Chereads / My Beautiful ... Me / Chapter 28 - Anong Ibig Mong Sabihin

Chapter 28 - Anong Ibig Mong Sabihin

"Kasi, kami na!"

Nabulununan si Mel ng madinig ang sinabi ni Kate.

cough. cough. cough.

"Ano..(cough) ... pakiulit nga ang sinabi mo?"

Umuubo pa rin ito habang hinahampas ng marahan ni Eunice ang likod nya.

"Ano ba Besh! Uminom ka nga muna Besh bago ka magsalita!"

Nang mahimasmasan si Mel muli nitong hinarap si Kate at tinanong.

"Pwede mo bang ulitin ang sinasabi mo at dahan dahanin mo! Please! Mahina ang heart ko!"

"Sabi. Ko. Kami. Na!"

Tininingnan nya si Jeremy tapos si Kate. Tapos si Jeremy tapos si Kate. Tapos si Eunice.

Nagtaka sya bakit hindi man lang nagre react ang kaibigan.

'Pero imposibleng hindi sya apektado! Matapos nyang magpropose?'

"Sissy nadinig mo ba ang sinabi nya, hindi ka man lang ba affected?"

Hindi totoong hindi sya apektado pero kilala nya si Kate. Alam nya kung paano magisip ito. Kaya kailangan nyang malaman muna ang buong kwento bago sya mag react. Pero bago yan, kailangan muna nyang sabihin kay Mel kung sino si Kate sa buhay nya.

"Besh listen! Ate ko si Ate Kate! Cousin ko sya!"

Mel: "HUH?!!!"

"SERIOUSLY?!"

Walang nakakaalam sa school na magpinsan sila. Pero ngayong magkatabi ang dalawa, napapansin nga nyang may hawig nga sila.

"Magkapatid ang Mommy ko at Mommy nya!"

Paliwanag ni Eunice.

Si Kate ay ang bunsong anak ng Auntie Nadine ni Eunice. Natural na palabiro ito at straight to the point magsalita.

"At Ninong nya ang Daddy ko!"

"Hello Mr. Carmello de Guzman Jr.!"

Bati ni Kate sa kanya, sabay taas ng kamay nito upang makipag kamay.

Kumunot ang noo ni Mel.

'A_anong sabi nya? Jusmiyo!'

"Sister Kate naman! Utang na loob! Mel na lang po! Huwag mo ng buuin, please!"

"Saka, pwede ba tanggalin mo na yung Mr., kinikilabutan ako e!"

"eeeewe!!!"

"Hahaha! Gusto ko sya!"

Sabi ni Kate kay Eunice.

"Mel my friend, ganito talaga si Kate! Masanay ka na!"

"Close din kayo?"

"Yes, Mel my friend! Close friend ang FAM namin!"

Mel: "Aaahhh!"

"E, Sister Kate pwede bang maging friend mo?"

"Oo naman Carmello de Guzman Jr!"

"Waaaah!!!!"

"Maloloka ako sa kanya!"

'Nakausap naman ako ng maayos sa kanya ah!'

Tawa lang tawa si Kate sa kanya.

Naalala ni Eunice ang sinabi nito kanina.

"Ate Kate, ano ba ang ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?"

"Eto kasing si Jhay, nagpunta dito para hingin ang permiso nila Ninong at Ninang para payagan kang maging prom date nya! Kaya sinamahan ko!"

Namilog ang mata ni Eunice at Mel ng marinig ito.

'Yes!'

'Yes!'

Nangiti si Kate sa itsura nilang dalawa na namimilog ang mga mata. Parang mga batang bibigyan mo ng candy.

"Kaya lang .... hindi pumayag si Ninong Edmund!"

Mel: "???!!!"

Eunice: "HAAAA!!!!"

"Ang sabi ni Ninong Edmund:

"Ehem!"

"Anong prom date ka dyan?! Hindi pa pwedeng mag date si Eunice! Baby pa sya!"

Pinababa nya ang boses nya upang maging kasing tunog ng Ninong Edmund nya.

Napakagat labi si Eunice ng madinig ito.

'Waaaahhh! Sayang!'

'Si Daddy naman kasi e!'

Si Mel, hindi na maintindihan ang nangyayari.

'Anong pinagsasabi ng Daddy ni Sister na baby? Baka baby fats pwede pa!'

Nagpatuloy si Kate. Dahan dahan talaga ito mag kwento. Humhinto kada isang sentence para makita nya ang reaksyon ng dalawa.

"Nanghinayang ako sa offer ni Jhay kaya nagprisinta na ako!"

'Ganun? Ganun lang yon?'

"Teka Sister Kate! Wait a minute! Pumayag naman ba si Jeremy?"

Tininingnan nya si Jeremy.

"Hindi pa! Pero wala naman syang choice e! Diba Jhay!"

Napakamot sa ulo si Jeremy.

Mukha ngang wala syang choice.

"Ano pa nga bang magagawa ko!"

Napa buntunghininga si Eunice. May katwiran sila. Kesa naman mapunta sya kay Miles o kung sino man, mas mabuting sa Ate Kate na lang nya.

"Teka! Kung andito ka na, ibig sabihin andito na rin si Tita Ames?"

Tanong ni Jeremy.

"Oo! Pero dumiretso sya sa school, may kailangan daw syang linisin!"

"Nagkalat daw ang mga insekto!"

Eunice: "...."

Mel: "...."

Jeremy: "...."

"Ate Kate, nasaan na ang pasalubong ko?"

"Pasalubong?"

Eunice: (tango, tango, tango)

"Ibibigay ko ang pasalubong mo kung...."

".... iku kwento mo muna kung bakit ka napalo ni Ninang Nicole nung isang araw?"

Hindi pa ito nagbukas ng fb kaya wala pa syang alam sa mga nangyayari.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Eunice. Nagtakip ito ng mukha. Hiyang hiya dahil nanduon si Jeremy.

Saka tumayo at biglang tumakbo palayo sa kanila.