Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya

πŸ‡΅πŸ‡­Fhrutz_D_Hollow
--
chs / week
--
NOT RATINGS
127.9k
Views
Synopsis
Isa si Yeman sa mga tinatawag na shut-in. Anime, manga or real life movies basta tungkol sa mga zombies ang paborito ni Yeman. Pati sa PC niya ay puno ng mga larong mga zombies. Isang gabi iniligtas niya ang dating kasintahan sa panganib. Ito rin ang naging dahilan kung bakit siya napunta sa kakaibang mundo ng Pantasya. Tunghayan ang masalimuot na pakikipag laban ni Yeman bilang si Zombie sa mundo ng Pantasya. Anong hamon ang naghihintay sa kanya?
VIEW MORE

Chapter 1 - Drug Organization Syndicate

Raaaar!

Arrrrrrg!!

Graaawl!!

"Run! run faster! Its zombie! Zombies are coming!Hiiiide! Please hide everyone!"

Sigaw ng lalaki sa loob ng monitor habang hinahabol ng zombies.

Ding! Dong!

Biglang tumunog ang doorbell.

Dumating na ata ang in'order kong pizza. Patayin ko muna tong Monitor.

Click!

Ding! Dong!

"Sandali lang, bubuksan na!."

Creeeak! Pagbukas ng pinto ay binati si Yeman ng matinding sikat ng araw. Hinarang niya ang palad sa kanyang mata dahil nahirapan siya idilat ang mga ito.

"G-Good afternoon sir" Bati sa kanya ng delivery boy na halatang gulat sakanya.

"Good afternoon din" Ganting pagbati niya rito.

"I-Ito na po ang order niyo na pizza, paki pirma nalang dito sa recieve section." Tarantang sabi ng delivery boy.

Napansin ni Yeman ang kakaibang inasal ng delivery boy.

Sigh!

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Yeman. Matapos pirmahan ay binigay niya ulit dito ang recibo, pinunit ng delivery boy ang kopya tapos binigay kay Yeman at dali daling umalis. Hindi alam ni Yeman kung iiyak ba siya o tatawa sa inasal ng delivery boy. Sa pag alis nito ay itinaas ni Yeman ang kanyang kaliwang braso at inamoy amoy ang kili-kili at damit.

Bakit kaya hindi naman ako mabaho? Naligo ako nung isang araw, wierd naman nun.

Bumalik siya sa kanyang kuwarto. Haaah, humikab si Yeman bago bumalik sa harap ng monitor bitbit ang pizza at mabilis na sinunggaban na para bang gutom na zombie.

Click!

Raaaaawr!!!

Noo! Nooooooo!!

10pm na ng matapos manood ni Yeman. Pumunta siya sa kusina at binuksan ang ref, nakita niya na wala namang ibang makita dahil walang laman ito. Dahil siya lang mag isa sa dorm, ay wala siyang mautusan. Nag ta-trabaho ang kanyang ina at ama sa ibang bansa. Nasa iba ibang parte naman ng pilipinas ang kanyang mga kamag anak. Kaya wala siyang kasama. Tiningnan niya ang relo sa kaliwang braso,10:10pm.

Ayos maaga pa.

Lumabas si Yeman para mag grocery. Dumaan siya sa shortcut para mabilis. Sumipol sipol pa habang naglalakad. Ginagaya yung theme song ng anime tungkol sa mga babaeng zombie na kumakanta at sumasayaw.

Pagliko sa eskinita ay binati siya ng kadiliman. Patay sindi ang mga ilaw sa poste. Lalo na sa unahan sa bandang may tulay kung saan dadaan si Yeman. Hindi abot ng sinag ng ilaw sa bandang ito. Naalala niya tuloy yung ganitong eksina sa dati niyang pinapanood. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at ini-on ang flashfight. Dahil sanay na sa ganito mula sa mga pinanood, hindi man lang tumindig ang kanyang balahibo o di kaya kumabog ang dibdib sa takot. Nagpatuloy siya hanggang makarating na nga sa grocery store. Binuksan niya ang salamin na pinto.

"Goodevening sir! Pili lang po kayo." Pagbati sa kanya ng mga clerk.

Tumango lang si Yeman at dumiretso na sa merchandise area. Pinili niyang bilhin ay mga pagkain na mabilis na lutuin gaya ng cup noodles. Bumili din siya ng karne ng manok at baboy. Pagkatapos pumili dinala sa counter.

Tap! Tap! Bling!

"553pesos po lahat sir." Sabi ng babae sa counter.

Habang dinudukot ang pitaka sa bulsa ay napansin niya na pasulyap sulyap sa kanya ang babae sa counter. Tumingin sa kana't kaliwa at likod. Nakita niya ganun din ang ibang clerk patingin tingin sa kanya.

"Miss may problema ba sa mukha ko?"

Hindi na pigilan ni Yeman magtanong sa babae.

"Eek! W-wala po siiir!"

Dahil nagulat ang babae hindi sinadya napalakas ang pagka sagot nito kay Yeman. Mabilis na tinakpan ng babae ang kanyang bibig.

Tumango si Yeman at sinabing...

"Ganun ba?, hmn ok"

Kinamot nalang ni Yeman ang ulo. Dumukot ng 500 at 100 pesos sa pitaka. Binigay sa counter.

Tap! Tap! Bling!

"Your change sir, thank you for coming please come again."

Pagkatapos makuha ang sukli. Dumiretso agad siya sa salaming pintuan. Lumabas siya at nag pakawala ng hangin sa bibig. Tatawid na sana si Yeman nang may namataan siyang pamilyar na babae sa kabilang kalye, hiningal ito at tila may humahabol. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Yeman ng maka sigurado sa katauhan ng babae.

Eh! Marie? Pagka alam ko nag migrate sila noong nasa 2nd year high school pa lang kami. Bakit kaya andito siya? sandali,

parang takot na tila may humahabol sa kanya. At sino kaya yang isang babae na kasama niya?

Naguguluhang pag ta-tanong sa sarili ni Yeman. Tatawagin na sana niya ito pero bigla siyang natigilan. May itim na kotse ang biglang huminto sa tabi nila Marie. At tinangay ang dalawang babae. Hindi nakaimik sa sobrang bilis ng pang yayari si Yeman. Si Marie na childhood sweetheart niya. Noong 2nd year high school sila tinangay ito ng mga magulang niya sa ibang bansa. Dahil hindi sila boto kay Yeman. Ngayon tinangay na naman ng mga naka blacksuit na lalaki. 25y'old na ngayon si Yeman. Sa tatlong buwan ng kanyang kulihiyo ay nagkaroon ng kaguluhan sa university na pinapasukan at si Yeman ang napag bintangan. Kaya hindi na lang siya Pumasok pa dahilan kaya naging shut-in siya.

Gusto sana tumawag ng police ni Yeman pero sa bilis ng pangyayari hindi niya napansin ang plaka ng kotse. At isa pa lowbat na ang cellphone na dala. Ipina sa diyos nalang ni Yeman na walang masamang mangyari kay Marie at kasama nito. Huminga muna ng malalim si Yeman bago nagpatuloy sa pag lakad pauwi.

*****

Sa di kalayuan may kotse na pumarada. Madilim sa lugar na ito. Patay sindi ang mga ilaw na nakasabit sa poste. Bumaba ang tatlong lalaki. Ang dalawa sa tatlo ay may bitbit na nakatali na mga babae. Dinala nila ito sa bandang sulok sa ilalim ng tulay. Masyadong madilim sa bandang ito dahil hindi abot ng sinag ng ilaw. Nagpupumiglas ang mga babae pero dahil nakatali ay walang epekto ang pinag gagawa ng mga ito.

"Put them down here." Utos ng isa.

"Yes boss." Sagot ng dalawa sabay bagsak sa mga bit bit.

Blag! Outch!

Blag! Ugh!

"Now now Marie, can you be so kind to tell me where you hide the sample?" Tanong ng lalaki habang sinisindihan ang sigarilyo.

"I don't know what you are talking about!" Sigaw na sagot ni Marie.

"Marie Belle De La Costa the youngest physician genius who made many achievements in physics and now created drug called Soul System." Pag pa-paliwanag ng lalaki.

"Heh! So you did your homework. But we already burn the samples. That drug is imperfect!" Sagot ni Marie.

"Don't be so hard to us Marie. I heard that you two are best friend." Sabay lingon ng lalaki sa babaeng kasama ni Marie.

"What are you planning to do to Luca?" Tinitigan ni Marie ang lalaki.

"Nothing if you cooperate with us."

"No don't listen to him Marie. I rather die than let them get the sample!" Sabi ni Luca

"Easy girl, Marie I am man of words nothing will happen to you and your friend if you cooperate to us."

"I said we already burned the sample!"

"Hmn too bad i don't have much time to play with you" Sabi ng lalaki kay Marie.

Hinithit ng lalaki ang natitirang sigarilyo at binuga ang usok. Sabay sinyas ng 'kill sign' sa kasama. Itinutok nito ang baril kay Luca.

"Nooooooo!" Sigaw ni Marie.

Bang!

*****

Habang naglalakad pauwi si Yeman may napansin siyang pamilyar na kotse ang nakaparada sa gilid ng madilim na eskinita na kanyang dadaanan.

Ito yung kotse ng mga nakaitim na lalaking tumangay kay Marie.

Lumingon lingon si Yeman sa paligid. At bigla ay.....

Bang!

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw na kanyang narinig. Kinabahan si Yeman sa maaaring masamang nangyari kay Marie. Sinundan niya kung saan banda ang malakas na tunog. Maya-maya isang iyak ng pamilyar na boses ang kanyang narinig mula sa pinaka madilim na banda sa ilalim ng tulay. Dito dumaan kanina si Yeman at dito rin ang daan niya pabalik.

Lucaaaaaaaa!

Sigaw ng boses na narinig ni Yenma.

Si Marie yun!...Bilis na kinuha ni Yeman ang naka sandal na dos por dos na may isang metro ang haba na nasa gilid ng kalsada. Itanabi niya ang kanyang mga binili sa dating kinalagyan ng dos por dos. Dahan dahan siyang lumapit sa ipinagmulan ng boses. Hanggang may 10 metro nalang ang layo niya sa kinaroonan ng mga ito.

"I told you. I don't have much time to spare you" Malamig na sabi ng lalaki.

"You! Motherfucker!" Sumbat ni Marie habang patuloy ang pag agus ng luha sa mga mata.

"Hahaha! So now Ms. young genius. Care to cooperate with us?" Malamig na tanong ng lalaki.

Hindi na nakasagot si Marie dahil sobrang na shock siya sa pagkawala ng bestfriend. Kumunot ang noo ng lalaki at binunot ang baril.

"Ok if that is what you wish for." Intinutok ng lalaki ang baril sa ulo ni Marie. Pero bago pa man makalabit ang gatilyo...

You and I.. we're like fireworks and symphonies exploding in the sky'(Sad Song nightcore version)

Isang magandang melodiya ang tumunog. Hindi alam ni Yeman na kasalukuyang nagtatago sa bato kung umiyak o tumawa ba, dahil sa napaka awkward ng ringtone nito sa kasalukuyang nagaganap.

Tumunog ang ringtone sa cellphone ng lalaki bago pa man maiputok ang baril. Dahil mukhang importante ang pag uusapan ay humakbang muna ito papalayo kay Marie bago sagutin ang tawag. Lumagpas ito sa pinagtaguan ni Yeman. Hindi man lang nito napansin ang nilagpasang si Yeman na animoy duming dumidikit sa bato na pinagtaguan. Ngayon 5 metro nalang ang layo nito sa kanya. Ang lalaki at mga kasama nito ay may 15 metro ang layo sa isa't isa.

"Yes Sir! No Sir! Yes!Yes I can handle it."

Base sa pakipag usap ng lalaki sa tumawag. Mukhang ito ang big boss at salarin sa pagdukot kina Marie. Bitbit ang dos por dos dahan dahan itong nilapitan ni Yeman. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at nanginginig ang katawan. Pero para mailigtas si Marie kailangan niya gawin ito. Walang ka malay-malay ang lalaki sa bad news na pa-palapit sa kanya. Pero animoy may six sense ang gago bigla itong sumulyap sa likod. Ngunit huli na, ang bumati sa kanya ay isang metro na dos por dos.

"Sorry Nightcore Man" Mahinang bulong ni Yeman dito.

Pok!

Tumama ito sa noo ng lalaki. Hindi man lang ito naka sigaw diretsong nawalan ng malay. Hinatak ni Yeman ang katawan sa bato na dati niyang pinag taguan. Nakatalikod ang dalawang kasama na nag babantay kay Marie kaya hindi nito napansin ang nangyari.

Kinuha ni Yeman ang baril ng lalaki. Sundalo ang kapatid ng kanyang Ina. Noong siya'y bata pa madalas ay pina pakialaman ang mga baril na naka display sa kuwarto nito. Seyempre walang mga bala ang mga ito. Tinuruan din siya nito ng tamang pag hawak at kung paano paputukin. Isang Colt M1911A1 ang baril na nakuha ni Yeman.

Ni'reload niya ito bago dahan dahang lumapit sa dalawa pa. Nasa limang metro nalang ang layo ni Yeman sa mga ito. First time niya magpaputok ng baril na may bala kaya kinakabahan at nanginginig. Sa katawan niya itinutok para mas mataas tiyansa na tatama. Sa pagkalabit ng gatilyo....

Bang!

Blag! Bagsak isang katawan. Tinaman ito sa puso. Mabilis niya itinutok sa isa pa at sabay kinalabit ang gatilyo.

Bang! Hindi ito tinamaan dahil nakapikit si Yeman habang pinaputok ang baril. Kaya nakaganti ang kalaban.

Bang! Tinamaan sa dibdib si Yeman bago bumagsak nakaputok pa siya ng isang beses.

Bang! Suwerte na tinamaan sa ulo ang huli.

Blag! Blag! halos sabay bumagsak ang dalawa.

Sumuka ng dugo si Yeman.

Guwah! Uhoo! Uhuo!

"Ma-Marie"

Bagama't shock pa si Marie sa nangyari sa bestfriend. Isang boses na pamilyar ang nagpa balik sa kanya sa reyalidad. Ito ang boses na matagal na niyang gustong marinig.

Ye.....man?

Unti Unting bumabalik sa isip ni Marie ang mga nangyari.

|"Hey bakit mo ako laging inaaway?"(tanong ng babae)

"Para mapansin mo..dahil mahal kita"(derektang sagot ng lalaki)

"Hahaha ano ba'ng klaseng panliligaw yan hindi manlang ako kinilig?"(halatang kilig na kilig na tanong ng babae)

"Hindi ako nanligaw sinabi ko lang na may gusto ako sayo."(pagpapaliwag ng lalaki)

"LoL ano yan assurance? takot ka ba ma basted?"(natatawang tanong ng babae)

"Alam mo sa panahon ngayon hindi dapat sugod ng sugod dapat may retreat plan din."

"Heh! hindi mo manlang kayang ipag laban ang naramdaman mo sa akin? Pano kita sasagutin niyan?"

Napakunot noo ang lalaki...

"Hmn 5years akong walang tulog gabi gabi."

"?!"

"Mga mata ko'y tila magnet sa t'wing napapadaan ka."

"?!"

"Dahil sa sobrang sikat mo sa eskul nag tiis akong tingnan ka lang sa distansya."(namumulang sabi ng lalaki)

"Geez! Ang korni mo!"

Biglang niyakap ng namumulang babae ang lalaki.

"Ma-mahal din kita...mu-mula pa noong mga ba-bata pa tayo."|

Bumuhos ang matinding mga luha sa mata ni Marie. Tinanggal ang tali at dali dali niyang nilapitan si Yeman na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo. Lalong pumuti ang maputi nang mukha ni Marie ng makita ang kalagayan ng dating kasintahan.

Yeman! Yeman! Anong nang....?Bakit ka.....? Putol-putol ang natatarantang boses ni Marie.

Nakita ni Marie ang mga naka handusay na mga lalaking tumangay sa kanila. Napagtanto niya na niligtas siya ni Yeman. Sumulyap siya sa bestfriend na wala ng buhay. At binalik ang tingin sa nag aagaw buhay na si Yeman. Hindi magkamayaw ang sari't saring naramdaman.

|"Marie! Marie! Is it true you rejected Ronald? The most handsome guy in campus?"

"What? You have someone you like? Young sweetheart in Philippines?"

"Marie this is bad news someone leaked the information of drug. A big syndicate is after us we need to hide!"

"To the Philippines? I wish to meet this guy who made the great Ms. Marie Belle De la Costa still single until now."

"Noo! Marie run they're here!"|

"Ma...rie" Nanghihinang tawag ni Yeman. Habang unti unting iniabot ng duguang kamay ang magandang mukha ni Marie. Na ngayo'y puno ng luha. At halata ang iba ibang klaseng emosyon.

Yeman! Yeman! Nononooooooo!

I won't let you die! I won't let you die! I won't let you die!

Habang nagsisigaw ay may kinakapa ito sa katawan niya. Tapos biglang may dinukot si Marie sa dibdib. Isang syringe at walang pag atubiling in'inject kay Yeman.

Unti unti na nga lumalabo ang paningin ni Yeman. Kahit nanlalamig ang buong katawan ay ramdam niya ang init ng mahigpit na yakap ni Marie sa kanya.

Mahal....

Ito ang huling salita na narinig ni Yeman bago tuluyang nawalan ng malay.

SOUL SYSTEM ACTIVATE!