Chapter 19. "The Return of the Angel"
Hindi tulad ni Draven, mahirap kalabanin ang pinagsamang lakas ng kambal na demonyo na sina Gefion at Gehanna. Matalino ang dalawa at magaling sa istratehiya sa pakikipaglaban. Kanina pa nagsasalpukan ang tatlo sa ere ngunit wala pa rin ni isa sa kanila ang bumabagsak.
Dalawa laban sa isa. Sinamaan ni Ethriel ng tingin ang dalawa na nasa harapan niya ngayon habang nakalutang sa ere. Totoo ngang malakas ang dalawang ito na kung tutuusin at hindi dapat nasa kanilang ranggo.
"Alam mo rin ba kung bakit ka namin sinadya rito." pangahas na tanong ni Gefion. Hindi naman sumagot si Ethriel at tanging pang-asar na ngiti lang ang sinagot dito. "Inutusan kami ng pamilyang Freed na paslangin ka!" sigaw ni Gefion.
"Hindi ko alam na bayaran na rin pala kayo ng mga mayayamang demonyo, demon chiefs." seryosong sabi ni Ethriel. Pinunto niya ang kanyang espada sa dalawa. "Ano? Laban na!"
Kumaripas sa paglipad si Ethriel patungo sa dalawang demonyo nang bigla itong mapahinto dahil biglang naglaho ang dalawa. Napakunot ng noo si Ethriel at napasalubong ng kilay.
"Duwag!" gigil niyang sigaw. "Magpakita kayo! Gefion! Gehanna!"
Nakarinig naman siya ng pagbungisngis at napalingon-lingon siya sa paligid ngunit wala siyang makita sa kahit saang idako ng kanyang mata.
"Epektibo pa rin pala ang spell na ito Gehanna" ano Gefion saka sumugod kay Ethriel dahil para masugatan ang braso nito. Napadaing si Ethriel sa naramdamang pinsala. Malakas na nag-apoy ang kanyang mga mata dahil sa inis sa ginawang pagsugod sa kanya ni Gefion.
"Oo naman Gefion, mabuti at alam pa natin ito." sabat naman ni Gehanna na malakas siyang sinipa sa likod dahilan para dumausdos siya at bumaon sa lupa.
Nag-aalala namang nanunuod si Aria habang katabi si Alciel sa hindi kalayuan. Nagtataka siya kung bakit walang kalaban si Ethriel ngunit may sumusugod dito.
"Sir!" gigil na sigaw ni Alciel. Mariing naikuyom ni Alciel ang kanyang kamao at akmang lalapit kay Ethriel nang bigla siyang hawakan ni Aria.
"Sandali, delikado diyan!" sabi ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Alciel nang maramdaman ang mga palad ni Aria sa paghawak nito sa kanya. Nagtaka naman si Aria sa naging reaksyon ni Alciel.
"Totoo nga." hindi makapaniwalang sambit ni Alciel kasabay noon ang biglang pag-itim ng lahat ng kanyang mata at pagbalot ng isanv itim na liwanag.
Napabitaw si Aria sa nakita at napalayo habang nakikita ang pagbabago ng anyo ni Alciel. Nabigla na lang si Aria nang isang malaking itim na pakpak ang lumabas sa itim na liwanag kasabay noon ang paglitaw ng isa pang demonyo. Muli bumalik sa anyong demonyo niya si Alciel. Mahaba ang buhok nito na kulay abo, may mahaba at itim na sungay, ang itim na marka sa kanyang magkabilang pisngi.
Tiningnan ni Alciel si Aria. Pinunto nito ang kanyang hintuturo kay Aria. "cavea principalis clypeus" bigkas niya sa isang magic spell nang biglang maglabas ito ng kulay itim na usok na pumalibot kay Aria at naghugis na tila isang bird cage.
Pagtapos ay mabilis na lumipad si Alciel kung nasaan si Ethriel. Nabigla pa si Ethriel nang makita ang demon form ni Alciel ulit.
"Alciel, si Aria!?" sigaw ni Ethriel.
"Panginoon, naroon siya at ligtas, naglagay ako ng cage shield sa kanya. Tutulungan ko muna kayo kalabanin ang demon chiefs." sagot nito sa panginoon.
Tumayo si Ethriel at nag-unat ng buto. Pinagaling niya na rin ang pinsala sa kanyang braso na gawa kanina ni Gefion. Hindi pa rin nagpapakita ang dalawa sa kanila. Muli nilang narinig ang tawa ng dalawang kambal.
"Alciel may plano ka ba?" tanong ni Ethriel kay Alciel at saka ito tiningnan nang mapanganga matapos makita na aligaga si Alciel at panay ang tingin sa kaliwat at kanan na hinahanap ang kambal. Napasapo na lamang si Ethriel sa noo at binatukan si Alciel. "Tang ina pahirap ka pa yata!" inis na sigaw niya nang bigla may tumarak na espada kay Alciel mula sa likod. Napa-suka ng itim na dugo si Alciel na siyang ginagalit ni Ethriel.
Malakas na nag-apoy ang kanyang mga mata at saka malakas na hinati ang nasa likod ni Alciel na si Gefion. Malakas itong napasigaw nang mahati ito sa balikat hanggang sa dibdib nito. Nag-apoy ang buong katawan nito at tuluyan nang binalot ng apoy ni Ethriel. Doon ay lumabas na si Gehanna upang tulungan si Gefion. Ngunit huli na nang tuluyan nang maging abo ang kambal.
"Gefion!" nagdadalamhating sigaw ni Gehanna. Ngayon niya lang naalala na kapag ikaw ay natamaan ng apoy ni Ethriel ay wala ka nang kawala rito. Ethriel's fire can absorb the magic energy his enemy until it become drained.
Lumipad naman palayo si Ethriel akbay ang kanang kamay.
"Alciel!" nag-aalalang sigaw ni Ethriel sa sumusuka ng dugong kanang kamay. Dali-dali niyang pinueeto ang kamay sa sugat ng kanang kamay upang paghilomin ang sugat. "Bakit hindi ka magpagaling ng sarili mo!"
"Sir, hindi pa sapat ang aking mahika." hinihingal at dumadaing na sagot ni Alciel.
Akma namang susugod si Gehanna nang maramdaman ito ni Ethriel at dali-daling gumawa ng bolang apoy at mabilis na hinagis dito dahilan para masunog ang demonyo. Hingal na hingal si Ethriel dahil sa malakas na mahikang inilabas niya.
Inalalayan niya s Alciel palapit kay Aria na naiwang nakakulong sa cage shield na ginawa ni Alciel. At doon niya napagtanto na maraming magic energy ang kailangan sa paggawa pa lamang pala ng isang cage shield kaya madaling nasugatan ni Gefion si Alciel kanina.
"Aria..." tawag niya sa dalaga nang biglang maglaho ang cage shield at isang malakas na gintong liwanag ang lumitaw sa tapat ni Aria. Doon ay isang pamilyar na mukha ang nakita ni Ethriel at ni Aria.
Nanlaki ang mga mata ni Aria nang muli niyang masilayan ang mga asul na mata nito. Ibinuka nito ang mga malalaking puting pakpak at nakakasilaw ang gintong liwanag na pumapalibot dito.
"Gabriel." ani Ethriel saka siya nilingon ng anghel at seryosong nagkatitigan ngunit ay mas umagaw sa atensyon ni Ethriel ay ang reaksyon ni Aria na tila sabik na sabik na makita ang anghel. Napakunot siya ng noo at malakas na nag-apoy ang kanyang mga mata. Mariin din niyang hinawakan ang kanyang espada.
"Bumalik ka." ani Aria habang manghang nakatingin sa anghel sa kanyang harapan. Tiningnan siya nito ng seryoso ngunit nabigla siya nang biglang dukutin ang kanyang dibdib ng kamay nito. Malakas na napasigaw si Aria.
"Gabriel!" sigaw ni Ethriel at saka umatake sa anghel ngunit mabilis at bigla na lamang itong naglaho at naiwan si Aria na wala ng malay. "Aria!" sigaw ni Ethriel at saka hinagkan ang walang malay na dalaga.