Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 35 - Anong Ginagawa Mo Dyan?

Chapter 35 - Anong Ginagawa Mo Dyan?

Earlier.

Hindi makapaniwala si Ames sa ginawa ng ama. Nagpadala ito ng maraming pulis sa school at nagkalat sila sa lahat ng sulok ng sa school.

"Haist! Pinasasakit nya ang ulo ko!"

"Ang sabi ko 2 pulis lang ang I request nya, bakit isang batallion ang pinadala nya?!"

"Tyak na dadagsain ang school ng tawag nito!"

Tinawagan nya ang ama.

"Pang, bakit naman po kayo nagpadala dito sa school ng isang batalliong pulis? Tinatakot nyo ang estudyante ko!"

"Paalisin nyo po ito Pang, please!"

"Ikaw na bata ka, pasaway ka talaga! Diba sinabi ko sayo na umuwi ka muna dito sa bahay bago ka magtungo dyan sa school?!"

"Saka anong isang batallion pulis? Dalawa lang ang sinabi ko kay Chief Morales!"

Totoong dalawa lang ang hiniling nya sa chief of police. Pero nagpapa impress si Chief Morales sa ama ni Ames.

Nung pasko, ito kasi ang nag sponsor ng bago nilang sapatos at mahalin pa ang binigay.

Kinausap ni Ames si Chief Morales upang pakiusapan na alisin na ang sandamakmak na pulis sa loob at labas ng school.

"Chief, pasensya na po pero hindi po makapag concentrate ang mga bata!"

"Malapit na po ang exams nila at natatakot sila sa presence ng mga pulis sa school! Kaya pwede po bang alisin nyo na po sila!"

"Yes, Ms. Ames, naintindihan ko po!"

"Salamat po Chief!"

Kaso, ilang minuto na ang lumipas naroon pa rin ang sandamakmak na pulis at nagsisimula ng tumawag ang mga guardian ng mga bata.

Walang nagawa si Ames kung hindi tawagan si Edmund.

"Bunso, kailangan ko ang tulong mo!"

Nagulat si Chief Morales ng tawagan sya ni Major Santiago tungkol sa mga pulis sa school ni Ames.

"Chief Morales, I want all your men out of that school in 5 minutes!"

"Yes, Major!"

Hindi alam ni Chief Morales kung paano nalaman ni Major Santiago ang tungkol dito pero sumunod sya agad.

Wala pang limang minuto, nag alisan na ang mga pulis sa paligid at nagtira na lang sila ng lima.

Ang dalawa ay ang nasa opisina ni Ames, yung dalawa ay nasa principal's office, at iyong pang huli ay kasama ng representative ng DSWD at DECS. Sila ang nag iinterview sa mga Grade 8 students kasama ang guardian o parents nila.

Pagkatapos na ma interview ang isang estudyante, pinapauwi na nila ito.

Pero napansin ni Ames na wala pa ang mga magulang ng mga batang nambully na nasa taas ngayon at kasama si Ms. Maricel.

"Hmmm... mukhang hindi tinawagan ni Dennis ang mga magulang ng bata! Teacher Erica, paki tawagan mo na nga sila!"

Tinawagan naman ni Principal Dennis ang father ng mga bata, pero hindi nito sinabi ang problema. Ni hindi nito sinabi na kailangan nilang magtungo dito sa school agad agad.

Agad na sumunod si Teacher Erica pero ang tinawagan nito ay ang mga nanay ng mga bata.

Nagulat ang mga nanay ng mga nambully lalo na ang step mother ni Alicia.

"Ginawa nya talaga yun?"

"Yes po Mrs. Angheles, at naghain po ng reklamo ang Lolo ng biktima dahil nagka allergic reaction ito na muntik ng ikamatay! Kaya sana po magtungo na kayo dito dahil gusto kayong makausap ng mismong may ari ng school!"

"Okey papunta na ako!"

'Ano bang problema ng batang yon? Hindi na ba sya natatakot sa Daddy nya?'

Tinawagan agad nito ang asawa at sinabi ang problema.

"Paano nangyari iyon? Inareglo ko na yan kahapon pa!"

Sagot ng asawa nya.

"Basta papunta na ko doon sumunod ka na lang!"

Kaya ng umakyat si Ames kasama si Teacher Erica sa opisina ng guidance councilor, ay para sunduin na ang mga bata.

Pero nagulat sila ng biglang tumakbo si Alicia palabas ng pinto.

"Anong gagawin ko?"

Takot na tanong ni Alicia sa sarili.

Hindi sya makakadaan sa harap dahil may naka harang na mga pulis, kaya naghanap sya ng ibang paraan.

Malapit sya sa dulo sa may likod ng school. Sinubukan nya tingnan kung makaalis sya sa kung dito sya dadaan.

Pero ang paraan lang ay tumalon at nasa 3rd floor sya.

Pero pwede syang tumulay sa gilid at magtungo papunta doon sa may nakatambak na buhangin.

Huminga syang malalim.

Agad syang umakyat sa pasamano at dahan dahang itinapak ang paa sa gilid nito para magamit nyang pambalanse.

Unti unti syang gumalaw patungo sa buhangin.

"Sir, may nakita ba kayong bata na dumaan dito?"

Tanong ni Ames sa mga pulis.

"Wala po Mam!"

Sabi ng isa

Pero ang isang pulis ay may napansin na braso ng isang maliit na bata na nakakapit sa pasamano.

"Ayun po Mam!"

Agad silang tumakbo para tingnan kung sinong bata iyon.

"Anong ginagawa mo dyan?"