"Mam Principal, ako si Teacher Orly ang Math teacher ng Star section Grade 8 class...."
Dirediretso ito sa pagpapakilala sa sarili pero hindi sya pinapansin ni Nicole dahil natuon ang pansin nya sa batang si Louie.
"Anong nangyari sa'yo iho?!"
Sabay lapit sa kay Louie dinala ito sa may sofa at iniupo sa tabi nya.
"Mam Principal, yan nga po ang dahilan kaya nagpunta ako dito dahil.... (blah, blah, blah)"
"Eunice, paki kuha mo nga ang medicine kit dyan sa 2nd drawer!"
"Uhm... Madam Principal, gaya ng sinabi ko, ako ang (blah, blah, blah)"
Patuloy sa pagsasalita ni Teacher Orly habang ginagamot ni Nicole ang mga sugat ni Louie.
"Anak, tingnan mo nga kung may yelo ang dyan sa freezer, paki kuha para malagay natin sa mga pasa ni Louie!"
"Yes Mom!"
Medyo nahiya si Louie habang ginagamot sya ni Nicole. Hindi nya akalain na mabait pala ang Mommy ni Eunice.
"Mommy, eto na po ang ice!"
Iniabot ni Eunice ang kanyang bimpo na naglalaman ng mga ice.
"Salamat, anak!"
Si Teacher Orly na pagod na sa kakadaldal ay napikon na dahil wala naman ang atensyon ng principal sa kanya.
"MADAM PRINCIPAL!"
Nagulat si Eunice at si Louie sa lakas ng boses ng teacher.
Ganito ang boses nya pag ayaw makinig sa kanya ng klase nya.
"Ano bang problema mo, bakit ka sumisigaw?!"
"Tinatakot mo pa itong mga bata! Kailangan mo ba talagang sumigaw? Magkalapit lang naman tayo ah!"
"Hindi ka kasi nakikinig sa akin!"
Galit na sabi ni Teacher Orly kay Nicole.
"Paano mo naman nasiguro na hindi ako nakikinig?"
Tanong ni Nicole sa kanya.
"Kanina pa kasi ako salita ng salita dito pero hindi mo man lang ako pinapansin!"
Napataas ang kilay ni Nicole.
'Eto pala si Teacher Orly! Gusto na sya ang unang binibigyan ng pansin!'
'Siguro lumaki itong kulang sa pansin?'
"Bakit Teacher Orly, may problema ba kung hindi ako maka focus sa'yo?"
"Syempre! Paano mo ako maiintindihan kung wala sa akin ang focus mo!"
Napakunot ang noo ni Nicole.
'Ano bang tingin nitong teacher na 'to, estudyante nya ako?'
"So, ang ibig mo bang sabihin Sir, dapat buong atensyon ko na sa'yo habang nagsasalita ka? Tama ba ako?"
"Aba natural!"
'Grabe 'tong babaeng 'to, ano bang klaseng principal ito? May katangahan!'
"So Sir, ibig mo rin bang sabihin na dapat wala akong gagawing iba at basta na lang ako tahimik na makikinig sa'yo habang nagsasalita ka? Ganun ba?"
Mas lalong nadidismaya si Teacher Orly sa mga salita ni Nicole. Feeling nya ang bobo ng kausap nya dahil paulit ulit ang tanong na simple lang naman ang sagot.
"Principal, hindi mo ba nakikita na mahalaga ang oras ko at marami akong ginagawa? Tapos pag dating ko dito wala ka man lang pakialam sa akin at hindi mo man lang pinakikinggan ang sinasabi ko!"
Napailing si Nicole.
'Tsk, tsk, tsk! Kawawa namang nilalang ito! Wala daw pumapansin sa kanya!'
Natapos ng gamutin ni Nicole si Louie kaya iniwan na nya ang dalawang batang naguusap at kumakain ng snacks sa sofa.
"Masakit pa ba?"
Tanong ni Eunice kay Louie.
"Hindi na masyado!"
"Sorry ha! Natakot kasi ako kaya bigla akong napatakbo!"
Napangiti ng lihim si Louie.
'Kaya pala! Natakot ko pala sya!'
"Okey na ko Eunice! Kaya huwag ka ng magaalala! Lalaki ata ako!"
'Hehe!'
At parang walang nangyari na nagkasundo ang dalawang bata at nasa isang sulok habang kumakain at naguusap.
"Teacher Orly, paano mo naman nasisiguro na hindi ako nakikinig sa'yo?"
"Hindi ba ang ginawa mo lang simula ng pumasok sa silid na ito ay maglitanya ng tungkol sa sarili mo?!"
Mahinahong sabi ni Nicole, pero may diin ang pagkakasabi nito.
Nagtaka si Teacher Orly.
"Hindi ba dapat lang na magpakilala ako sa'yo?!" (roll eyes)
"Paano mo ako makikilala kung hindi ko sasabihin ang mga achievements ko?! Aber!"
Natatawa na ng lihim si Nicole.
'Haaay naku, ang sarap nyang patulan pero hahaba ang usapan!'
"Teacher Orly, kung hindi ako nagkakamali, lahat ng sinabi mo tungkol sa sarili mo, nakalagay sa files mo! So pwede ko naman syang basahin anytime pag may free time ako!"
"Abat....."
"Ngayon, pwede mo na bang sabihin kung bakit nandito ka pa sa silid ko at wala sa klase mo?"
Wala ka bang planong magturo?"
Napatigil si Teacher Orly.
'Teka, bakit nga ba ako nandito?'
Napatingin sya sa principal na nakangiti sa kanya na parang nangiinis sa kanya.
'Walanghiyang babaeng 'to! Sinasadya nya ito para paikutin ako! Hmp!'
Alam ni Nicole na mababa ang tingin ng taong ito sa kanya.
'Nakalimutan ba nya na ako ang acting principal?'
Kaya anong masama kung ipakita nya kung sino talaga sya.
Nang makita ni Teacher Orly ang mga bata, saka niya naalala kung bakit sya naroon.
"Principal, kaya ako nandito para ireport ang ginawang pananakit ng anak mong si Eunice sa kawawang batang yan na si Louie!"
"Anak mo yan, kaya gusto ko disiplinahin mong anak mo!"