Chapter 12. "I will protect you"
Dumaan ang ilang araw ngunit hindi pa rin pinapansin ni Ethriel si Aria. Wala rin namang kakaibang nangyari at naging payapa ang mga araw na nagdaan. Panay naman ang sunod niya sa babae kahit saan ito magpunta ngunit kung hindi sampal, sipa naman o kaya suntok ang nakukuha niya kay Aria.
"Bakit ba ang init ng dugo ng babaeng yon sakin? Hindi ba niya alam na niligtas ko siya kay Draven noong araw na yon. Hays mga tao nga naman walang utang na loob!" maktol niya habang nakapamulsa at naglalakad papunta sa cafeteria. Isa pa sa kinaiinisan niya ay ang tagal namang humanap ni Alciel ng counter spell sa spell barrier sa orb.
Pagpasok niya sa cafeteria, may isang babaeng hindi niya kilala ang lumapit sa kanya. Nagtataka niyang tiningnan ang babae habang bakas naman ang hiya at kilig sa kaharap na babae. Ethriel felt a disgust seeing that expression with a girl in front of her.
"Ethriel, para sayo." ani babae saka abot ng isang piraso ng papel. Kinuha naman ito ni Ethriel. Pagkakuha niya ay kumaripas ng takbo ang babae palabas ng cafeteria.
Nagtataka naman niyang tiningnan ang papel na hawak. "Ano 'to?" tanong niya.
Sakto namang nakita niya si Aria kasama ang kaibigang si Millie sa pila ng counter sa cafeteria. Nilapitan niya si Aria na agad naman siyang nakita.
"Aria pwedeng makita share sa inyo ng table?" masiglang tanong ni Ethriel. Naniningkit naman ang mata ni Aria na tiningnan siya.
"Hindi." maikli at inis na sagot ito saka siya inirapan.
"Bakit ba ang sungit no sa akin? Alam mo bang muntik pa akong mapahamak sayo tapos ganyan ka sa akin?" malakas na sigaw ni Ethriel na umalingawngaw sa buong cafeteria. Nanlaki naman ang mga mata ni Aria at agad na tinakpan ang bibig ni Ethriel at hinila siya palabas ng cafeteria.
Dinala niya sa school garden nila si Ethriel. Binitawan niya ito at saka sinugod ng suntok ngunit nasangga ng kamay ito ni Ethriel.
"Sawa na akong tanggapin ang mga suntok mo ah" ani Ethriel.
"Bitawan mo ako!" sigaw ni Aria. Binitawan naman siya ni Ethriel nang may biglang kunin si Aria sa kanyang bulsa at tinapat sa mukha ni Ethriel. Nang tingnan ni Ethriel, isang krus na yari sa metal.
"Ano yan?" nagtatakang tanong niya kay Aria.
"Hindi ka natatakot?" tanong ni Aria.
"Hindi, ano ba yan?"
"Krus! Demonyo ka di ba?" Bulalas ni Aria. Malakas naman na tumawa si Ethriel sa sinabi ni Aria.
"Nakakainsulto ka naman Aria, ako na si Ethriel? Isa sa mga demon chief na may ikatlong ranggo matatakot sa bagay na yan? Nagpapatawa ka ba?" humahagalpak na sabi ni Ethriel. Inalis naman ni Aria at tinago ang ang krus sa bulsa.
"Bakit ka ba sunod nang sunod sa akin?" tanong ni Aria.
"Kailangan kitang bantayan. Maaring may sumulpot na namang demonyo o anghel ang umatake sayo at kunin anh orb na nasayo." paliwanag ni Ethriel.
"Kaya ko ang sarili ko." ani Aria.
"Bakit magagawa mo ba to?" ani Ethriel saka labas ng apoy sa kanyang apoy. "Dito lang naman takot at matatalo ang demonyo."
Napaisip si Aria at taimtim na tiningnan si Ethriel. Hindi niya alam kung dapat niya bang pagkatiwalaan si Ethriel gayong alam niyang demonyo rin ito.
"Kukunin mo rin ba ang orb na nasa puso ko?" tanong ni Aria na nagpatahimik kay Ethriel. Kasabay noon ay ang mabilis na pagtibok niya habang nakatitig sa mga mata ni Aria. Tumagal pa ang pagtitig niya rito mula mata pababa ng ilong hanggang sa mga labi ni Aria. Mariin niyang ipinikit ang mata at yumuko paiwas sa mga titig ni Aria. Tinalikuran niya si Aria at hindi sinagot ang tanong nito. Nakapamulsa siyang naglakad palayo kay Aria.
Matapos ang lunch break nila nagtaka si Aria nang hindi pa bumabalik si Ethriel sa kanilang classroom. Hindi naman na niya ito pinansin at mas pabor iyon sa kanya dahil walang asungot sa kanyang tabi.
Natapos na rin ang kanilang klase ngunit hindi na bumalik pa si Ethriel simula noong lunch break nila. Napatingin si Aria sa upuan ni Ethriel kung nasaan ang mga gamit nito. Bigla namang dumating ang kanilang homeroom teacher.
"Aria, hindi ba same lang kayo ng apartment building ni Ethriel?" tanong ng kanyang teacher.
"Opo Ma'am." sagot niya.
"Mabuti naman, pakihatid na lang sa kanila iyang bag niya." utos ng kanyang teacher. Ayaw mang gawin ni Aria ay wala na siyang nagawa kundi kunin at ihatid na lang ang gamit ni Ethriel sa kanila.
Iniwan naman siya ni Millie kaya wala siyang kasabay pauwi. Naglakad na siya pauwi bitbit ang bag ni Ethriel. Pagdating sa apartment nila, napahinto siya nang nasa tapat na siya ng pinto ng bahay nila Ethriel. Sumilip siya sa peephole ng pinto ngunit wala siyang maaninag sa loob kundi kadiliman.
"Walang tao?" aniya sa sarili. "Nasaan naman kaya--" napahinto siya nang may marinig sa loob na umuubo. "Ethriel?" sambit niya sabay hawak sa doorknob at nabigla siya nang nakabukas ang pinto.
Pumasok siya sa madilim na apartment at mas lalo pa niyang narinig ang malakas na pag-ubo. Nang makarating siya sa sala. Nakita niya si Ethriel doon na nakahiga sa sofa at balot na balot ng kumot. Panay ang ubo at hingal na hingal ito. Pinagmasdan ni Aria si Ethriel at napaisip.
Demonyo ba talaga siya?
Nilapag niya ang bag ni Ethriel sa kabilang sofa at nilapitan ang lalaki. Hinawakan niya ito sa noo nang biglang mapamulat si Ethriel at nabigla nang makita si Aria.
"Aria?" sambit ni Ethriel habang ramdam ang palad ni Aria na nasa kanyang noo.
"Ang taas ng lagnat mo!" inis na sabi ni Aria. Tumayo ito at binuksan ang ilaw. "Sandali, diyan ka lang kukuha ako ng gamot sa bahay."
Dali-daling tumakbo si Aria sa kanyang bahay. Ngunit pag pasok niya natigilan siya nang makita ang isang pamilyar na lalaki sa kanyang bahay. Masamang tiningnan siya nito at saka mabilis na nilapitan at saka labas ng scythe.
Napapikit si Aria ngunit hindi tumama ang sandata sa kanya. Pagmulat ng kanyang mata, nabalot siya ng kakaibang takot, nanlaki ang mga mata at nanginig nang makita si Ethriel na nasa harap niya habang duguan ang dibdib nito.