Chapter 18. "The Twin Demons"
Mabilis na tumakbo si Ethriel at iniwan ang laro sa court. Rinig na rinig niya ang sigaw ni Aria na tila nasa panganib. Paglabas ng school tanaw niya agad ang tempus congelo sa hindi kalayuan.
"Sino naman ngayon?" nagtataka niyang tanong nang mapaisip kung sino naman ang narito sa mundo ng mga mortal at kung anghel ba ito o demonyo.
Habang tumatakbo at naglabas ng maliit na apoy si Ethriel sa kanyang hintuturo upang makausap si Aria.
"Aria!" sigaw niya habang tumatakbo.
Bigla namang nagliwanag ang kung anong bagay na nasa bag ni Aria. Napahinto rin ang kambal sa pagsugod nang makita ang liwanag na nanggagaling sa bag ni Aria. Dali-daling tiningnan ni Aria ang bagay na ito sa kanyang bag at laking gulat niya nang makita ang kwintas na parte ng sungay ni Ethriel na nagliliwanag at doon ay narinig niya ang boses ni Ethriel.
"Aria! Sumagot ka!" rinig niyang sigaw ni Ethriel. Kinuha niya ang kwintas.
"Ethriel, tulong..." nanginginig ang boses.
"Papunta na ako. Sino ang nasa harap mo? Angel o demonyo?" tanong ni Ethriel. Tiningnan naman ni Aria ang dalawang babaeng demonyo na nasa kanyang harapan.
"Dalawa. Dalawang babaeng demonyo." sagot niya kay Ethriel.
"Tang ina!? Sina Gefion at Gehanna!?" hindi makapaniwalang sambit ni Ethriel.
"Bilisan mo ungas!" sigaw naman ni Aria.
Nawala ang liwanag ng kwintas. Bakas pa rin ang takot at pangamba sa mukha ni Aria. Nanginginig man ay sinubukan niyang tumayo ng maayos at matapang na tiningnan ang kambal na demonyo sa harap niya. Kahit ba na ilang beses nang nangyari ang mga kababalaghan na ito sa kanya ay hindi pa rin siya sanay sa mga ganitong pangyayari.
"Gefion, kunin na natin ang heaven's heart." ani Gehanna sa kambal. Tumango naman si Gefion bilang pagtugon sa paanyaya ng kambal.
Umayos naman sila ng tayo at saka mabilos na nilabas ang kanilang mga sandata. The twin demons are expert in using a katana sword in fighting. Mabilis silang sabay na sumugod muli kay Aria nang paglapit nila rito ay malakas na naglabas ng panangga ang heaven's heart upang protektahan si Aria. Labis na nagtaka ang dalawa sa nasaksihan.
"May ganyan palang kapangyarihan ang heaven's heart." ani Gefion at napatingin sa kambal. Naging seryoso naman ang hitsura ni Gehanna na tila nag-iisip ng paraan upang kontrahin ang pananggalang ni Aria.
Iniharap ni Gehanna ang kanyang espada kay Aria at saka nagbigkas ng isang spell. Naglabas naman ng malakas na kulay berderng apoy ang kanyang espada. The twins has the power of cold fire magic. Isang uri ng apoy na sobrang lamig na para ring init ng apoy. Hindi tumalab ang mahikang inihagis ni Gehanna kay Aria.
Si Gefion naman ang sumunod nagharap ng kanyang espada at malakas na tinarak ito sa lupa dahilan para maglabas ito ng malalaking tipak ng yelo na nag-aapoy patungo kay Aria ngunit kagaya ng sa kambal nito ay wala itong nagawa. Bigla namang tinago ni Gehanna ang kanyang espada at dahan-dahang naglakad patungo kay Aria. Napaurong naman si Aria ngunit mabilis siyang nahawakan ni Gehanna sa braso.
"Sinasabi ko na nga ba, may mahikang nakapalibot sa iyo na kahit anong mahika at hindi uubra. Ngayon, mano mano kong kukunin sayo ang heaven's heart." ani Gehanna at agad na dinukot ang dibdib ni Aria. Napasigaw ng malakas si Aria nang maramdaman ang pagpasok ng matatalim na kuko ni Gehanna.
Malakas na nabalot ng liwanag si Aria. Napangiti ng malapad si Gehanna nang mahawakan ang orb sa loob ni Aria.
"Hindi ako makapaniwala." manghang sambit ni Gehanna. "Napakalakas na kapangyarihan."
Ngunit nang hahawakan na ni Gehanna ang pinaka loob ng orb ay bigla itong napasigaw ng malakas nang mag-apoy ang braso nito dahil umepekto na ang spell barrier ng heaven's heart. Hindi agad naalis ni Gehanna ang kanyang braso sa loob ni Aria na siya namang dating ni Ethriel at agad na kinuha anh espada ni Gefion at ginamit ito upang hatiin ang braso ni Gehanna na nasa dibdib ni Aria.
Halos mangiyak si Gehanna sa sakit na naramdaman nang maputol ang kanyang braso. Nag-aapoy ang kanyang braso at ang naiwang parte nito sa dibdib ni Aria. Tinanggal ni Ethriel ang braso nito na nakabaon sa dibdib ni Aria at hinagis sa sahig saka matalim na tiningnan ang dalawang kambal. Nangingitngit naman sa galit ang dalawa dahil sa ginawa nito. Gehanna used her regeneration magic to put back her arms. Hinagis naman ni Ethriel pabalik ang espada ni Gefion na agad nitong kinuha. Napalingon si Ethriel sa likod kung nasaan so Aria na nanghihina dahil sa ginawa ni Gehanna.
"Kayo naman ngayon?" ani Ethriel sa dalawa.
"Kamusta, 3rd demon chief Ethriel Morrow." bati ni Gefion. Napangisi si Ethriel.
"Alciel, kunin mo muna si Aria." tawag ni Ethriel kay Alciel na bigla namang bumagsak galing sa ere at lumapag sa harap ni Aria. Nabigla ang kambal maging si Aria sa pagpasok ni Alciel.
"Mabuti na lang at malapit lang sa bahay ang tempus congelo na agad kong nakita." ani Alciel saka matalim na tiningnan ang dalawang demonyo. "Hindi namin kayo hahayaang kunin ang heaven's heart."
Gehanna already recovered her arm. She greeted her teeth in pissed and gave the men demons a dark look. Sabay namang binuka ng kambal ang kanilang pakpak at saka lumipad sa ere. Paglipad ng dalawa ay agad itong nagpa-ulan ng malalamig na apoy na kulay berde kila Ethriel at Alciel. Mabuti na lamang at binalot sila ng panangga ni Aria.
"Sir, ganito po pala talaga." ani Alciel nang makita ng personal ang reaksyon ng heaven's heart. Nagtataka namang napatingin si Aria sa dalawa nang biglang hawakan ni Ethriel si Aria sa braso at saka ito hinila sa kanya at niyakap.
Natahimik si Aria at labis na nabigla sa ginawa ni Ethriel. Napatingala siya at nakita ang seryosong mukha ni Ethriel na nakatingin sa kanya.
"Kailangan ko ang kapangyarihan mo." sambit nito. Tumango-tango naman si Aria at napapikit na lamang habang nasa bisig ni Ethriel.
Ilang sandali pa ay naramdamang muli ni Ethriel ang malakas na mahikang pumasok sa kanyang katawan. Kumawala siya sa pagkakayakap sa dalaga.
"Sir, ako rin!" bigla namang sabi ni Alciel at akmang yayakap kay Aria nang bigla siyang batukan ni Ethriel.
"Tang ina mo! Bantayan mo na lang siya, ako na ang bahala sa dalawang bwisit na to." malakas na sigaw ni Ethriel saka tingin sa dalawang demonyong nasa ere.
Malakas na binuka ni Ethriel ang malalaking itim na pakpak at sumigaw saka tuluyang mulinh bumalik sa kanyang anyong demonyo. Inilabas din niya ang kanyang malaki at makapal na espada na nag-aapoy.
"Laban na kambal!" sigaw niya sa dalawa saka mabilis na sumugod sa mga ito.