Chereads / The Demon's Heart / Chapter 8 - "Getting into my nerves!"

Chapter 8 - "Getting into my nerves!"

Chapter 8. "Getting into my nerves!"

Mabilis na tumakbo si Aria pababa ng kanyang apartment. Dahil sa pagod kagabi sa trabaho ay tinanghali na siya ng gising! Alas-nueve ng umaga ang simula ng klase niya at malapit nang mag-alas-nueve. Paglabas niya ng gate ay sandali siyang napahinto nang makasalubong si Alciel. Nagkatinginan silang dalawa.

"Magandang umaga." bati ni Alciel at nagbigay ng magandang ngiti. Aria felt a little awkwardness in Alciel's presence kaya hindi niya ito pinansin. Naiirita kasi siya kapag naaalala niya ang pagmumukha ni Ethriel.

Pagdating sa school ay mabuti na lamang at wala pa ang kanilang homeroom teacher. Nagtungo agad siya sa kanyang upuan at inayos ang mga gagamitin para sa first subject nila. Nang pumasok ang kanilang teacher, sabay sabay na nagsitayan ang mga mag-aaral para bumati rito. Pag-upo ni Aria ay aksidente niyang nahulog ang kanyang libro kaya naman pinulot niya ito bago umupo ng maayos ngunit pag-upo niya, agad siyang napatayo at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang nasa tabi ng kanyang teacher.

"Ikaw!?" Bulalas ni Aria na umalingawngaw sa buong classroom. Pinagtinginan siya ng kanyang mga kaklase.

"Kilala mk siya Aria?" tanong ng kanilang teacher. Napalunok siya ng laway at kinalma ang sarili. Nakangisi naman si Ethriel na nakatingin sa kanya.

"Magkatabi kami ng apartment." masiglang sabi ni Ethriel. Napuno naman ng komosyon at pagdadabog ang mga babae sa classroom nila. You can't blame the girls, Ethriel appearance shouts good looks.

Inirapan ni Aria si Ethriel na pang-asar na nakatingin sa kanya. Ewan niya ba kung bakit ang init ng dugo niya sa lalaking ito. Mukha kasing mahangin at walang magawa sa buhay ito para sa kanya, isa pa tinatawag siya nitong nakakadiri. Their first encounter mark a bad impression on her mine.

Ayos na sana ang lahat, ang kaso ginamit ni Ethriel ang mind control magic nito sa kanilang teacher para itabi siya kay Aria. Bakas na bakas ang pagka-irita ni Aria habang si Ethriel naman ay panay lang ang obserba sa kanya.

Kagabi napag-planuhan na nila ni Alciel ang magiging plano. Iyon ay ang imbestigahan at mapalapit kay Aria. Inasikaso agad ni Alciel ang papeles para sa kanilang anyo bilang tao tulad ng birth certificate, ID, school back ground at iba pang importanteng dokumento. Alciel use his magic to make all of it. Kasama na rin doon ang pag-transfer ni Ethriel sa school ni Aria. All in all, this is part of their plan. They also decided that in this world, Ethriel is a grade 12 student and his guardian is Alciel which will play as his uncle. Alciel will also work as a call center agent at night because he has the ability to adapt language skills.

Natapos na ang unang klase nila. Pag-alis ng kanilang teacher, agad na nagsilapitan ang mga babae nilang kaklase kay Ethriel.

"Ethriel, totoo bang galing kang Amerika?" manghang tanong ng isa nilang kaklase.

"So magaling ka mag-English?" dagdag pang tanong ng isa.

"Baka may accent din siya!" tumitiling sabi pa ng isa.

Mabuti na lamang at tinulunga siya ni Alciel para maging bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles gamit ang mahika nito.

Ngumiti si Ethriel sa mga kaklaseng babae. Habang si Aria naman ay iritableng nanunuod sa kanila.

"Hi, my name is Ethriel Morrow, I am originally from Pennsylvania and migrated here to finish my college." he politely said with his American accent.

Halos magsigawan ang mga babae sa pagsasalitang iyon ni Ethriel habang bakas naman ang pagka-asar at pandidiri ni Aria sa kanyang mukha. Napatingin si Ethriel sa kanya ng nakangiti ngunit tinaasan niya lang ito ng kilay at inirapan.

Buong araw na hindi maganda ang mood ni Aria. Nang break time nila nag hapon ay umakyat muna siya sa rooftop ng building nila para magpahangin. Habang taimtim na nilalasap ang simoy ng hangin bigla namang may kakaibang tunog siyang narinig. Isang tunog ng violin. Inikot niya ang tingin sa buong paligid ng rooftop at doon niya nakita ang isang lalaki na tumutugtog ng violin. The sound of the violin give her peace and calm.

Nang mapansin ng lalaki ang presensya niya ay huminto ito sa pagtugtog at napatingin sa kanya. Aria try to recognize the boy. Hindi niya pa ito nakikita dito sa school nila. Seryoso siya nitong tinitingnan na naghatid ng pagkailang sa kanya. Kaya naman agad niyang iniwas ang tingin sa lalaki at naglakad na palabas ng rooftop ngunit nang makalagpas siya sa lalaki ay nanlaki ang kanyang mga mata at nagtaka sa sinabi nito.

"Kukunin ko na sayo ang heaven's heart."