Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 31 - Ikaw Ang Humarap Sa Mga Pulis!

Chapter 31 - Ikaw Ang Humarap Sa Mga Pulis!

"Oh, Jeremy my friend, anyare, kala ko susundan mo si Sissy ko?'

Tanong ni Mel sa kanya.

"Hindi ko na naabutan e!"

Sabay kamot sa ulo ni Jeremy.

"Hindi mo naabutan o nakita ka at hinarang ni Ninong?"

Tanong ni Kate.

"E... Hehe, ganun na nga!"

"Ang higpit pala ng Daddy ni Sister!"

"Di naman, mas mahigpit pa nga ang Daddy ko sa kanya!"

"So, anong gagawin natin ngayon?"

Tanong ni Mel.

"Uuwi na si Jhay!"

Napaisip si Jeremy. Ayaw pa talaga nyang umuwi pero ...

"Siguro nga mas mabuting mauna na ko!"

"Teka, teka, Jeremy my friend, di mo ba aantayin na bumaba si Sissy?"

Syempre gusto ni Jeremy na mag stay pero tingin nya hindi ito baba hanggat nanduon sya, kaya nagpaalam na ito sa dalawa.

Pag pasok ni Nicole sa silid ni Eunice, nakahiga ito sa kama at nakatalukbong ng kumot.

Nilapitan nito ang anak.

"Eunice si Mommy 'to, ano ba ang nangyari? Ba't bigla kang umalis at iniwan mo sila?"

Hindi umimik si Eunice.

Hindi nya masabi sa Mommy nya ang tunay na dahilan.

"Si Jeremy ba?"

Lalo itong nagsumiksik sa ilalim ng kumot.

"Bakit anong ginawa sayo ng mokong na yun?"

Tanong ni Edmund. Sumunod pala ito sa asawa ng umakyat.

"Mom, Dad, please po, iwan nyo muna ako!"

"Pwes kung ayaw nyang magsalita dyan si Jeremy ang pipilitin kong magsalita!"

At humakbang na ito palayo.

Nataranta si Eunice at biglang nagalis ng talukbong.

"Mommy pigilan nyo po si Daddy, baka anong gawin nun kay Jeremy!"

Pero nakailang hakbang palang si Edmund ng madinig nilang magsalita ito.

Nakasalubong kasi ni Edmund sila Kate at Mel.

"Asan si Jeremy?"

Tanong nya sa dalawa.

"Umuwi na po?"

Pero bumaba pa rin si Edmund, naniniguro.

Ang dalawa naman ay tumuloy sa silid ni Eunice.

"Eunie, umuwi na si Jhay!"

"Kate ano ba nangyari?"

"Wala po Ninang biniro ko lang po itong si Eunie!"

Tiningnan nya ang pamangkin na may halong pagdududa. Simula pa pagkabata, madalas sabihin sa kanya ni Nadine na magkaugali sila nito. Kaya ngayon hindi nya maiwasan magduda sa sinabi ng batang ito.

"Okey Ninang sasabihin ko na po!"

"Hinahanap po kasi sa akin ni Eunie ang pasalubong nya, sabi ko ibibigay ko ang pasalubong nya kung.... ikukwento nya sa akin kung bakit ka nyo sya napalo!"

"Tapos ayun, bigla na lang syang namutla tapos namula na pati dalwang tenga nya kitang kita ang pamumula!"

"aaaaah Ate naman e! Mommy si Ate iniinis ako!"

"Hahaha!"

'Jusmiyo itong mga batang ito, akala ko kung ano na!'

"Tama na yang biruan ninyo at baka san pa mauwi yan! Lalo ka na Kate!"

"Opo Ninang!"

*****

Sa school.

Nang mapansin ni Principal Dennis na hindi nag react si Ames sa sinabi nyang nakausap na nya ang mga magulang ng mga bata at naayos na nya ito, dahan dahan syang lumapit at umupo sa isa sa mga silya na malapit kay Ames.

"Ms. Ames, katunayan po nyan ito pong parents ng mga bata ay willing na mag donate para sa bago nating lab equipment!"

Buong ngiti nitong sabi.

Nang madinig ito ni Ames, agad syang nagangat ng ulo at tiningnan ang principal na nakangiti.

Nginitian nya rin ito.

Sa isip ng principal.

'Sabi ko na mahuhuli ko din ang kiliti ng malditang babaeng ito e!'

"Ang ibig mong sabihin nakipagkasundo ka na sa mga parents nila para hindi na masuspindi ang mga bata?"

"Yes po Ms. Ames! Anything I will do for the sake of the school!"

"Good! Good!"

Tuwang tuwa si Principal Dennis ng madinig na sumasangayon ito.

Kinikilig pa ito sa tuwang.

Pati ang assistant nya na nasa sulok pa rin ay nahimasmasan ng makitang okey na pero....

"Since your doing this for the school, bakit hindi ikaw ang humarap sa mga pulis?"

Naguluhan si Principal Dennis.

"Pu..pulis?"

"Yes, pulis!"

"Ba.. ba.. bakit...po may pulis?"

"Dahil nag de demand ang Lolo ni Jeremy na dapat maparusahan ang sino mang involve kung bakit muntik ng mamatay ang apo nya!"

Nanlaki ang mata nilang lahat sa narinig.

'Anong namatay? Bakit namatay?!'

Sabi ng isip ng assistant ng principal.

'Paano mamamatay si Jeremy e kausap ko lang sya kahapon at okey pa sya?!'

Sigaw ng isip ng principal.

Tanging si Erica lang ang naglakas ng loob magsalita.

"Ms. Ames, kamusta na po si Jeremy ngayon, may balita na po ba kayo?"

"Hindi ko pa alam! Hindi pa ako umuuwi!"

"Ano po bang sabi ng Lolo ni Jeremy?"

"Idedemanda daw nya ang school"