我Habang tinitiningnan ang maladambuhalang hitsura ni Naol, ay hindi mapigilan ni Zombie na ihalintulad ito kay The Hulk ng Avengers.
Napaisip tuloy siya kung nanggaling ba rito sa mundong ito ang creator sa character ni The Hulk. Pero hindi niya siniryoso ang isiping ito. Syempre si The Hulk ay gawa sa pinaghalong iba ibang cells ng amphibian na hayop habang ang kanyang kalaban ay hindi niya alam kung bakit ito biglang nagbagong anyo. Pakuwari niya ay may malaking kinalaman ang mahika sa pagbabago nito.
Walang pakundangan at muling sumugod si Naol kay Zombie na parang nagwawalang toru.
Bago makalapit si Naol sa kalaban ay hinatak at hinampas ang ngayo'y nagbagong anyo rin na espadang hawak niya. Kung dati ay para itong Katana. Ngayon ay ay nagbagong anyo at mas malaki pa sa Bastard Sword na hawak ni Zombie.
Halos napatigil ang lahat sa paghinga dahil sa nakakatakot na hitsura ni Naol. Nagmistula itong halimaw sa kanilang mga mata. Hindi mapigil na mapaatras ng ilang hakbang ang ibang nanonood na may mahinang dibdib. Sa isip nila ay baka magwala ito at madamay pa sila.
Pero lingid sa kanilang inasahan ay kontrolado parin ni Naol ang kanyang pag-iisip.
Hindi lang nagbago ang hitsura at katawan ni Naol, nadagdagan din ng ilang beses ang kanyang lakas, liksi, bilis at endurance.
Sinundan ng malutong na salpukan ng mga metal nang sa di inaasahan ng lahat ay sinalubong ng lalaking payatot na may patpatin na mga braso ang ataking mula sa mala poste na laki na mga braso ni Naol.
Hindi nagtapos sa isang salpukan ang kanilang atake, dahil sinundan pa ito ng sunod sunod na mga atake na siya namang pilit na sinasabayan ni Zombie.
Kung titingnan ang dalawa ay parang mag-amang nagsasanay sa espadahan. Pero kaibahan lang ay, halos hindi masundan ng lahat ang kanilang mga galaw. Kahit si Droy nahirapan na sila ay sundan.
Nakakunot ang kanyang noo habang pilit na sinusundan ang galaw ng dalawa. Napatanong siya sa isip kung totoo ba itong nakikita niya? O baka naman nananaginip lang siya sa mga oras na ito?
Paanong napakalakas at napakabilis ng payat na ito?! Hindi paba ito nagseryoso kanina? Na kahit nagbagong anyo na si Naol ay kaya parin nitong makipagsabayan?! Hindi ito kapani-paniwala!
Nanlilisik ang mga mata ni Naol habang bara bara at mabilisang iwinasiwas ang kanyang espada na parang naglalatigo ito ng kung ano man.
Si Zombie naman ay hindi nagpapatalo at sinasalo ang mga atake ni Naol, na ngayo'y may kakaibang lakas at bilis na dala.
Nakakakilabot ang mataas na tunog ng mga espada nila habang paulit-ulit na nagsasalpukan. Parang kunting pagkakamali lang ay may ulong lilipat sa paligid.
Hindi maiwasan na kilabutan ang mga nanonood. Ngunit habang tiningnan nila ang bato batong katawan ni Naol sa sobrang laki ng mga muscle ay nagmistula itong puro hangin ang laman, dahil bawat atake nito ay sinasangga pa ng payatot.
Parang bang malakas lang ito tingnan pero walang pwersa dulot. Dahil kumg totoong malakas nga ito, di sana kanina pa nakahandusay ang payat sa lupa!
Pero bakit ganon? Parang nag-eenjoy pa ang payat habang nakangisi at nakikipagpalitan ng salpukan kay Naol.
Habang mabilis na nagpapalitan ng pagwasiwas sa kanikanilang espada ang dalawa ay unti-untin ding pumapaitaas ang mga alikabok na kamakailan lang humupa. Parang gusto na magreklamo ng mga ito na 'pagpahingain niyo naman kami!'. (LoL)
Ilang sandali ay...
TIIIIIIING!!!!
Isang malakas na salpukan at napatigil ang dalawa sa kanilang mabilisang palitan ng paghampas. Ngayon ay nagtutulakan nanaman sila at nagtatagisan kung sini ang mas malakas.
Ang kanilang mga kanang paa ay nasa bahagyang likod at nakasuporta sa kanilang katawan na hindi matangay sa pagtulak ng kalaban.
Ilang sandali ay... Bang! sabay nilang sinipa ang kanilang tuhod sa kalaban, ngunit dahil dito ay nagkasalubong ang kanilang mga tuhod. Sinabayan ito ng mga tunog ng butong tila nadurog.
Napakunot ng noo ang mga nanonood. Ang kanilang insahan na katapusan na ng payatot ay hindi parin dumating! Napakahaba naman ng buhay ng payat na ito! Kahit sa katawan niya ay hindi parin matalo-talo!
Medyo napahagulhol ng kunti sa sakit si Naol nang magkasalpukan ang kanilang mga tunod. Na para bang ang isang malambot na unan ay sumalpok sa karayum!
Si Zombie? May sarili siyang hospital sa loob ng katawan! Kaya wag na asahan na masaktan siya.
Manhid na siya sa sakit, sa puso man o katawan, sa kanya ba namang napagdanan, kahit siguro mabali ang mga buto niya sa katawan ay parang kagat lang ng langgam para sa kanya.
"H-Harimaw..." biglang napabulong ang awkward na bosses ni Naol na parang bosses ng halimaw.
Hindi alam ni Zombie kung matawa. Kung pagbabasihan ang kanilang hitsura ngayon ay mas halata naman na mas mukhang halimaw si Naol sa kanya.
Hindi tuloy maiwasan na matawa ni Zombie sa kalooblooban ukol sa sinabi ni Naol sa kanya.
Para naman sa mga nanonood na medyo malapit at nakarinig sa sinabi ni Naol, sa isip nila ay kayo yung dalawa ang mukhang halimaw! Isang dambuhalang halimaw at isang mistulang buhay na kalansay!
Muling silang nagpakawala ng malakas na sipa ng kanilang mga tuhod. At sinundan pa ng paulit-ulit. Dahil dito ay nagmistulang sumasayaw ang dalawa.
Kung pagbabasahin sa lakas at bilis ay patas ang dalawa. Ngunit, habang tumatagal ay nalulugi si Naol. Dahil lalo lang siyang nasasaktan habang nagpapatuloy ang salpukan ng kanilang mga tuhod. Habang ang kanyang kalaban ay wala manlang makikitang pangngiwi.
"Tsk! Anong meron sa payat na ito at tila si Naol lang ang nasasaktan sa ginagawa nila!" Giit ni Droy habang kinuyom ng malakas ang kamao.
Kahit ang iba nilang kasama at kahit ang mga taong nanonood sa paligid ay hindi rin makapaniwala. Gayundin ang grupo nila Yuya, halos hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nakikita.
'Bakit parang hindi manlang nasasaktan si Zombie?' Napatanong tuloy sa isip si Yuya. Pati sila Pol ay ganito rin ang katanungan sa kanilang isipan.
Hindi napansin ni Naol na sa kanilang salpukan ay siya lang din ang nasasaktan.
Nagpakawala agad ng sipa si Zombie, ngunit bago pa ito sanggain ni Naol ay medyo nahuli siya ng bahagya dahil sa pinsalang mga natamo. Dahilan ito kaya medyo bumagal ang kanyang galaw.
Kaya walang nagawa si Naol nang tamaan siya sa may bandang tiyan. Napaatras ng ilang hakbang si Naol at bumagsak ng nakabaluktot sa lupa.
Biglang tila walang katao-tao ang paligid dahil sa katahimikan ng mga taong nanonood.