Chereads / The Demon's Heart / Chapter 20 - "The Truth behind"

Chapter 20 - "The Truth behind"

Chapter 20. "The Truth behind"

Tahimik silang lahat habang naka-upo sa sofa. Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Aria na muli niyang nakita ang anghel na si Gabriel. Ngunit sa likod ng galak ay may sakit siyang naramdaman nang may gawing mahika si Gabriel sa kanyang dibdib-sa heaven's heart.

Nakahalukipkip si Ethriel habang nakaupo sa sofa at seryosong nakatingin kay Aria na nakaupo naman sa harapan niya. Si Alciel naman ay bakas ang labis na inis at malalim na pag-iisip tungkol sa ginawa ni Gabriel sa heaven's heart.

Kung sa spell barrier pa lang ay nahihirapan na silang tanggalin ito upang tuluyang makuha ang heaven's heart, paano pa kaya ngayong may kung anong mahikang inilagay si Gabriel dito.

"Ayos ka lang ba, Aria?" tanong ni Ethriel sa tulalang si Aria. Walang emosyon siyang tiningnan ng dalaga at saka napadampi ng palad nito sa kanyang kaliwang parte ng dibdib na agad na pinagmasdan ni Ethriel. Napakunot siya ng noo at nagtaka. "May masakit ba sayo, Aria?" tanong pa muli nito.

Napaiwas ng tingin si Aria at nalalim na huminga saka tiningnan si Ethriel. Kitang kita ni Ethriel ang pait sa mukha ni Aria na tila ba labis na naguguluhan at nasasaktan sa nangyayari.

"Ethriel, pwede mo bang sabihin sa akin ang lahat? Tungkol sa inyo? Sa inyong mga demons at angels. Tungkol sa heaven's heart." pakikiusap ni Aria na ikinabigla ng dalawa. Napatingin si Ethriel kay Alciel na seryoso ring nakatingin sa kanya.

Umayos ng upo si Ethriel at inilahad ang palad sa harapan. Napatingin doon si Aria at nabigla nang naliwanag ito at naglabas ng isang bolang apoy.

"Ipapakita nito ang lahat ng gusto mong malaman at sasabihin ko sayo kung ano at sino kami." umpisa ni Ethriel at siya namang litaw ng imahe ng Hell Kingdom sa bolang apoy. "Iyan ang impiyerno...diyan naninirahan ang mga katulad namin, sa mundong ito hindi kami tiyak ng mga taong katulad niyo. Isa lang kaming pantasya ngunit totoo, totoo ang langit at lupa, totoo ang mga demonyo at mga anghel."

Lumitaw naman ang imahe ni Satan sa bolang apoy. "Siya si Satan. Siya ang King of Hell." pagtapos ni Satan at lumabas din ang imahe ng 12 demon chiefs at nabigla si Aria nang makita roon sina Draven at ang kambal na demonyong sina Gefion at Gehanna. "Kami ang 12 demon chiefs, ang Hell Kingdom at nahahatid sa 12 na base at bawat base ng mga demonyo ay pinamamahalaan naming mga 12 demon chiefs, si Alciel siya ang kanang kamay ko." napatingin si Aria kay Alciel na seryoso naman siyang tiningnan.

Namangha naman si Aria nang makita ang gate of heaven at ang langit. "Ito naman ang langit, ibabaw na parte sa kabilang buhay, masaya ang lugar na ito dahil minsan din akong naging parte ng lugar na ito." pinakita naman sa bolang apoy ang hitsura ni Ethriel noong siya at isa pang anghel. Labis na nabigla si Aria sa nakita.

"Isa kang anghel dati?" hindi makapaniwalang sambit ni Aria saka napatingin kay Ethriel. Ngumiti naman ito sa kanya at muling binalik ang tingin sa bolang apoy.

"Pero ayoko nang balikan ang kwento kung bakit ako naging ganito." lumitaw naman ang kanya hitsurang demonyo sa bolang apoy.

Sandali silang natahimik. "Matagal nang magkalaban ang mga anghel at demonyo, ang langit at lupa. Kayong mga tao ang pinagaagawan ng namin, kung mas maraming tao ang magiging demonyo mas malaki ang laban namin sa langit. At ayon sa propesiya, nakatakda na ang pagkatalo ng mga demonyo ngunit hindi kami naniniwala rito. Kaya nagsaliksik kami kung bakit iyon ang nasabi sa propesiya. At doon namin nalaman ang tungkol sa heaven's heart."

"Sino ang gumawa ng heaven's heart?" tanong ni Aria.

"Ang Lord of Heaven, si Kreuz siya ang pinuno ng langit at mga anghel." sagot ni Ethriel. Natahimik si Aria sa huling nalaman. "Ang orb ng heaven's heart na nasa iyo ay isang makapangyarihang orb na nilikha ng lord of heaven para puksain ang mga demonyo. Nagtataglay ito ng fountain of magic, walang hanggang mahika. At isang malakas na spell na kanyang wakasan ang lahat ng bagay. Kaya naman, ako ang naatasan ni Satan ba kunin ang orb ng heaven's heart ngunit..." napahinto si Ethriel at mariing naikuyom ang kamao.

"Ngunit?" tanong ni Aria. Napatingin naman si Ethriel kay Aria na bakas ang labis na inis at galit sa kanyang mga mata. Nakaramdam ng takot si Aria sa nakita.

"Ngunit nabigo kami" sabay silang napatingin kay Alciel na nagtapos sa dapat sabihin ni Ethriel. Napabuntong-hininga si Ethriel sa ginawang pagsabat ng kanang kamay saka muling tiningnan si Aria.

"At kapalit non ay naparusahan kami ni Alciel na hanapin dito sa mundo ng mga mortal ang heaven's heart at hindi kami nilayo nito at agad namin itong nahanap sayo, Aria." seryosong sabi ni Ethriel.

Hindi inalis ni Aria ang titig sa mga mata ni Ethriel. Nagtaka naman si Ethriel sa mga titig ni Aria na hindi natinag na tila may malalim na iniisip at nais malaman.

"Ethriel..." nabigla siya nang seryosong banggitin ni Aria ang kanyang pangalan.

"Bakit?" mabilis niyang tanong. Sandaling napatikom ng bibig si Aria at huminga ng malalim.

"Masama ka ba?" tanong ni Aria na kinabigla ni Ethriel.

"Ano ba ang tingin niyo sa mga demonyo?" tanong din ni Ethriel. "Hindi ko na kailangan ipaliwanag ang sarili ko Aria, ang gusto ko lang ay matapos ang misyon ko at makabalik sa impiyerno."

Tulala si Aria habang nakatayo sa counter ng convinience store. Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon o mararamdaman sa mga nalaman niya kay Ethriel. Ngunit ang hindi maalis at tumatak sa isipan ni Aria ay ang huling sinabi ni Ethriel.

Nang matapos ang pag-uusap nila ay lumabas na ng bahay nila Ethriel si Aria na puno ng sagot ang kanyang mga katanungan ngunit hindi pa rin lubusang makapaniwala sa mga ito.

"Aria..." tawag sa kanya ni Ethriel. Napalingon siya rito. "Hindi ko masasagot yong tanong mo kung masama ba ako, dahil alam kong ikaw ang makakaramdam ng mga bagay na iyon pero Aria..." napatigil si Ethriel at itinaas ang kanang kamay.

"Isa lang ang maipapangako ko sayo, poprotektahan kita laban sa mga demonyo."

Napabuntong-hininga siya nang maalala ang mga sinabinh iyon ni Ethriel saka napahawak sa kanyanh dibdib.

"Heaven's heart..." mahinang sambit niya.

Nang matapos ang shift ni Aria ay agad na siyang umuwi. Habang pauwi ay nabigla siya nang makasalubong ang isang pamilyar na babae.

"Penelope?" nabiglang sabi niya. Nagtaka naman siya dahil ibang-iba ang mukha nitong hindi mataray at parang maamong tupang nasa harap niya ngayon.

"Maaari ba tayong mag-usap?" ani Penelope na pinagtaka naman ni Aria.

Nagtungo sila sa park malapit sa apartment ni Aria. Habang kaharap si Penelope ay napapaisip siya kung si Penelope na ba ito o baka may demonyo na namang nakasanib sa babae. O di naman kaya ay naaalala niya pa ba ang mga nangyari sa kanya.

"Aria hindi ba?" pagsisimula ni Penelope, napatango naman si Aria. "Sa tingin ko ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong ko Aria." ani Penelope na pinagtaka niya.

"Ano ba iyon? Anong itatanong mo sa akin?" pananabik na tanong ni Aria. Mariin silang nagkatitigan ni Penelope at kita niya ang malalim na paghinga nito bago sambitin ang mga salitang labis niyang kinabigla.

"Nandoon ako, Aria...nakita ko ang labanan ng mga demonyo."