Chereads / The Demon's Heart / Chapter 9 - "Black feather"

Chapter 9 - "Black feather"

Chapter 9. "Black feather"

"Nasaan na kaya ang kadiring babaeng 'yon? Ugh! Nakakainis puno pa ng mga nakakadiring babae ang lugar na ito!" maktol ni Ethriel habang nakapamulsa at naglalakad sa hallway ng kanilang building. Kanina pa niya hinahanap si Aria dahil gaya ng napagusapan nila ni Alciel ay dapat hindi mawala sa pangingin niya si Aria.

Paliko na siya sa hallway pababa ng hagdan nang mayroon siyang makabangga. Pagtingin niya, si Aria ito. Nagkatinginan ang dalawa at napansin agad ni Ethriel ang takot sa mukha ni Aria. Hingal na hingal si Aria habang tagaktak ang pawis sa ginawang pagtakbo pababa ng rooftop. Nang makita niya si Ethriel, kumalma ang dibdib niya at inayos ang tayo. Tinanong ni Ethriel na nagtataka sa nakitang hitsura Aria kung ayos lang ba ito.

"Ayos lang ako." mahinang sagot ni Aria ngunit bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo dahilan para matumba siya na agad namang nasalo ni Ethriel.

Nang tingnan ni Ethriel ang dibdib ni Aria habang wala itong malay, bakas roon ang gusot na blouse nito na tila may kung sinong gumawa. Labis na nagtaka si Ethriel sa nakita dali-daling dinala si Aria sa infirmary.

Nagising si Aria na may kaunting hilo at panghihiba pa ring nararamdaman. Tulala siya sa kisama at inalala ang mga nangyari sa rooftop kanina. Hindi niya mapigilang matakot sa mga nakita at muling inalala ang mga nangyari.

"Kukunin ko na sayo ang heaven's heart." rinig niyang sabi ng lalaki kasabay noon ang biglang pagdilim ng paligid at paghinto ng oras.

Ito ang tinatawag na "Tempus Congelo", isang mahika na ginagamit ng mga anghel at demonyo sa tuwing sila ay magkakaroon ng pagtutuos sa mundo ng mga mortal. Pinapahinto nito ang oras at gumagawa ng isang dimension sa lugar na iyong upang maiwasan ang pakasira ng mundo ng mga mortal. Sa loob ng "Tempus Congelo" masira man ang mundo ay kaya nilang ibalik ito sa dati gamit ang kanilang mahika bago nila alisin ang spell upang bumalik sa kasalukuyan nitong panahon.

Napalayo si Aria sa lalaki at nilibot ng tingin ang buong paligid. Nang tingnan niya ang lalaki, kakaibang takot ang labis na naramdaman niya nang makita ang mata ng lalaki na nagkulay itim lahat. Kasabay noon ay naglabas ito ng isang scythe-isang mahabang sandata na may pakurbang patalim sa dulo.

Dali-daling tumakbo si Aria patungo sa pinto ng rooftop ngunit humarang agad roon ang lalaki. Hingal na hingal siya at nanginginig sa takot habang kaharap ang lalaki.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" sigaw niya sa lalaki saka napaupo dahil sa panginginig ng kanyang tuhod. Hindi nagsalita ang lalaki at bumiwelo lamang ito gamit ang kanyang sandata upang atakihin si Aria.

Kitang-kita ni Aria ang papalapit na patalim sa kanyang nang mapapikit siya. Kakaibang liwanag na kulay ginto ang bumalot sa kanyang buong katawan na nagmistulang panangga sa sandata ng lalaki. Napamulat siya sa pag-aakalang nasaktan siya ngunit sobra siyang namangha at naguluhan sa nakitang pagliliwanag sa kanyang buong katawan.

"Ugh! Naglagay ng mahika ang anghel na iyon!" rinig niyang inis na sabi ng lalaki saka nito iwinasiwas ang sandata at bigla na lang naglaho. "Kukunin ko na lang ito gamit ang aking mga kamay."

Napauronh si Aria habang nakaupo sa sahig ng rooftop. Dahan-dahang naglakad papalapit sa kanya ang lalaki. Mas natakot pa si Aria nang biglang umapoy ang mga kamay nito, isang kulay itim na apoy.

Nang makalapit ang lalaki sa harap ni Aria ay bigla nitong dinukot ang kanyang dibdib dahilan para makaramdam siya ng labis na sakit at pagkahirap sa paghinga. Malakas na pasigaw si Aria at lumuha sa naramdaman. Ngunit isang malakas na enerhiya at liwanag ang lumabas sa kanyang dibdib na nagpagtalsik sa lalaki palayo. Nakita rin niya kung paano nasaktan ang lalaki sa nangyari. Nasunog ang kamay nito.

Hingal na hingal si Aria at nanghihina dahil sa nangyari. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa labis na sakit na naramdaman.

"Babalikan kita, heaven's heart." ani lalaki na bigla na lamang naglaho kasabay ng pagbalik ng buong paligid sa normal.

Hingal na hingal pa rin si Aria at pawis na pawis habang hindi makapaniwala sa mga nangyari.

"Hoy! Ayos ka lang?" napabalikwas si Aria saka napatingin sa katabi na hindi niya namalayan na naroroon pala. Napahawak si Aria sa kanyang dibdib. Napatitig lang din siya kay Ethriel habang bakas pa rin ang takot sa kanyang mukha.

Natulala si Ethriel sa mga kinikilos ni Aria. Nagtataka rin siya sa kinikilos nito. Sa hindi malamang dahilan, niyakap niya ang babae.

"Huwag ka nang matakot." sabi nito na kinabigla naman ni Aria.

Malakas na naitulak ni Aria si Ethriel. Nagtaka si Ethriel sa ginawa ni Aria.

"Iwan mo na ako." walang emosyong sabi ni Aria saka iniwas ang tingin kay Ethriel.

Natahimik si Ethriel at saka tumayo at hindi na nagsalita pang lumabas ng infirmary.

Habang naglalakad si Ethriel pabalik sa kanilang classroom. Napapaisip siya sa naramdaman nang makita ang takot na mukha ni Aria kanina. At kung bakit niya rin ito niyakap. Habang naglalakad ay napatingin siya sa kanyang kamay. Madaming mahika ang nakuha niya ngayon galing kay Aria. Hindi pa rin niya lubos maunawaan kung bakit nakakakuha siya ng mahika kay Aria sa tuwing mahahawakan niya ito.

Pabalik na sana siya sa kanilang classroom nang mapahinto siya nang isang itim na balahibo ang bumagsak galing sa himpapawid at nahulog sa harap niya. Nanlaki ang mga mata ni Ethriel sa nakita.

"Isang demonyo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid kung mayroon bang iba pang demonyo ang nasa paligid ngunit wala siyang makita.

Isang subject na lamang bago magtapos ang araw na iyon para sa kanilang klase nang bumalik si Aria sa kanilang classroom. Agad na napatingin si Ethriel kay Aria para tingnan ang kalagayan nito ngunit seryoso lang ang mukha ni Aria ngunit mapapansin pa rin ang takot at pagkabalisa sa mukha ng dalaga.

Hindi maalis sa isip ni Ethriel ang mga nangyari. Si Aria, ang mukha ni Aria, ang pagyakap niya kay Aria at mas lalo na ang itim na balahibong nakita niya.

Nang matapos ang klase, nagsiuwian na ang lahat ng mga kaklase nila. Palubog na ang araw at naghahalo na ang kadiliman at ang kulay kahel na sinag ng araw. Tumayo na si Aria para umuwi nang lapitan siya ni Ethriel.

"Sabay na tayong umuwi." prisinta niya sa babae. Tiningnan lang siya ni Aria ng tahimik at tumango tango ito sa kanya.

Naglakad na sila palabas ng kanilang building. Tahimik lang silang dalawa. Ngunit nang makarating sila sa quadrangle ng kanilang school. Biglang tumigil ang oras na kinabigla ni Ethriel.

"Tempus congelo?" nagtatakang tanong niya. Ngunit ang mas pinagtaka niya ay nang makita niya si Aria na nakakagalaw sa loob ng dimension. "Ikaw?" hindi makapaniwalang sambit niya nang magkatinginan sila ni Aria.