Chapter 11. "I am a demon"
Gamit ang natitirang mahika ni Ethriel, binalik niya sa ayos ang mga nasirang bagay sa nangyaring pagtutuos nila ni Draven. At saka niya tinanggal ang tempus congelo.
Bumalik na muli sa dati ang oras na para bang walang nangyari gulo. Tumayo si Aria mula sa pagkakaupo sa lupa at salubong ang kilay na tiningnan si Ethriel. Napatingin naman si Ethriel sa kanya at tinitigan din siya.
"Sasagutin ko ang mga tanong mo. Umuwi na tayo." seryosong sabi ni Ethriel.
Naglakad na sila pauwi sa tinitirhang apartment. Tahimik lang si Aria at ramdam pa rin ang labis na pagod dahil sa nangyari. Si Ethriel naman ay naghihintay lang sa itatanong ni Aria.
"Sino ka ba talaga?" napahinto si Ethriel at tiningnan si Aria na bakas ang pananabik sa isasagot ni Ethriel. Huminga siya ng malalim.
"Naniniwala ka naman sa diyos di ba?" tanong ni Ethriel. Alangan ang mga titig ni Aria sa lalaki. Hindi pa rin kasi mawala sa kanyang isip ang mga nangyari kanina. Labis siyang naguguluhan sa mga nasaksihan niya. Dumagdag pa ito sa pag iisip niya tungkol sa anghel na si Gabriel.
Marahang tumango si Aria sa tanong ni Ethriel. Napangiti naman ang binata sa nakita niyang ekspresyon ni Aria.
"Kung gayon, naniniwala ka rin ba sa mga demonyo?" nakangising tanong ni Ethriel. Napaiwas ng tingin si Aria kay Ethriel. Nakakaramdam siya na tila ba ay inaasar lamang siya ng lalaki.
Muli niyang nilingon si Ethriel ngunit paglingon niya ay saktong namang nagtapat ang kanilang mga mukha nang ilapit ni Ethriel ang mukha sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga habang nakatitig sa mukha ni Ethriel. Kasabay ng pagtitig sa mukha nito ay nakaramdam siya ng labis na takot sa seryosong mukha nito.
"Isa akong demonyo," bulong ni Ethriel sa kanya. Bigla niya namang malakas na sinampal ng ito nang kilabutan dahil sa ginawang pagbulong ni Ethriel. Napasigaw ng malakas si Ethriel sa sampal ni Aria at hinimas-himas ang pisngi. "Aray ko naman!" maktol niya.
Tulala naman si Aria dahil sa sinabi ni Ethriel. Mahina niyang sinampal-sampal ang sarili upang magising kung panaginip ba ang lahat ng ito ngunit nasaktan lamang siya sa ginawa.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Inis na nakanguso si Ethriel habang nakasunod kay Aria. Tahimik naman si Aria at patuloy pa ring iniisip ang lahat. Nilingon niya si Ethriel na agad namang sumalag gamit ang mga braso sa pag-aakalang sasaktan siya ni Aria.
"Kumag, ikwento mo ang lahat." seryosong sabi niya sa lalaki. Tumayo naman ng maayos si Ethriel at seryoso siya tiningnan.
Nagtungo silang dalawa sa playground kung saan unang nagtuos sila Ethriel at Gabriel. Tanda rin ni Aria ang araw na iyon. Madilim na at tuluyan nang lumubog ang araw. Nakaupo silang dalawa sa duyan.
"May iba pang mundo bukod sa mundonh ito. Iyon ay anh langit at ang impiyerno." pag-uumpisa ni Ethriel. "Matagal nang magkalaban ang mga anghel at demonyo. Alam kong alam mo yan." tiningnan no Ethriel si Aria na tahimik na nakikinig sa kanya. "At tulad ng sabi ko, isang akong demonyo na naparusahan kaya pinatapon ako sa mundong ito bilang isang mortal."
"Bakit ka pinarusahan?" tanong ni Aria. Seryoso niyang tiningnan si Aria at tinuro ang parteng dibdib nito.
"Dahil sa orb na nasa loob mo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit kita hinahawakan?" nagtaka si Aria sa kanyang sinabi. "Nawala ang karamihan sa aking mahika nang maging mortal ako. At noong nahawakan kita, biglang lumakas ang mahika ko. Nagtaka ako noon kaya minatyagan kita at iyon din ang dahilan kung bakit ako nag-aral sa school mo."
"Anong orb?" naguguluhang tanong ni Aria.
Huminga ng malalim si Ethriel. "Isang anghel ang naglagay sayo ng orb na yan." sagot niya kay Aria.
Biglang naalala ni Aria ang anghel na yumakap sa kanya noon at nagdala sa roof top.
"Yon ay si Gabriel. Ang orb na nasa iyong katawan ay ang heaven's heart. Isa tong makapangyarihang orb na nagtataglay ng kakaibang mahika na ginawa ng mga diyos upang gamitin sa digmaan ng mga anghel at demonyo."
"Kung gayon kukunin mo rin ba ito sa akin?" nanlaki ang mga mata ni Ethriel sa tanong na ito ni Aria.
Natahimik si Ethriel sa tanong ni Aria. Taimtim niyang tiningnan ang mga mata ni Aria na bakas ang takot at pagkabahala. Nanginginig din ang mga kamay at tuhod nito.
"Aria, natatakot ka ba?" tanong niya sa babae.
Pumikit si Aria at kinalma ang sarili. Huminga ito ng malalim at muling tiningnan si Ethriel.
"Nabigla lamang ako sa mga nangyari." sagot niya sa lalaki. Napangiti naman si Ethriel.
"Huwag kang mag-alala, nandito ako." bilib na sabi ni Ethriel.
"Sino yong nakalaban mo kanina?"
"Ahh yonh bobo na yon? Si Draven! Tang ina non kung nasunog ako non yari sakin yon pagbalik ko ng impiyerno." natatawang sabi ni Ethriel. Natahimik naman si Aria sa sinabi niya. "Oh bakit?" tanong ni Ethriel nang mapansing tahimik si Aria.
"Kakampi ba kita o kalaban?" tanong ni Aria na nagpatahimik kay Ethriel.
Tulala at naguguluhan ang isip ni Ethriel pag-uwi nito. Hindi niya alam kung bakit kakaiba ang kanyang pakiramdam tuwing malapit kay Aria. Lalo na sa tuwing titingnan nito ang mga mata ng babae. Hindi rin niya nasagot ang huling tanong ni Aria. Napatingin siya sa salamin at pinagmasdan ang repleksyon doon. Marahan niyang inilapat ang mga palad sa kaliwang dibdib at doon ay naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Napakunot niya ng noo at labis na naguluhan sa nararamdaman.
"Ano? Dumating dito si Draven?" hindi makapaniwalang sigaw ni Alciel. Umaga na nang makauwi si Alciel galing sa shift nito sa call center company kung saan siya nagtatrabaho habang kakagising pa lang naman ni Ethriel at naghahanda ng almusal.
"Oo pota ang ingay mo." inis niyang sabi dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa kakaibang tibok ng puso niya. "Oo nga pala Alciel, maaari bang magkasakit ako sa puso?" tanong niya.
Nagtaka naman si Alciel sa tanong niya. "Normal lang sa mga mortal ang magkasakit. Bakit Sir? May kakaiba ba sayong katawan gusto mo bang pumunta sa hospital?"
"Ospital? Ano naman yon?"
"Isa iyong lugar para sa medisina. Mayroon doong doctor at nurse na mag-aalaga sayo. Doon pumupunta ang mga tao kapag may sakit." paliwanag ni Alciel. Hinawakan naman niya ang noo ni Ethriel na bigla namang tinapik nito.
"Ano bang ginagawa mo?" may pandidiring sigaw ni Ethriel.
"Hindi ko rin alam pero iyon ang ginagawa ng mga tao para malaman kung may sakit sila."
Hindi na niya inisip ang mga kalokohan ni Alciel at pinagpatuloy ang kwento tungkol sa nangyaring laban nila ni Draven.
"Nasa babaeng iyon ang orb?" tanong ni Alciel.
Naging seryoso naman si Ethriel. "Ngunit mayroong spell barrier ang orb nang subukan ko itong kunin. Malakas at kakaiba ang spell na nilagay sa orb." dagdag pa niya.
"Kailangan kong bantayan si Aria. Malamang ay hindi lang si Draven ang magtatangkang kunin ang orb." ani Ethriel.
"Ako naman ang gagawa ng paraan para alamin kung paano mawawala ang spell barrier." ani Alciel.
Paglabas ni Ethriel sa pinto ng apartment ay siya ring labas ni Aria sa kanyang apartment. Agad na napangiti si Ethriel sa dalaga habang irap naman ang nakuhang sagot nito at nilagpasan lang siya. Sumunod naman siya kay Aria upang sabayang maglakad.
"Oy Aria, bakit ba ang sungit mo sa akin?" pang-asar na tanong ni Ethriel kay Aria. Hindi naman siya pinansin ng babae at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tinusok naman niya ng kanyang hintuturo ang tagiliran ni Aria dahilan para makaramdam ng kiliti si Aria at nagulat pa ito.
Mabilis na bumakat ang kamao ni Aria sa pisngi ni Ethriel.
"Hindi ka ba kalaban kita?" sigaw ni Aria at naunang maglakad kay Ethriel.
Pinagmasdan naman ni Ethriel si Aria habang papalayo ito sa kanya. Napaisip siya, kalaban nga ba siya?