Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 30 - Perfect Angle

Chapter 30 - Perfect Angle

Lumapit ang dalawang security sa secretary at binitbit ito.

"Waaah!"

Ms. Ames! Huwag nyo po akong paalisin! Pakiusap!"

Tumigil ang dalawang security, nagaantay ng iba pang utos.

"Ano pang inaantay nyong dalawa dyan? Ialis nyo na yan sa harapan ko yan at naiirita na ako sa kaka bulahaw nyan!"

"Sabihin mo sa accounting ibigay ang huling sweldo nya sa ginawa nyang pagtanga at paglilinis ng kuko nya!"

Walang nagawa ang secretary na sumisigaw at nagmamakaawa kay Ames, ng bitbitin na sya palabas ng principal's office.

Pagkatapos, tinanong nyang muli ang head ng HR na si Castro.

"Castro, nasaan na si Secretary Kim?"

Tanong nya na hindi nagtataas ng ulo.

"E, Madam, ang sabi po ng nakausap ko sa bahay nila, pumasok daw po sa bago nyang trabaho!"

Napataas ang kilay ni Ames.

'Ano naman kayang bagong trabaho ang tinutukoy ni Secretary Kim?'

Napangisi sa Ames sa kalooban nya.

'Hmm... Mukhang alam na ni Secretary Kim na andito ako!'

"Castro, makinig ka! Wala akong pakialam sa kung ano man ang dahilan mo!"

"Ikaw ang nagtanggal sa kanya kaya ikaw ang gumawa ng paraan para makabalik sya!"

Tiningnan ni Castro ng matalim si Principal Dennis.

'Ang hayup na ito ang totoong nagtanggal kay Secretary Kim para maipalit nya yung bwisit na kabit nya!'

Napansin ni Ames ang mga tinginan ng magkumpare.

"Castro, bibigyan kita ng 24 oras para pabalikin dito si Secretary Kim, kung hindi magpaalam ka na sa trabaho mo! Maliwanag?!"

Namutla si Castro.

'Bakit ako? Hindi ko naman kasalanan na mapaalis sya?'

"Madam, huwag naman po, kailangan ko po ang trabaho ko!"

"Kilala mo ako Castro, hindi ako marunong magbiro!"

"O_Opo Madam!"

At saka ito galit na galit na hinarap ang kumpare nya.

"Kung inaakala mong hindi ko ipaalam ang pinagagawa mo para lang mapaalis si Secretary Kim at si Principal Oddie kay Ms. Ames, nagkakamali ka!"

"Shhh.... pare naman huwag kang maingay! Maya tayo magusap!"

Pabulong nitong sabi kay Castro.

Sa gilid ng mata ni Ames, pinagmamasdan nya lang ang dalawa.

'Akala nyo hindi ko magagawang malaman ang mga sikreto nyo ha?'

'Magantay lang kayo!'

'Sasabog ito sa inyong harapan ng hindi ninyo nalalaman!'

Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan.

"Teacher Erica, pumunta ka dito sa principal's office!"

Nagmamadaling dinismiss ni Teacher Erica ang mga estudyante nya at nagtungo kay Ames.

Kilala nya si Ames, mabait ito basta huwag mo lang gagalitin. At sa tono ng boses nya, halatang nagpipigil ito sa galit.

'Ano kayang nangyari at bakit sya umuwi agad?'

Pagdating sa principal's office, nagtaka ito bakit sira ang pinto.

Tok Tok Tok!

"Teacher Erica, pumasok ka!"

Nilinga ni Teacher Erica ang paligid ng office at nakita nya ang principal at assistant nitong nakatayo sa isang sulok.

"Ms. Ames, hindi ko po alam na nakauwi na kayo?"

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Teacher Erica! Wala akong pasalubong sa'yo!"

Nangiti si Teacher Erica.

"Okey lang po Ms. Ames!"

"Kaya kita pinatawag dahil kailangan ko ang tulong mo!"

"Tungkol po saan Ms. Ames?"

"Naiwan kasi ang assistant kong si Philip sa Australia at pinalayas naman nila si Secretary Kim, kaya kung pwede sana ikaw munang pumalit sa kanya hanggat hindi nakakabalik si Secretary Kim!"

"Sige po, wala pong problema! Ano po bang ipapagawa nyo?"

"Tumawag ka agad ng maintenance para ayusin ang pinto!"

"Tapos ay ibukod mo ang mga Grade 8 students na nambully kay Jeremy at dalhin mo sa office ko!"

Naalarma si Principal Dennis.

"Ms. Ames, yung tungkol sa bullying, naayos ko na po yun! Kinausap ko na po ang family nila!"

Pero parang walang naririnig si Ames.

*****

Samantala sa chatroom ng grupo ni Miles.

Miles: "Nabo bored na ako! Na mi miss ko na si Jeremy!"

Brenda: "Kahit nga sa fb nya wala ring paramdam!"

Lena; "Paano kung ayain ni Jeremy si Eunice sa prom night?"

Umuusok ang mga tenga ni Miles sa galit.

Miles: "Hindi ako makakapayag!"

Pam: "Girls, girls, girls! May solution na akong naisip para maipakita natin sa mga students na inaya ni Jeremy si Miles sa prom night!"

Miles: "Pero paano?! Paano ako aayain ni Jeremy?!"

"Alam nyong hindi ako pinapansin ni Jeremy na parang mayroon akong nakakahawang sakit!"

Pam: "Hindi ka nya kailangang ayain! Ang kailangan lang natin ay PERFECT ANGLE!"

Brenda: "Ibig mo bang sabihin ieedit natin yung pic?"

Lena: "OMG!!!"