Chereads / The Demon's Heart / Chapter 13 - "Save by the demon"

Chapter 13 - "Save by the demon"

Chapter 13. "Save by the demon"

Nanginginig ang mga tuhod niya habang nanlalaki ang mga mata at tulala sa nakikita. Hindi na rin niyang mapigilang lumuha dahil sa labis na takot. Humandusay sa harap niya ang duguan na si Ethriel. Hingal na hingal siya at hindi alam ang gagawin.

"Sa akin ka na heaven's heart." ani Draven habang papalapit sa kanya.

Nilapitan ni Aria si Ethriel at hinagkan sa hita nito. Kitang kita ni Ethriel ang lumuluhang si Aria nang biglang naglabas ng malakas na liwanag si Aria mula sa kanyang dibdib.

"Tempus congelo" Draven casts.

Muling nabalot ng tempus congelo ang buong paligid. Patuloy na naglalabas ng malakas na liwanag si Aria na bumabalot naman sa buong katawan ni Ethriel. Ethriel is absorbing the magic particles from Aria's heaven's heart. Napatigil si Aria nang makitang maghilom ang sugat ni Ethriel sa dibdib. Kasabay noon ay ang paglabas ng apoy sa mga mata ni Ethriel. Napalayo si Aria at tumayo naman si Ethriel na nag-aapoy at unti-unting bumalik sa kanyang demonyong anyo. Nanlaki ang mga mata ni Aria sa gulat nang makita ang demon form ni Ethriel.

Pinanlisikan ni Ethriel si Draven ng mata at saka nilabas ang espada na kanyang sandata. Draven tried to open the portal going back to hell but Ethriel stopped him and stabbed by his sword. Ethriel sword has a magic spell countering any regeneration spell. Kaya naman hindi na makakapag-regenerate si Draven upang gumaling.

Ethriel close the portal and make a fire ball on his hand. Bakas na bakas ang takot sa mukha ni Draven.

"Revertetur huc ad te!" (Bumalik balik ka pa dito!) sigaw nito kay Draven. "Vos terminus!" (Katapusan mo na!"

Hinagis niya ang bolang apoy ka Draven na siyang tumapos sa 12 demon.

Tulala naman si Aria sa mga nakita. Bigla siyang tiningnan ng matalim ni Ethriel na naghatid sa kanya ng takot dahil sa demonyong anyo nito. Dahan-dahang lumapit sa kanya si Ethriel habang seryoso ang tingin sa kanya. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa pangangatog ng kanyang tuhod.

Unti-unti siyang napa-urong hanggang sa makalapit sa kanya si Ethriel. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa labis na kaba at takot na nadarama.

"Kakampi mo ako, Aria." sambit ni Ethriel na kinabigla niya. "Poprotektahan kita."

Maagang gumising si Aria. Pag gising niya, nilibot niya nh tingin ang buong paligid ng kanyang apartment. Tahimik at payapa ito. Kitang-kita niya ang magandang sinag ng araw na pumapasok sa kanyang bintana. Agad siyang tumayo para magtungo sa kusina at maghanda ng lugaw. Ito kasi ang naisip niyang paraan para makaganti sa ginawang pagligtas sa kanya ni Ethriel kahapon.

Muling sumaglit sa kanyang isipan ang sinabi ni Ethriel kahapon matapos nitong labanan ang demonyong nakaharap niya. Hanggang ngayon, ay hindi pa rin siya makapaniwala na may ganito pala sa totoong buhay. At kung bakit siya pa ang nasali sa ganitong kagulong buhay.

"Heaven's heart" aniya sabay dampi ng kanyang palad sa kanyang dibdib sa may parteng puso. Dinamdam niya ang pagtibok ng kanyang puso.

Nang matapos nag maghanda ng lugaw ay agad siyang nagtungo sa apartment nila Ethriel. Nag-aalangan siya kung ibibigay niya ba o hindi. Kakatok na sana siya nang bigla siyang mapalingon sa gilid nang may nagsalita.

"Sino ka?" tanong ng lalaki. Tiningnan ni Aria ang lalaki at kinilala. Ito ang lalaking kasama ni Ethriel sa bahay.

"Ako si Aria, kaklase ko si Ethriel, hindi ba may lagnat siya? Naghanda ako ng lugaw para sa kanya." paliwanag ni Aria. Napatango-tango naman si Alciel saka tingin sa hawak ni Aria na plastic na may lamang baunan.

"Wala diyan si Ethriel," ani Alciel saka lagay ng susi sa doorknob ng pinto. "Nasa hospital siya ngayon." nabigla si Aria sa nalaman.

"Saang hospital? So hindi siya makakapasok?" tanong ni Aria.

"Hindi. Nandon siya sa may hospital sa may bayan." sabi ni Alciel. Napatingin si Aria sa hawak na plastic at ganon din si Alciel. "Dadalhin ko na lang yan sa hospital, maaari ba?"

Tumango-tango si Aria bilang pag-sang ayon kay Alciel. Paalis na sana si Aria nang muli siyang tawagin ni Alciel. At may hinagis dito. Nasalo naman ito ni Aria. Tiningnan ni Aria ang binigay ni Alciel, isang kwintas na hugis diamond.

"Ano 'to?" tanong niya.

"Galing yan sa sungay ni Ethriel. Hinugis sa ganyang hugis at ginawang kwintas. Alam kong alam mo na ang tungkol sa amin. At hindi ko alam kung bakit binigay sayo ni Ethriel ang bagay na yan. Pero ang hawak mong iyan ay may kapangyarihan na tawagin ang pinanggalingan ng sungay na yan." paliwanag ni Alciel. Muling tiningnan ni Aria ang kwintas.

"Sabi niya ibigay ko sayo yan. Para tawagin mo siya kapag nasa kapahamakan ka." pagtatapos na sabi ni Alciel at pumasok sa kanilang bahay.

Naiwan namang tulala at napapaisip si Aria sa mga nalaman niya. Naalala niya ang sinabi ni Ethriel kahapon.

"Kakampi mo ako, Aria."

Panay naman ang sigaw ni Ethriel habang sinasalag ang kamay ng nurse. Kanina pa sila nahihirapan na tirukan si Ethriel.

"Ayoko niyan! Alciel kalaban!" maingay na sigaw ni Ethriel.

"Sir, kailangan niyo yan para gumaling kayo." sambit ni Alciel.

"Masakit Alciel! Nasubukan mo na ba?" maktol ni Ethriel. Napatingin naman si Alciel sa injection na hawak ng nurse.

"Wala naman akong sakit. Sige na turukan niyo na siya." ani Alciel.

Limang lalaking nurse ang humahawak kay Ethriel para lang turukan ng gamot. Malakas siyang napasigaw ng maiturok sa kanya ang karayom.

"Tang ina ayoko na magkasakit" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Nang makaalis na ang mga nurse. Tinanong ni Ethriel kung naibigay ba ni Alciel ang kwintas. Sinabi naman ni Alciel na naibigay niya. Inihanda naman ni Alciela ang lugaw na niluto ni Aria.

"Niluto ito nong heaven's heart para sayo Sir." ani Alciel na pinagtaka niya.

"Ni Aria? Asaan?" dali dali niyang kinuha ang kutsara at nilantakan ang lugaw. Sarap na sarap naman siyang kinakain ang lutong lugaw ni Aria para sa kanya.

"Sir." tawag ni Alciel na nagpahinto sa kanya sa pagkain.

"Oh? Gusto mo ba?" tanong niya. Umiling-iling si Alciel sa kanya.

"Tinalo mo na talaga si Draven?" tanong ni Alciel. Naging seryoso ang mukha ni Ethriel.

"Oo." napabuntong-hininga naman si Alciel na kinainis ni Ethriel.

"Bakit ba?" Inis na tanong ni Ethriel.

"Sir, si Draven ay anak ng mayayamang demonyong Freed"

Ang Freed demon family ay isa sa mga matataas na demon family sa impeyerno. Mayayaman ang demonyong ito at makapangyarihan din pagdating sa mahika.

"Ano naman?"

"Maaaring maghinganti sila." sagot ni Alciel.