Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 45 - Syempre, Mommy Ko Yun!

Chapter 45 - Syempre, Mommy Ko Yun!

Pero may isa pang proud na proud kay Nicole.

Sa di kalayuan, nakatayo ang isang lalaking punong puno ng pagmamahal na nakatingin kay Nicole.

Nang makitang pababa na ito ng stage, kinuha ang cellphone at tumawag.

"I'm proud of you Hon!"

Nangiti si Nicole ng marinig ang boses ng asawa at luminga linga.

"Asan ka? Huwag mong sabihin nandito ka at nadinig mo ang speech ko!"

Parang bata na namula bigla ang mukha at tenga ni Nicole hindi dahil nahihiya sya kundi dahil sa kinikilig sya at napansin ito ni Secretary Kim at nginitian sya na parang nanunukso.

"Sige na Hon, later na lang!"

"Love you!"

"I love you too!"

Bulong ni Nicole.

Nangiti si Edmund habang pinagmamasdan si Nicole. Alam nyang namumula ito.

Pagkababa ng phone nanukso pa rin ang mga tingin ni Secretary Kim.

"Ehem!"

Inayos ni Nicole ang sarili nya at lumakad na ito papuntang opisina nya kasunod si Secretary Kim.

"Nandyan na sila! Nandyan na sila!"

"Dali!!!"

"Magsibalik na kayo sa pwesto nyo!"

Sigaw ng dalawang look out na nasa tabi ng bintana.

Nagmamadaling nagbalikan ang mga staff sa kani kanilang pwesto at nagkunwaring busy lalo na ng makitang nasa pinto na si Nicole.

Natataranta silang galaw ng galaw sa lamesa na akala mo totoong mga busy, maipakita lang na meron silang ginagawa.

Dahang dahang naglakad si Nicole at pagdating sa gitna nagsalita ito.

"Good job! Maganda yan!"

Nakangiting sabi ni Nicole sa mga staff.

Nahimasmasan ang lahat pero namutla muli sa susunod na sinabi ni Nicole.

"Ipagpatuloy nyo ang pagkukunwari nyong busy!"

At ngingiti ngiti itong naglakad papunta sa opisina nya.

Pinagusapan ng buong school ang ginawa ni Nicole. Iba't iba ang reaksyon ng bawat isa.

Masaya ang mga kabataan kahit hindi naiintindihan ng karamihan ang totoong dahilan sa likod ng ginawa ni Nicole.

Pero naalarma ang mga teacher na hindi na ipinagtaka ni Nicole.

Habang naglalakad sa corridor, masayan naguusap ang magkaibigan.

"Sister, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol kay Mommy mo?"

Bulong nya kay Eunice

"Besh wala din akong alam!

Kanina lang sinabi ni Mommy ng hinatid kami ni Earl!"

"Ang galing ng Mommy mo Sissy! Nakakaproud!"

"Syempre Mommy ko yun e!"

"Malamang mananahimik na ang mga nambubully sa'yo pag nalaman nilang Mommy mo ang principal!"

Narinig ng mga ususerong classmates nila ang sinabi ni Mel.

"Ano? Pakiulit nga? Mommy ni Eunice yung bago nating principal?!"

"Nadinig mo naman pala e, bakit kailangan ko pang ulitin! Susme!"

"Aba't ....."

"Class, ano ba yan? Ba't nagkukumpulan kayo? MOVE!"

Sigaw ng isang teacher.

Pero nadinig nya ang pinagusapan ng mga bata.

'Kailangan malaman nila ito!'

Pagdating sa room, hindi pa rin makapaniwala ang ibang classmates ni Eunice na nanay nya ang principal kaya kinompronta nila ang dalawa bago maupo.

"Teka sandali lang!"

"Bakit ba anong problema nyo?!"

"Bakit nyo kami hinaharangan?!"

Tanong ni Mel.

"Gusto lang namin malaman kung nagsasabi kayo ng totoo o gumagawa lang kayo ng kwento!"

"Mahalaga ba yun? Wala naman akong pakialam sa iniisip nyo!"

Sabi ni Eunice at lumakad na ito.

Pero hinarangan nila ang daraanan nila ni Mel at nakapalibot na sila sa dalawa.

Tumayo ang mga boys at lumapit sa mga bullies.

"Tama na yan! Hindi mo na alam na Mommy nya ang bago nating principal?"

At hinawi nila ang mga bullies at hinatid nila ang dalawa sa upuan nila.

"Salamat sa inyo!"

"Huwag kayong magaalala kapag binully pa kayo ng mga yan, sabihin nyo lang sa amin!"

Sila ang mga boys na lumapit kay Nicole at nag sorry. Sila din yung laging kumukuha ng video.

Sabi nila sila daw ang mga cute boyz ng star section.

"Hoy mga pa cute boys, paano naman kayo nakakasiguro na Mommy nga ng tabachoy na yan ang bagong principal natin?!"

Sigaw sabay turo ng isang girl sa kanila.

"Syempre, kilala kaya namin ang Mommy ni Eunice!"

"At paano nyo naman sya nakilala! Aber!"

"E di nung araw na dinala sa principal's office sila Alicia, diba andun din kami!"

"Dumating ang Mommy ni Eunice kaya nakilala namin sya!"

Galit na galit ang isang boy na nasa likod ng girl na kanina pa nagtatanong.

Sya si Louie at uncle nya ang napatalsik na nag fe feeling Principal na si Dennis.

Walang estudyante na nakakaalam ng nangyari sa principal dahil makalimutan na nila itong ungkatin.

Nangyari kasi iyon nung Friday at dumaan ang weekends kaya nakalimutan na nila. Maliban na lang kung related ka kagaya ni Louie.

Galit na galit si Louie kay Eunice ng malamang nanay nito ang pumalit sa uncle nya.

Bigla nitong nilusob si Eunice at gustong syang saktan.