Chereads / The Demon's Heart / Chapter 10 - "The 12th Demon"

Chapter 10 - "The 12th Demon"

Chapter 10. "The 12th Demon"

"Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong ni Ethriel. "Bakit ka nakakagalaw sa loob ng tempus congelo? Demonyo ka ba!?" Gulat na gulat na bulalas niya sabay turo kay Aria. Nagtaka naman si Aria dahil alam ni Ethriel ang nangyayari.

"Ano bang nangyayari kumag ka!? Anong demonyo!" inis na ganti ni Aria. Napaisip nama si Ethriel at napasalubong pa ng kilay at taimtim na pinagmasdan si Aria.

"So, isa kang anghel?" may pang-iinsultong tanong niya. Napasinghap naman si Aria sa tinuran ng lalaki. Hindi siya makapaniwala na may isang lalaking kumag siyang kasama sa gitna ng magulong pangyayaring ito.

Natigil ang pagtatalo nilang dalawa nang biglang tumakbo si Ethriel at tinulak payakap si Aria. Sabay silang tumilapon sa lupa.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya habang nakadagan kay Aria. Nanlalaki naman ang mga mata ni Aria sa pagkabigla habang malapit ang mukha nila ni Ethriel sa isa't isa.

"Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Aria. Umayos sila ng tayo at doon nakita ni Aria ang mga panang nakatusok na sa lupang kinatatayuan niya kanina.

"Lumabas ka na, alam kong ikaw yan Draven." sigaw ni Ethriel. Nagtaka si Aria sa sinasabi ni Ethriel.

Isang kulay asul na apoy ang biglang lumitaw sa ere at doon niluwa nito ang 12th demon chief na si Draven. He is holding his bow and arrow while standing on his flying scythe. Nanlaki ang mga mata ni Aria at binalot ang kanyang buong katawan nang makita si Draven.

"Ikaw?" nauutal niyang sabi habang tulala at kinakabahan sa nakikitang nakalutang na demonyo sa ere. Napatingin si Ethriel kay Aria.

"Kilala mo siya?" tanong nito. Tumango-tango si Aria kay Ethriel.

"Siya yung lalaki kanina sa rooftop. Naging ganito rin ang buong paligid kanina, bigla niya akong sinugod at may kung anong ginawa sa dibdib ko." paliwanag niya habang bakas pa rin ang takot sa kanyang mukha. "Sino ba siya?" dugtong pa nito.

Naging seryoso ang mukha ni Ethriel habang nakatingin kay Aria. Dahan-dahan siyang lumapit kay Aria. Nais niyang kumpirmahin kung tama ba ang nasa isip niya. Nailang si Aria sa dahan-dahang paglapit ni Ethriel sa kanya at unti-unti siyang napaurong. Nang malapit na si Ethriel sa kanya ay bigla namang nagpaulan si Draven ng mga asul na bolang apoy patungon kay Ethriel. Napahinto si Ethriel at mabilis na tiningnan si Draven ng masama.

"Muntik na ako roon Draven, hayop ka!" inis niyang sigaw. Tumapak naman sa lupa si Draven nakangising nakatingin sa kanya.

"Napagdesisyunan na ng demon chiefs at ni Satan na unahan kang makuha ang orb ng heaven's heart." ani Draven na kinabigla ni Ethriel. Napalingon si Ethriel kay Aria na siyang ring tingin ng babae sa kanya.

"Nasa iyo ang heaven's heart?" hindi makapaniwalang sambit ni Ethriel. Hindi nakapagsalita si Aria sa gulo ng kanyang isip.

"Hindi mo alam?" ani Draven na agad na tiningnan ni Ethriel.

"Hindi kita hahayaang makuha ang orb Draven!" banta niya sa kalabang demonyo. Humagalpak naman sa tawa si Draven dahil sa kanyang sinabi.

"Paano? Paano mo ako lalaban Ethriel, isa ka lang mortal!" sabi ni Draven saka ayos ng kanyang pana at atake kay Ethriel. Iniwasan ni Ethriel ang panang tinira ni Draven.

"Aria, magtago ka muna!" sigaw ni Ethriel kay Aria na siya namang ginawa ng babae ngunit nilabas ni Draven ang itim na malalaking pakpak at lumipad patungo kay Aria para pigilan siya.

Nang malapit na si Draven kay Aria. Tumakbo si Ethriel patungo sa scythe na iniwan ni Draven at kinuha ito saka inihagis kay Draven dahilan para maputol ang isang pakpak nito.

Malakas na sumigaw si Draven sa natamong pinsala at tiningnan ng masama at may ngitngit si Ethriel.

"Magbabayad ka!" malakas na sigaw ni Draven kasabay ng pagpapakawala ng malakas na asula na apoy. Draven has a power to regenerate his body. Kaya naman naibalik niya ang kanyang pakpak. And now, he is planning to face and take Ethriel down before getting the orb.

Nabuo naman ang takot at inis sa mukha ni Ethriel. Compare to Draven, he is useless. Wala siyang panama sa lakas at mahika ngayon ni Draven. Draven is in the lowest rank of demon chiefs but now, Ethriel feels that Draven is really powerful.

"Ugh! Nakakainis na katawang ito!" inis niyang sigaw. Muli namang pumorma ng pagpana si Draven at inasinta siya. "Sandali, Draven! Hoy wag!" sigaw niya ngunit tinuloy ni Draven ang pagpapaulan ng pana sa kanya. Tumakbo at umiwas siya sa mga nag-aapoy na pana ni Draven.

"Tang ina ka! Muntik na ako!" bulyaw niya sa demonyong kalaban. Tumawa naman si Draven at muling nag-ayos ng pagpana sa kanya.

"Ngayon siguradong tapos ka na!" sigaw ni Draven saka tira ng pana sa kanya. Natulala lang si Ethriel sa ginawa ni Draven ngunit nabigla siya nang biglang humarang si Aria sa kanya.

Malakas na nagliwanag ang dibdib ni Aria at nalabas ng kulay gintong liwanag na bumalot sa kanya at sumangga sa mga pana ni Draven. Nilingon no Aria si Ethriel sa likod, hingal na hingal siya dahil sa ginawang iyon. Napaupo si Aria at sinalo ni Ethriel. Nang dumampi ang mga kamay ni Ethriel sa katawan ni Aria bigla siyang binalot ng gintong liwanag na nagbigay sa kanyang ng malakas na mahika. Nawalan ng malay si Aria. She drained her human energy for releasing such a powerful magic from her inside.

Sa nangyaring iyon. Bigla niyang naibalik ang kanyang demon form. Malakas na sumigaw si Ethriel nang maramdamang muli ang malakas at kakaibang mahika sa kanyang katawan. Lumabas ang kanyang matipunong katawan, mahaba at matulis na sungay, itim na pakpak at ang nag-aapoy niyang mga mata. Nabalot ng malakas na apoy ang buo niyang katawan.

Sinamaan niya ng tingin si Draven na gulat na gulat sa nakitang pagbalik ni Ethriel sa pagiging demonyo.

"Katapusan mo na." aniya sabay sugod kay Draven at atake ng sunod sunod na suntok. Walang nagawa si Draven sa lakas ni Ethriel. He tried to dodge Ethriel's fist but he is immensely powerful.

Tumilapon si Draven sa huling suntok ni Ethriel at bumangga sa isang gusali. Nilapitan siya ni Ethriel habang nakabaon sa pader ng gusali.

"Ethriel, wag!" sigaw ni Draven nang maglabas ng malaking bola ng apoy si Ethriel sa kanyang kamao at malakas na sinuntok si Draven.

Nawalan na ng malay si Draven at binuksan ni Ethriel ang portal pabalik sa mundo ng mga demonyo at inihagis si Draven pabalik.

"Babush!" aniya sabay hagis sa walang malay na si Draven.

Binalikan ni Ethriel si Aria na wala pa ring malay. Taimtim niyang tiningnan si Aria at pinagmasdan ang dibdib nito.

"Ang heaven's heart" aniya sa sarili. Lumapit siya kay Aria at dinukot ang dibdib nito ngunit napalayo siya agad nang isang malakas na mahika ang maramdaman niya at nasunog ang kanyang kamay.

Mayamaya pa biglang bumalik muli sa pagiging mortal ang katawan niya.

"What the fuck!" inis niyang sigaw. "Payatot ulit ako!" taranta niyang sabi.

Nagising naman si Aria sa ingay ni Ethriel. Napatingin sa kanya si Ethriel.

"Gising ka na pala." aniya. Ngunit isang tanong ang napahinto kay Ethriel.

"Sino ka ba talaga?"