Si Alicia ay matagal ng naiinis kay Eunice. Simula ng maungusan sya nito sa grades.
Nung Grade 7 pa lang sila, close pa si Alicia at Eunice dahil lagi silang nagkakasama sa mga activities sa school. Pang 5th place sya at pang 10th place naman si Eunice nung first grading period.
Pagdating ng second grading umangat ng isa si Eunice. Nasa 9th place na ito at 5th placer pa rin si Alicia. Pero hindi pa ito naalarma, malaki pa ang agwat nila.
Kaso ng dumating ang 3rd grading tumaas na naman si Eunice. Nasa 8th place na ito at 5th place pa rin sya.
Medyo nakakaramdam na sya ng kaba, palapit na ng palapit si Eunice sa kanya. Buti sana kung umaangat siya pero hindi nanatili ito sa 5th place.
Nagtataka ba sya, nagaaral naman syang mabuti pero bakit hindi sya umaangat.
Dito na nagsimulang magkaton ng gap ang closeness nila. Hindi nya matatanggap na lumapit pa ang grades ni Eunice sa kanya.
Pero pagdating ng 4th grading tumaas muli ang place ni Eunice. Nasa 7th place na ito at 5th pa rin si Alicia.
Aminado syang mas magaling sa kanya sa maraming bagay si Eunice lalo na sa Math.
Sa puntong ito may namumuo ng galit sa kalooban ni Alicia laban kay Eunice. Pakiramdam nya, hinahamon sya nito kahit hindi naman.
Kaya ng matapos ang school year last year, hindi na sila friend ni Alicia.
Ngayon Grade 8 na sila, nagtataka si Eunice bakit sya nilalayuan ng mga ibang friends nya nuon.
Buti na lang dumating si Mel! Isa syang transfer students mula sa Maynila.
Lumipat ang family nila dito dahil nakabili ng bahay ang father nyang OFW dito sa San Miguel.
At mula ng start ng school year pa lang naging close na silang dalawa.
Ngunit si Alicia ay lalong nagngitngit kay Eunice. Nang dumating ang results ng 1st grading, nanatili pa rin sya sa 5th placer habang si Eunice ay umangat sa 6th place.
"Bakit ganito? Bakit pataas ng pataas ang grades nya, samantalang ako ay hindi na naalis sa 5th place?!"
Kinakabahan na sya! Pag umangat ulit sya sa susunod na grading period, tyak na ako ang baba!"
"Ano ang gagawin ko? Tyak na mapapagalitan na naman ako ni Daddy nito!"
Na iistress si Alicia ng hindi nya alam. Pakiramdam nya na pe pressure sya sa sitwasyon. Sa tuwing ibinibigay nya kasi ang grades results nya sa Daddy nya hindi ito natutuwa at madalas sya nitong napapagalitan.
At dumating ang kinatatakutan ni Alicia, ang results ng 2nd grading period. Maluha luha sya ng malaman nyang naungusan na sya ng tuluyan ni Eunice. Si Eunice na ngayon ang nasa 5th place at si Alicia ang nasa 6th place.
Hindi lang sya napagalitan ng Daddy nya napalo pa sya!
"Bwisit ka Eunice! Kasalanan mo ito!"
Pero hindi pa roon natatapos. Pagdating ng results ng 3rd grading period, nasa 4th place na si Eunice at si Alicia ay mas bumaba at naging 7th place ito.
Hindi nya ito matanggap lalo na ang mga palo ng Daddy nya na mas masakit pa sa una. Wala naman syang kasalanan, nagaaral naman syang mabuti.
"Hindi! Hindi maari ito!"
"Siguro may ginagawa sya para tumaas ang mga grades nya!"
Kaya simula noon ay lagi na nitong minamatyagan si Eunice.
Sa tuwing tinitingnan nya ito, nagtataka sya kung bakit kalmado lang si Eunice. Hindi sya na pe pressure.
Ni hindi nga sya gumagamit ng calculator pag so solve ng math problem.
"Paano nya nagagawa iyon?"
Tanong nya sa mga friends nya.
"Hindi kaya meron syang special tutor?"
"Paano mangyayari yun e balita ko mayari daw ng isang cafe ang father nya at teacher naman ang mother nya!"
"Baka yung mother nya na teacher ang nagtuturo sa kanya?"
"Teka, hindi naman teacher ang nabalitaan ko sa Mommy ko. Sabi nya nagtututor lang daw!"
"So paano nga tumataas ang mga grades nya?"
Ang totoong dahilan kaya pataas ng pataas ang grades ni Eunice ay dahil sa pinsan nitong si Kate.
Sya ang nagtuturo dito.
Namana ni Kate ang talino nya sa kanyang ina na si Nadine. Genius din si Nadine nung bata pa ito pero pinigilan sya ng ina na mag compete dahil ito sa Lolo ni Nadine.
Para sa ama ni Nelda, ang lalaki lang ang may karapatan. Kaya ng malaman nyang genius ang anak nyang si Nadine, sinupil nya ito para hindi malaman ng Papang nya.
Kaya sa tuwing tinuturuan ni Kate si Eunice, chi na challenge nya ito. gusto nyang malaman ang level ng IQ ng pinsan.
Kaya kahit anong gawin pagmamatyag ni Alicia, wala syang makitang maling ginagawa ito sa school. Lagi syang prepared.
Hanggang sa ipakilala sya ng pinsan nyang Grade 9 sa isang chatgroup na na ginawa ni Pam ang isa sa galamay ni Miles.