta si Sir.
"Eh bakit mo itinuro ang si Eunice ng tanungin kita?"
"Eh kasi Sir, umilag po si Eunice kaya ko po sya tinuro! Kungdi po sya umilag hindi po ako babagsak!"
Napipikon na sya kay Louie at gusto nya ng sakalin ito.
"Tama na yan!"
Sigaw ni Nicole.
"Nagsalita na ang bata kaya tumigil ka na!"
"At bakit ako titigil?! Sino ka para patigilin ako?!"
"Sino ako?"
"Ako lang naman ang acting principal ng school na 'to! At pag sinabi kong tama na, TAMA NA!!!"
Hinila ni Eunice si Louie dahil napapagitnaan sya ng dalawa.
"Thank you ha!"
"Ang tapang pala ng Mommy mo!"
"Oo, kahit Daddy ko takot sa kanya! Kaya dito na lang tayo, hayaan na natin yang matatanda! Panoorin na lang natin sila!"
"Well, Ms. Acting Principal, hindi ba dapat lang na ginagawa mo ang trabaho mo ng tama? Sa tingin mo ba magtatagal ka sa posisyon mong inagaw mo?"
Kumatok si Secretary Kim.
"Mam, naimbistigahan ko na po ang nangyari at ito po ang video!"
Naguluhan si Nicole.
'Wala naman akong inutos sa kanya ah!'
Naintindihan ni Secretary Kim ang tingin ni Nicole kaya simple nitong tinuro si Eunice na natihimik na nakikipagusap kay Louie.
"Tama ka Teacher Orly, kailangan ko ngang gawin ang trabaho ko ng tama! Kaya nga may mga sets of rules ako para sa inyong mga teachers na ang daming dahilan pero ang totoo ay tinatamad lang magturo!"
"At dahil sa katamaran mong magturo, this will serve as your first warning! At pag nakatatlo kang warning ma susupend ka or may possibility na mawalan ka ng trabaho ng tuluyan!"
Nagkakaintindihan ba tayo Teacher Orly?"
Tila umakyat ang dugo ni Teacher Orly sa ulo at namula ito at galit na galit ang mga tingin.
"Hoy! Kung inaakala mong natatakot ako sayo nagkakamali ka! Tingnan natin kung hanggang saan ka magtatagal kapag nalaman ito ni Gob!"