Namilog ang mata ni Louie.
"Totoo po, Ms. Secretary Kim!"
Nangiti si Secretary Kim sa cute na reaksyon ng bata saka ito tumango tango.
"Thank you Ms. Secretary Kim!"
At ngiting ngiti itong pumasok sa silid na parang lumulundag pa sa galak.
Nagtatanong ang mata ni Teacher Orly.
'Anong sinabi nito at sobrang saya ni Louie?'
Tinaasan lang sya ng kilay ni Secretary Kim saka umalis.
Binalingan ni Teacher Orly ang dalawang bata.
"Kayong dalawa, Eunice, Louie, hindi nyo ba nakita ang oras? Kanina pa kami nagsisimula pero nasaan kayo? Naglalakwatsa!"
Nagkatinginan ang dalawang bata, nagtataka.
Pati mga classmates nila nagtataka rin.
"Diba sabay sabay silang nagpunta sa principal's office, bakit hindi alam ni Sir kung saan nagpunta ang dalawa?"
"Saka anong sinasabi ni Sir na kanina pa tayo nagsimula e kaiistart pa lang natin?"
"Oonga! Wala pa nga tayong 5 minutes na nag start!"
"QUIET!!!"
Tumahimik ang bulungan sa paligid.
"Eunice, Louie, dahil sa late na kayong pumasok at lampas ng 30 minutes, kaya absent na kayong dalawa!"
"HUH!!!"
Tumayo si Eunice.
"Sir, pwede ko bang malaman kung ano ang basehan ninyo sa pagbibigay sa amin ng absent!"
Kanina pa po kami dito sa school bago pa lang magstart ang flag ceremony and we have a lot of witnesses!"
Mahinahong sabi ni Eunice pero ramdam nyang kumukulo na ang dugo nya sa inis sa teacher na ito.
Napataas ang kilay ni Teacher Orly. Hindi nya inaasahan ang pag sagot ni Eunice. Tahimik na bata ang pagkakakilala nya dito at walang pakialam sa paligid.
'Iba rin talaga kapag nagiging principal ang nanay! Yumayabang!'
"Bakit Eunice, sinabi ko ba na late kang dumating sa school? Ang sabi ko, late kang dumating sa klase ko!"
Napatayo na rin si Louie sa inis. Hindi sya makapaniwala na ganitong klase magisip ang teacher na ito. Nakakayamot dahil wala naman silang ginagawang mali na dalawa.
"Sir, kanina pa po kami dito sa room at alam nyo yan! Tapos isinama nyo kaming dalawa sa principal at iniwan kami dun! Kaya paano nyo po masasabi na absent kami eh halos magkasunod lang tayong bumalik sa room na ito?"
"Oonga po Sir, 5 minutes lang po ang pagitan nyo!"
"Oonga Sir, unfair naman yun!"
Sigaw ng mga kaklase nilang gusto silang ipagtanggol dahil sa unfair treatment ng teacher.
"QUIET CLASS!"
"Bakit ba kayo nakikialam, gusto nyo bang bigyan ko kayo ng failing grades?"
Tumahimik ang lahat.
Ayaw nilang bumagsak.
Pero hindi si Eunice.
Hindi sya natatakot lalo na pag ginigipit sya kusang lumalabas ang tapang nya.
"Sir, para kasing hindi na po tama ang ginagawa ninyo! Alam naman po ninyo ang nangyari dahil magkakasam tayo, kaya bakit nyo po kami bibigyan ng absent?"
Napakunot ang noo ni Teacher Orly.
"Hindi tama?! HAAA!!!"
"Nang dahil sa inyong dalawa, nagkaroon ako ng WARNING, tapos sasabihin nyong ako ang hindi TAMA!"
"So Sir, ibig nyo po bang sabihin gumaganti kayo sa amin dahil hindi ninyo nakuha ang gusto nyo sa principal, kaya nyo kami binigyan ng absent?"
Sabi ni Eunice.
"Sir, diba unfair naman yun! Si Principal Cole binigyan lang kayo ng warning tapos kami absent agad kahit wala kaming ginagawa?"
Pahabol ni Louie.
Napipikon na sya sa dalawa. Kung pwede lang, gusto na nyang paguntugin ang ulo ng mga makukukit na batang ito na kumokontra sa kanya.
"Tumigil na kayong dalawa at naririndi na ako sa inyo! Pag hindi pa kayo tumigil hindi ko kayo parehong pakukuhanin ng exams!"
"Ako ang teacher ako ang magdesisyon pag sinabi kong absent kayo ABSENT KAYO!"
"Sir nagsasabing lang po kami ng totoo kaya bakit kayo nagagalit? Masama bang magsabi ng totoo? Dahil ba sa kayo ang matanda ibig sabihin kayo na ang nasa tama? Di po ba pangaabuso ang tawag dun?"
"Ikaw.... "
Nanggigil na sya kay Eunice. Nakikita nya rito ang mukha at ugali ni Nicole kaya lalo syang nanggigil sa inis.
"Sir, gusto ko lang naman pong ipaalam kung ano ang totoo! Hindi naman po kasi tama na dahil sa mahina kami wala na kaming karapatan magsalita at mangatwiran! At hindi rin naman po tama na dahil sa mahina kami tatanggapin na lang namin ang pangaabuso sa amin!"
"Yun lang po Sir!"
At naupo na ito.
Namangha si Louie sa speech ni Eunice.
Hindi nya napigilan ang pumalakpak.
CLAP!
CLAP! CLAP
CLAP! CLAP! CLAP! CLAP!
Sumunod din sa pagpalakpak ang mga kaklase nya at tumayo pa ang mga ito.
Gigil na gigil sa galit si Teacher Orly.
QUIET! QUIET!
Pero mas malakas ang mga palakpak ng buong klase na napahanga sa magandang sinabi ni Eunice.
"MAGSITIGIL KAYO!!!"
Lalong lumakas ang palakpakan na parang iniinis si Sir.
Tiningnan nya si Eunice.
'Bwisit kang bata ka! Akala mo ba KAYA mo ako? Ako pa rin ang teacher mo, ang may hawak ng grades mo!'