Chereads / The Demon's Heart / Chapter 7 - "Another encounter"

Chapter 7 - "Another encounter"

Chapter 7. "Another encounter"

Aria keep on massaging her chest while at work. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang hindi makahinga kanina. Aria also feels a strange aura from Ethriel. That guy pissed her off earlier and now he is making her sick. She tried to calm herself and focus on her work.

Pasado alas-diyes na ng gabi nang matapos siyang maglinis at mag-ayos ng store. Her manager let her out earlier because of she thinks heartburn. Nahilig din kasi siyang uminom ng kape nitong mga nakaraang araw because of her examinations.

Nagpaalam na si Aria na uuwi na. Mabuti na lamang at kakaunti na lamang ang mga tao at hindi na niya kailangan pang makipasiksikan at maghabol ng sasakyan pauwi. Pagsakay niya sa jeep, dala ng pagod ay naka-idlip siya.

Nagising si Aria dahil sa malakas na pagtalon ng jeep nang dumaan ito sa isang humps. Mag-isa na lamang siya sa loob ng jeep. Agad niyang nilibot ng tingin ang labas ng jeep para malaman kung nasaang lugar na siya. Hindi pa naman siya nakakalagpas sa kanyang bababaan ngunit nagtaka siya nang pagtingin niya sa salamin sa unahan ng driver ay nakatitig ito sa kanya. That strange stare from the jeepney driver creep her out. Iniwas niya ang tingin sa salamin at tinuon na lang ang atensyon sa labas.

Nang malapit na siya sa bababaan, agad siyang nagpara at hininto naman agad ito ng driver. Naglakad siya ng mabilis pagbaba ng jeep ngunit ramdam ni Aria ang pagsunod ng driver sa kanya. Tahimik na at wala nang tao sa kalye papunta sa kanyang apartment. Binilisan niya ang takbo na siyang ring bilis ng habol sa kanya ng nakakatakot na lalaki.

Pagliko niya sa iskinita ng kanilang lugar ay nagulat siya sa pagsulpot ng driver sa harap niya. She is out of option but to fight the man. Marunong man sa larangan ng taekwondo, hindi maalis sa dibdib ni Aria ang kaba at takot. She was about to counter the attack from the man when a guy came in and punch the man down. Tiningnan ni Aria ang lalaking sumapak sa lalaking humahabol sa kanya.

"Ikaw?" bulalas niya nang makita ang kinaiinisan niyang lalaki. Hingal na hingal si Ethriel sa ginawang pagsapak.

"Ang bilis mo naman tumakbo, kabayo ka ba?" inis na bulalas ni Ethriel.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Aria saka tingin aa plastic na hawak ni Ethriel.

"Nagugutom ako, ewan ko ba sa inyong mga tao. Bakit kailangan niyong kumain nang kumain?" angal ni Ethriel na pinagtaka ni Aria ngunit hindi na niya ito pinansin pa.

"Salamat." aniya. Tiningnan naman siya ni Ethriel saka ito ngumiti sa kanya.

Nang makita nilang tatayo na ang lalaki, hinawakan ni Ethriel si Aria sa braso saka hinila patakbo pauwi sa kanilang apartment. Nabigla at nanlaki ang mga mata ni Aria sa ginawa ni Ethriel. For some reason, the heartburn she feels on her chest delivered a confusing feels to her heart. She feels the warmth of Ethriel hands as he is grabbing her wrist.

Nang makarating sa tapat ng apartment agad na hinila ni Aria ang kamay sa pagkakahawak ni Ethriel. Nabigla naman si Ethriel at nadismaya sa inasal ni Aria.

"Ang arte mo, ikaw na ngang niligtas." dismayadong sabi ni Ethriel. Napasinghap si Aria sa sinabi ng binata.

"Sinabi ko bang tulungan mo ako? Kung tutuusin kaya kong bugbugin yung lalaking yon, dumating dating ka pa!" bulyaw niya kay Ethriel. Bakas sa mukha ni Ethriel ang inis at panghihinayang sa pagtulong na ginawa sa dalaga.

"Ganyan ba ang mga tao? Tinulungan na nga sila pa ang galit!" ganti ni Ethriel kay Aria. Inirapan lang siya ni Aria at nauna nang umakyat sa kanyang apartment.

Muling sinundan ng tingin ni Ethriel si Aria habang paakyat ito sa kayang apartment at saka tiningnan ang kanyang kamay na biglang naglakas ng maliit na kislap ng apoy.

Pagpasok ni Ethriel sa kanilang apartment. Naabutan niya si Alciel na nakahiga at nakahandusay sa sahig. Agad na nag-panic si Ethriel at nilapitan si Alciel saka inalog alog ito at ginigising.

"Alciel! Anong nangyari, Alciel!" sigaw niya.

Dumilat naman si Alciel at pupungas-pungas na naupo sa sahig.

"Sir, ano 'yon?" tanong ni Alciel na pinagtaka niya.

"Alciel! May nakalaban ka ba! Bakit ka namatay!" nag-aalalang sigaw ni Ethriel at nilibot ng tingin ang buonh apartment.

Nagtaka si Alciel sa sinasabi ni Ethriel kaya natawa ito ng malakas. Ethriel didn't know that he is sleeping. The demons never sleep. He never tried it before. Nagtaka si Ethriel sa reaksyon ng kasama.

"Sir, tulog ang tawag doon. Ang katawan ng tao ay kailangan ng tulog, ng pahinga. Tulad ng nararamdaman mong gutom, normal lang sa mga tao ang matulog." paliwanag ni Alciel.

Hindi pa rin lubos na maunawaan ni Ethriel ang mga bagay bagay bilang isang tao. Napabuntong-hininga siya.

"Mas mahirap pala ang buhay na to kesa sa inaasahan ko." iyon na lamang ang nasabi niya ng mabilis siyang mapalingon kay Alciel nang maalala niya ang nangyari habang pauwi siya. "Alciel, may kakaiba akong nararamdaman sa babaeng nasa dulong kwarto." seryosong sabi ni Ethriel sa kasama.

Malakas namang sumigaw si Alciel na may nakakadiring tono at ekspresyon sa kanyang mukha.

"Hindi ko akalain na mangyayari ito, Sir!" sigaw niya saka tapat ng kanyang tainga sa kaliwang dibdib ni Ethriel at pinakinggan ang tibok ng puso nito.

Nagtaka naman si Ethriel sa ginawa ni Alciel at saka ito tinulak palayo sa kanya.

"Tang ina anong ginagawa mo?!" sigaw niya.

Hinawakan naman siya ni Alciel sa magkabilang balikat.

"Sir, marami na akong nasaksihang ganyan noong nanatili ako rito sa mundo ng mga mortal. Umiibig ka ba sa babaeng nasa dulong kwarto?"

Nakatikim ng malakas na batok sa ulo si Alciel sa sinabi.

"Bobo! Hindi ko alam ang sinasabi mo! May kinalaman ang sinasabi ko sa kapangyarihan natin!" sigaw niya kay Alciel na napagtanto naman nito agad. Naging seryoso ang dalawa. Tinaas ni Ethriel ang kamay sa harap ni Alciel at nagpakawala ng isang maliit na apoy. Nabigla si Alciel sa nakita. "Noong hinawakan ko ang babaenh yon kanina, biglang lumakas ang mahika ko." ani Ethriel. "At noong aalis siya kanina hahawakan ko sana siya ngunit kakaibang mahika ang naramdaman ko sa babaeng 'yon"

"Baka isa siyang anghel?" sabat ni Alciel. Labis na naguluhan ang dalawa sa mga nalaman.

"Basta kailangan nating matyagan ang babaeng yon." seryosong sabi ni Ethriel.